BT24 : Traitor

10.8K 368 35
                                    


-NICA'S POV-

Magdo-doorbell na sana ako ng biglang bumukas ito at tumambad sa akin ang mukha ni Glenn.
Seryoso at nakatiklop ang mga braso sa may dibdib.

" oh bat gising ka pa Glenn?" Sabi ko at pumasok na.

" hinintay kasi kita." Seryosong sabi niya.

" ganun ba." Ako at tumuloy na kami sa mansyon. Dumiretso ako sa sofa at umupo.

" tara sa kusina Sensei, alam mo bang pinagluto kita ? Tara kain tayo" Yaya niya sa akin pero umiling ako.

" pasensya na Glenn pero kumain na kasi kami ni Rei kanina kaya medyo natagalan ako sa pag-uwi." Nakapikit kong sagot sa kanya. Napamulat naman ako ng hindi na siya nagsalita.
Nakita ko siyang nakatingin lang sa akin. Malungkot ba siya? Bat ganyan ang mata niya?

" okay ka lang ba Glenn?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya pero umiling siya. Akmang tatayo na sana ako para lapitan siya ng pigilan niya ako.

" huwag na. Kaya ko sarili ko. Magpahinga ka na lang sensei. Yung mga pagkain sa kusina ako na lang magliligpit kinabukasan. Matutulog na ako" Sabi niya at umalis na.

Napatulala naman ako dahil dun. Te-teka... Ah shit !

Napakainsensitive mo Nica !
Napasabunot naman ako sa buhok ko dahil dun.
Ipinagluto ka niya pero ni magpasalamat ay hindi mo nagawa. Tinanggihan mo pa !
Sabi ng konsensya ko sakin.
Maybe that's the reason why sadness is visible to his eyes. That's because you didn't appreciate what he did .Urgh!

1am na rin ng madaling arAw pero hinintay ka pa niya para lang siguraduhing kumain ka na. *sigh*

Tumayo ako at nagsimulang maglakad sa kusina. Agad akong naghugas ng kamay at kumuha ng plato para kumain.

Wow ! Siya ba nagluto ng ma 'to?
Tinikman ko ang pasta at... Sheeez ! Angsarap

Mas masarap pa ata to kesa sa kinain ko kanina sa restaurant na pinagdalhan saki ni Rei kanina.
Kung kanina at busog ako ngayon ay paran nagutom ako at lalong ginanahan sa pagkain.

Wahhh busog na busog ako.

*burp*

Opps ! Thank you Lord.

Ililigpit ko na sana ng may humawak sa balikat ko. Napalingon ako at nakita ang nakangiting mukha ni Glenn.

" ako na." Sabi niya at kinuha ang platong pinagkainan ko at baso.
Bigla naman akong nahiya dahil sa ginawa ko kaninang pagdating ko.

" Ah Glenn, sorry ha? Naging insensitive si Sensei. I really appreciate what you did kaya huwag mo sanang iisiping binalewala ko lang ang ginawa mo."

Bigla siyang humarap sa akin at niyakap ako.

" It's okay, thank you sensei."

----------------------

Naalimpungatan ako dahil sa katok sa pinto ng kwarto ko at ang natatarantang boses ni Ivan.

" Sensei ! Sensei !" Sigaw niya, agad akong bumangon at binuksan ang pinto.

" Bakit? What happen?" Tanong ko.

" si George."

Bigla akong ginapangan ng kaba sa dibdib.

" He's missing."

Agad akong tumakbo sa kwarto niya at nakitang wala nga siya doon.

Shit ! Nasaan na siya?

Tumakbo ako sala at nakita silang Lima doon kasama sila Nico,Jk at Dino.

" huminahon kayo baka may pinuntahan lang siya." Sabi ni Jk na mukhang kagigising lang din.

" what? Hindi ba't wala pa siya sa tamang kondisyon?" Iritang tanong ni Glenn kaya hinawakan ko siya sa balikat at pinaupo na muna.

" imposible naman kasing may makapasok na Dark Wings dito dahil sa mahigpit na seguridad meron tayo. At isa pa, may mga nkakalat na cctv sa buong mansyon." Dino

" pero tinignan natin ang cctv footage at wala tayong nakita dahil sa may sumira ng cctv camera sa may harap at sa gate. Paano siya nakalabas?" Misaki

" maliban na lang kung may tumulong sa kanya o di kya may traydor sa loob." Sabi ko na ikinalingon nila.
Nalita ko ang dagliang paglaki ng mga mata ni Dex dahil din dun.

Biglang nagring ang phone ni Dex kaya tumayo siya at lumayo sa amin. Nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa ibaba niya ang cellphone niya. Lumapit siya sa amin at nagpaalam.

" ah guys, tumawag kasi sa akin ang daddy at pinapatawag ako sa office niya. Babalik na lang ako dito mamaya." Paalam niya kaya naman umalis na siya.

Tumingin ako kanila Nico,Jk at Dino at sinenyasan sila. Tumayo naman sila agad at nagpaalam din na may pupuntahan kaya kami na lang ang natira dito.
Tahimik lang kaming nakaupo sa sofa at seryosong nag-iisip.
Mga ilang oras din kaming ganun ang posisyon ng mapagpasyahan kong magsalita

" huwag kayong mag-alala, babalik din si---"

Hindi ko na natapos ang sAsabihin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sila Dex na nakaakbay kay George na may bitbit na supot.

" George ! " Ivan

" where have you been?" Tanong nila, napakamot naman siya sa noo niya.

" may binili lang ako sa labas. Pasensya na." George

Nakahinga naman kami ng maluwag ng dahil dun.

" Bakit magkasama kayo ni Dex? Akala ko ba pinapatawag ka ni Tito?" Tanong ni Lexter kanila George at Dex

" ah nagkasabay lang kami diyan sa harap. Tinawagan kasi ulit ako ng secretary ni Dad at sinabing huwag na lang daw akong tumuloy." Dex kaya naman napatango na lang kami.

Dahil dun ay napagpasyahan kong pagpahingain na lang sila sa kanya kanya nilang mga kwarto.
Pagkaalis nila ay agad kong tinawagan ko si Nico.

" kamusta ang pinapagawa ko? Siya ba?"


" Affirmative."

Naibagsak ko ang cellphone ko dahil sa pagkabigla. My assumptions are correct then.

Bakit?

Bakit niya ginagawa ito?
Is this one of your tactics Dark Wings? Bakit siya?

Masakit malaman na isa sa kanila ang nagtraydor pero hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit para sa kanila lalo na't magkakaibigan sila. Hindi ko alam ang mangyayari sa oras na malaman nila ang totoo. Pero sana... Sana lang ay maalala nila ang sinabi nilang magiging handa sila sa kung ano man ang mangyayari.

Karapatan nilang malaman ang katotohanan pero sa tingin ko ay mas mkakabuting wala muna silang alam. Mas makakabuti siguro kung hindi ko muna sasabihin.
Nakakalungkot isipin na maaaring makasira ito sa pagkakaibigan nila. Anong ng gagawin mo ngayon Nica?

Muli kong tinawagan sila Nico.

" Nico... Prepare the warriors. On Sunday,the battle between the two organization will start and will end at the same day."

" copy." Sagot nila at agad na ibinaba ang telepono.




Let's end this war !





_iamkoreanangdisenyo

Sino kaya sa kanila ang traydor? Sino sa tingin niyo?




Votes and comments :)

Nakakatawa pero totoo, nabasa ko lang sa story dito din sa wattpad, na ang comments and votes niyo ay parang sweldo na rin namin :)

Kaya guys damihan niyo naman sweldo ko xD

Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now