BT13 : Nice to be back

16.9K 631 23
                                    



-NICA'S POV-


Nagising ako dahil sa tunog ng pintuang pabalang na binuksan.




" nasaan na siya?" Sabi ng isang matandang boses



" nasaan ang Nica ko?" Ulit pa niya




Hmmmm ! Aray angsakit ng balikat ko. Pero ano daw??
Nica ko?



Narinig kong palapit na ang matanda sa kinaroonan ko kaya nagpanggap pa rin akong tulog. Sino ba to?


" kawawa naman ang Nica ko." Sabi ulit niya

Aba naminihasa na to sa kakatawag saking " nica ko" ah, kaano-ano ko ba to?


" naabutan po namin siyang nakikipaglaban sa mga ninja ng Dark wings at isa sa kanila ang nakatama ng isang palaso sa balikat niya." Pambabalita ni Reign sa kanya.
Oo sila Reign nga ang tatlong nakaputing ninja suit kanina na kumuha sa amin nila Glenn. Kahit nakatakip ang mukha nila ay kilala ko pa rin sila

Kung ganun ang Dark wings nanaman ang sumugod sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga maisip kung bakit nila ako gustong patayin. Hindi pa ba sila kontento sa pagkawala ng magulang ko? Baka madamay pa sila Glenn




Speaking of Glenn, nasaan na kaya ang mga yun?



" hmmmmm." Ungol ko kunwari





" gising ka na pala." Sabi nung matanda. Medyo nanlalabo pa ang paningin ko kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.



" sino kayo?" Tanong ko at bumangon mula sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nessette.


" Nica, hindi mo ba ako natatandaan?" Sabi nung matanda



Tinignan ko lang siya habang nakakunot-noo. Hindi ko siya maalala e.


" sorry pero hindi kita matandaan." Ako

Lumungkot naman ang itsura ng matanda dahil sa sinabi ko. Medyo naawa naman ako pero hindi ko yun pinahalata.



" Ako to, ang bestfriend ng mommy mo." Sabi niya


Bestfriend ni Mommy? Pero wala akong matandaan na may matandang lalaking bestfriend si mommy. Ang alam ko ay bakla si Tito Juvs at nasa 40s pa lang edad.


" pero kasi, bakla ang bestfriend ng mommy ko at medyo bata pa." Alanganing sagot ko


Tumayo muna siya ng tuwid at namewang pa sa harapan ko. Aba ! What's the meaning of this grandpa ? HAHAHA


" hmmft. Nakalimutan ko nga palang tanggalin tong disguise ko." Sabi niya at nahimigan ko ang maarteng boses niya. Sheez ! Medyo di ko na'take.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay isa-isa na niyang tinanggal ang disguise niya.


" ewww."

Napatingin ako sa likudan at nakita ko sila Glenn na nakatali sa may upuan. Napa-ewww sila ng makitang tinatanggal niya ang maskara niya. Nagmukha kasi talagang balat ang maskarang gamit niya para magmukhang matanda. Sheez ! Si Tito Juvs nga 'to !


" Tito Juvs Ikaw nga !" Sigaw ko ng makita ko ang maarteng pagmumukha niya.


" duhh ! It should be Tita Juvs not Tito Juvs you brat !" Maarteng sabi niya na nakapagpangiti sa akin. Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya.

How I miss my Tita Juvs


" awwww ang Nica ko. Sa wakas ay nakita rin kita." Sabi niya at nagsimulang umiyak. Pati pag-iyak maarte. Huhuhu


Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now