BT1 : You're Hired

32K 872 18
                                    





" MOM ! DAD ! "

Napaupo ako kaagad dahil sa panaginip na yon. No, it's a nightmare. Isang bangungot na hanggang ngayon ay hindi ako tinatantanan.

Teka anong oras na ba?

Tinignan ko ang oras sa wall clock na nandito sa kwarto ko.

Tsk. 1 am pa lang ng madaling araw.

Nag-unat unat muna ako ng katawan bago tumayo at nagpasyang bumama para sana uminom ng tubig ng may marinig akong kaluskos at mga foot steps.

Nasa tatlo ang papalapit sa kwarto ko at siguradong may dalawa pa sa baba. Malakas ang pakiramdam ko dahil sa training na dinanas ko noon.

Dahan-dahan kong kinuha ang ang baril ko at isinuksok sa may holster at kinabit sa binti ko. Kinuha ko din ang katana ko bilang mangopensa mamaya.

Dumaan ako sa secret passage ko dito sa kwarto na karugtong lang ng pangatlong kwarto dito sa taas.

Binukas ko ng kaunti ang pinto at sinilip ang mga pumasok sa pamamahay ko.

Tatlong nakaninja suit na may dala ring katana.

Nakita ko rin ang dalwang ninja na sa baba na nagsilbing look-out.
Tsk ! Ano bang kailangan ng mga to sakin at sa madaling araw pa talaga bumisita.

Nakatalikod sila sa akin kaya kinuha ko ang kanilang atensyon.

" psst ! " ako

Sabay naman silang lumingon sa akin at sinenyasan nung nasa gitna yung dalwa na sumugod sa akin kaya inihanda ko sarili ko.

Yumuko ako para iwasan ang pag-atake nung naunang ninja sabay sipa sa harapan at natamaan ang pangalawa. Siniko ko yung nauna at pumwesto sa likuran niya. Itinapat ko ang katana ko sa kanyang leeg at ginilitan.

Dahil dun ay sumugod ulit yung sinipa kong ninja kasunod nung nang-utos sa kanila, ibinend ko ang katawan ko para iwasan ang katana niya at sinipa ito patalikod. Agad naman akong pumusisyon ng makita kong papalapit na rin dito yung dalawang nagbabantay sa baba. Agad kong itinarak ang ang katana ko sa ninjang nasa harapan ko.

Hinawakan ko ang sleeves ng suit nung isang ninja at hinila ito dahilan para matanggal ang pagkakatali nito at lumuwag. Ginamit ko to sa pagbuhol ng mga kamay niya at inikot siya sa harapan ko ng makita kong susugod yung isa pang ninja habang nakatutok sa akin ang katana niya. Ouch !! Sapol sa tyan si kuya.. resulta? Syempre si Kuyang ninja ang nasaksak imbes na ako.
Mabilis kong itinulak si Kuya at sinaksak yung ninjang nakasaksak sa kanya. Ayan kwits na kayo ha.

Isa na lang ang natitira. Naghagis siya sa akin ng mga shurikens na agad ko namang iniwasan. Magbabato na ulit sana siya ng ....

*BANG*

Binaril ko na. Pagod na ako eh.

Nilapitan ko si Kuyang ninja at inapakan ang tiyan niya kaya may lumabas na dugo sa bibig niya.

" who sent you here?" Matigas na tanong ko sa kanya

Pero ngumisi lang siya at nagsalita kahit nahihirapan.

" t-they w-ill h-hunt you d-down. No m-matter where you g-go. Ha--hanapin ka nila at p-patayin."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya . Wala naman akong kaaway ah?

" WHO !?" Iritang tanong ko

" those who killed your parents." Last word ni kuyang ninja bago siya lagutan ng hininga.

*sigh*

Hanggang ngayon ba hindi pa rin nila ako lulubayan? Nananahimik na ako. Ayoko ng gulo pero kung ganito ang ginagawa nila ay hindi ko na maiiwasan pa ang noon ko pang iniiwasan.

Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now