Final Chapter

241 13 2
                                    

Angelo POV

Dear Diary,

Sa wakas! Natapos narin ang aking pag aaral sa aking high school life.

Alam mo ba kung sino ang kasama ko noong graduation ceremony? Si Jia na ngayon ay live in partner ko na. Masyadong mabilis no? Pero destiny kase ito hahaha. Hindi. Ito malamang ang plano ng diyos para sa amin.

Masayang masaya ako noong araw na iyon, at si Tammy naman ang nagsabit sa akin ng aking mga medalya.

Masaya at malugod akong tinanggap ng mga magulang ni Jia at masaya din siya na tinanggap ng aking mga magulang. Ibinilin nila sa akin na huwag na huwag kong pababayaan ang aking pag aaral sa kolehiyo lalong lalo na si Jia.

Bakasyon na ngayon, at nalalapit na ang isa pang yugto ng aking buhay..

Ang buhay bilang isang mag aaral sa kolehiyo.

Simula noong araw na natahimik na ang kalululuwa ni Lucy, natapos na rin ang mga usap usapan ng kanyang pagpaparamdam.

Nirenovate na ang lumang library at ang kanilang dating classroom.

At siyempre, best friends ko pa rin sina Mark, Nicole, Cheska, at Michelle. Ang totoo ay silang dalawa ang sumalubong sa amin nang lumabas kami sa madilim na pasilyo. Niyakap ako ni Nicole habang umiiyak at muntik pa sila mag away ni Jia. Ansaya kaya nilang kasama, at dahil sa kanila naging masaya ang buhay ko sa pagiging isang fourth year high school student. Noong JS Prom namin nakasayaw ko si Cheska, at medyo nagtampo sa akin si Jia. Ilang araw ko siya sinuyo pagkatapos.

Minsan ay dinadalaw namin ni Jia ang puntod ni Lucy at inaalayan siya ng mga dasal at pinagtitirik ng kandila.

Ngayon, masaya na ako sa buhay ko kasama si Jia. Sa kanila na ako tumira at siyempre nandoon din si Cheska na minsan ay masungit sakin. Hihi. Minsan ay inamin niya sakin na may gusto siya sakin, at medyo nagkatampuhan sila ng ate niya. Pero okay na ang lahat. Buti nalang.

Madalas na dumadalaw si Tammy sa amin at nakikikain sa amin tuwing gabi. Ngayong bakasyon ay binabalak niyang mag stay sa amin ni Jia.

Binabalak namin ni Jia na parehong kurso ang kunin, at iyon ay ang Journalism. Magkasama kami saan man kami dalhin ng tadhana, iyan ang pangako namin sa isat isa.

Haaay ayan Diary! Sa wakas ay naisulat ko na sa mga natitirang blankong pahina ng libro mo na ibinigay sa akin ni Lucy ang mga naging moments ko kasama siya at ang mga kaibigan niya. Ganun din ang naging karanasan ko sa pagresolba ng misteryo ng nakaraan.

Sayo ko na isinulat ang aking mga karanasan bilang pag alala kay..

Lucy Carmel..

Naiisip ko pa ang kanyang bilin na ipagpatuloy pa ang aking writing career. Hindi man ako masyadong magaling na manunulat, dito naman ako nagiging masaya. Sa pagsusulat, naipaparamdam ko sa mga tao na pinahahalagahan ko kung ano ang ibinigay sa akin ng dakilang panginoon.

Pano ba iyan diary? Sa wakas ay narating ko na ang katapusan ng kwentong ito. Katapusan nga ba? Hindi. Dito lamang magsisimula ng lahat para sa akin.

Bago ko tapusin ang entry ko dahil nauubos na ang mga page mo, gusto kong isulat kung ano ang iniwan na aral sa atin ni Lucy Carmel.

"Busugin ninyo ng magagandang alaala ang inyong buhay. Dahil iyan lamang ang tanging maganda sa mundo na inyong madadala kahit sa kabilang buhay. Hanggat may pagkakataon, ipadama ninyo sa mga mahal niyo sa buhay kung gaano sila kahalaga."

"Hindi natin alam kung kailan kukunin ng diyos ang ating hiram na buhay. Gumawa kayo ng masasaya at hindi malilimutang mga alaala kasama sila, habang hindi pa huli ang lahat, na sa kasamaang palad ay nangyari sa aking buhay."

"Pahalagahan ninyo ang mga alaalang iyon. Mga alaala na mabubuhay sa mga taong nagmamahal sa atin magpakailanman."

Paalam, Lucy Carmel.

-------------

Tinatawag na ako ni Jia mula sa kusina, "Honey! Kakain na tayo!"

"Gelo tara na kakain na!", masayang sigaw ni Tammy.

Nangiti ako at isinara ko na ang libro ni Lucy. Itinabi ko sa aking drawer at balak kong ipabasa pa ito sa aming magiging anak sa hinaharap.

"Hoy Angelo, tara na. Ipinagluto ka ni Ate ng pinakamasarap niyang recipe at gusto ko na rin tikman ito!", nasasabik na sunod ni Cheska mula sa lamesa.

"Honey! Tara na! Masarap itong menudo ko, sige ka mauubusan ka.. hihi.", muling tawag ni Jia.

"Nandyan na, honey! Huwag niyu akong ubusan hahahahaha.", masaya kong tawag kay Jia. Mahal na mahal ko siya.

-Angelo Cruz

+The End+

In Loving Memory Of Lucy Rose CarmelWhere stories live. Discover now