BT4: Fear

21.4K 838 6
                                    

Expect some errors guys. On the spot kasi akong gumagawa at hindi ko na chinicheck kung may mga maling spellings, kulang na salita tulad ng "na" "ng" "ay" and so on or kung may wrong grammar ba. Anyway, enjoy reading ^___^

----------

-MISAKI'S POV-

Nandito ako ngayon sa Dorm dahil sa ako ang natapunan ng isang timbang itlog at harina na para siguro sa bagong adviser.

I was amazed when I saw her earlier. She really looks familiar to me pero hindi ko maalala kung san ko ba siya nakita noon.




*ring* ring *



" hello?" Ako, si Dex kasi tumawag

" hey bro ! Sunod ka na lang daw sa shooting area sabi ni Glenn. Bilisan mo ha ?? Excited na akong makita ulit si Senseii ! Wahhh" Dex sabay end ng call

*Iling*iling*


Kahit di ko nakikita ang mukha niya alam kong nakangiti siya at naghuhugis puso na ang mata niya.
Nakahanap nanaman siya ng bagong pagpapantasyahan. Tsk !

-----------------

Nandito na ako sa tapat ng shooting area at kita ko sila sa loob dahil sa glass window ang mga bintana dito.



*booogsh*



What was that!?



Nagulat ako ng makitang nanlalaki ang mata nilang lahat at nakatingin sa likod ni Lester which is pader na,na may balang nakabaon. Tiningnan ko si Lexter at muntikan na akong matawa na sa anumang oras ay mahihimatay na yata.
Nakatutok sa kanya ang isang baril na hawak-hawak ng bagong adviser namin. I don't know her name dahil absent ako kahapon. I'll ask for her name later.

Pumasok ako pero sinigurado kong hindi nila ako mapapansin.

" Next time Mr. Alvarez, Focus on your target. Aim for it. Kung magkamali ka man at di mo to natamaan, don't worry. Mistakes are just proofs that you're trying." nakangiting sabi ni Sensei at ibinaba na niya ang baril

Wow.... Kaya siguro gigil na gigil si Glenn sa kanya ^____^ dahil kakaiba siya

" Lumapit ka na dito,Mr. Misaki. Mukha kang ewan diyan na nagtatago."

O_____O

Wait? Nakita niya ba ako?

--------

-LEXTER'S POV-

Gun shooting... Sa totoo lang I hate it !
Nagtataka ka kung bakit ko to isinali sa subjects ko? Mayroon lang akong dalawang dahilan. Una, dahil ito ang gusto ng barkada. Pangalawa, dahil akala ko maoover-come ko ang takot na humawak nito.

Takot na baka may mabaril ako ulit. Takot na baka dahil sa akin ay mawala sila.
Simula ng mangyari yun, simula ng mabaril ko ang kaisa-isang kapatid ko ay hindi na muli akong humawak nito. I was young back then. Nakakita ako ng isang baril sa drawer ng office ni Dad at kinuha ko ito dahil sa gusto kong maging police noon. Hinanap ko si Hanah para ipakita sa kanya yun at idemonstrate sa kanya yung napanuod ko sa paborito kong pelikula. Masaya ako habang ipinapakita sa kanya yun at ganun din siya. Masaya siya para sa akin at kita ko yun sa ngiti niya. Pero yun na pala ang huling ngiting makikita ko sa kanya.
Nagluksa kami. Sinisisi ko ang sarili ko pero ang sabi nila mom at dad ay aksidente lang daw ang nangyari.

Kaya simula nun ay hindi ko na muling inisip ang pagiging police. Ayoko na

Kaya nandito lang ako sa sulok,nakaupo at nanunuod lang sa kanila.

Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now