Chapter 2: Transferee Student

379 17 2
                                    

St. Mary University (2016)

"Class, may bago kayong kaklase na nagmula pa sa ibang bayan.", sabi ni Mrs. Kim.

Nagsigawan ang mga kalalakihan.

"Baka sexy chick yan ha?", sigaw ni Mark na pinakasutil sa buong klase, ngunit isa sa mga pinakamatatalino. Makisig na lalaki si Mark at hinahangaan ng marami dahil sa hitsura nito.

"Ikaw talaga Mark! Napaka manyak mo!", bulong ni Nicole na class president na katabi lang niya. Siya ang pinaka matalino sa klase at ang pinaka maganda. Masipag siya mag aral at walang interes sa mga lalaki at sa relasyon.

Napangisi lamang si Mark at tumahimik din.

Nag iingay ang buong klase at napansin nila na tahimik lamang si Mrs. Kim at malamig silang pinagmamasdan.

Tumahimik silang lahat dahil iba si Mrs. Kim kung magalit.

"Oh tapos na ba kayong magbenta sa palengke? Pwede na ba akong magpatuloy?", tanong niya.

"Yes, ma'am!", sagot nilang lahat.

"As I was saying, may bago kayong classmate. I want all of you to treat him good, okay?"

"Yes maam!"

"Okay. Mr. Cruz, please come in.", sabi ni Mrs. Kim.

Pumasok sa classroom ang isang lalaki na naka itim na jacket at bag dahil kasalukuyang maulan ngayong July.

Medyo nag ingay ang mga kababaihan sa kanilang nakita. Medyo may hitsura din daw siya.

Magalang na ngumiti ang binata at nagpakilala, "Hello class! Ako nga po pala si Angelo Cruz. You may call me Gelo for short. Kakalipat ko lamang po sa bayan na ito, at bumukod na ako sa aking mga magulang sa kagustuhan na makamit ang mas mataas na pag aaral."

"Nice to meet you, Gelo!!", sabi ng mga grupo ng babae sa harapan. Tumingin si Angelo sa kanila at nagtiliian ang mga ito. Nginitian niya lamang sila.

"Mr. Cruz, I am really hoping na mag eenjoy ka sa iyong stay dito sa St. Mary University. Umupo kana dun sa tabi ni Nicole. Siya ang class president dito sa room. Matutulungan ka niya sa mga kakailanganin mo."

Tumungo si Gelo sa tabi ni Nicole at umupo na.

Iniabot ni Nicole ang kanyang kamay, "Gelo! Nice to meet you! Welcome to this school!"

Natigilan saglit si Gelo. "Ang cute naman niya.", ang sabi niya sa sarili.

Nanginginig na nakipag shake hands si Gelo sa kanya, "Nice to meet you, too!"

Tapos si Mark naman ang sumunod, "Hi Gelo! Ako nga pala si Mark Reyes, ang Vice President. Sana maging magkaibigan tayo. Mukang masipag ka rin mag aral eh."

Nakangiting tumango si Gelo at nagsimula na ang pagpapakilala ng mga kaklase niya sa kanya. Nagkakandarapa ang mga babae sa kanya.

"Hi Gelo! Ako si Michelle! Pwede bang mahingi number mo?", nakangiting sabi ni Michelle, ang pinaka friendly sa klase.

"Sure!", sagot ni Gelo. Nagtitili si Michelle at nagtatatalon.

"Hoy Michelle ang landi mo ah!", sigaw ng isang babae.

Pinalo ni Mrs. Kim ang lamesa at bumalik ang katahimikan.

"Quiet! Mahiya naman kayo kay Angelo! Yang mga asal niyo parang hindi pang first section huh?", sigaw ni Mrs. Kim, ngunit nababakas sa kanya ang tila misteryosong pananabik sa kung anong bagay.

---------------------

Recess Time

Angelo POV

In Loving Memory Of Lucy Rose CarmelWhere stories live. Discover now