BT 15 : Nico Shiro

16.7K 725 47
                                    

Hey guys ! Ito na, may update na :D Enjoy Reading !

--------------------

-GLENN'S POV-

Hindi ko alam kung anong meron sa Nico Shiro na yun at ganun na lang ang gulat ni Sensei ng makita siya.
Hindi lang gulat. Kita ko rin sa mga mata ni Sensei ang saya at longing. I... I don't know but I feel something different ng makita ko ang expression niya at ganun din ang nababasa ko sa mga mata ni Nico. Longing and Happiness. I think they both feel the same and...and it annoys me. Naiinis ako sa hindi malamang dahilan !

Aish ! Napasabunot na lang ako sa buhok dahil sa inis na nararamdaman. Why do I have to feel this ?
Hindi ito pwede !

" Ayos ka lang ba bro?" George

Nandito kasi kami ngayon sa HO namin at umiinom. Yeah, we drink alcohol but we know our limitations naman. Umiinom lang naman kami kapag may bumabagabag sa amin. Sa akin meron, pero ewan ko lang sa dalawang kasama namin, si Misaki at Lexter. Mukha kasing seryoso din ang iniisip nilang dalawa eh. Si George at Ivan ay sumama lang talaga saming uminom while Dex? I don't know nagpaalam siya kanina na may importante lang daw siyang aasikasuhin.

" Yeah,may iniisip lang ako." Sagot ko at tumango lang siya

" Hays ! Bakit ba feeling ko anglalalalim ng mga iniisip niyong tatlo ha?" Ivan

" oo nga eh, pansin ko rin. Ano bang iniisip niyo ha? Misaki?" George, lumingon naman kaming tatlo sa kanilang dalwa at nagkasabay pa sa pag-ubos ng alak namin.

Sasabihin ko ba?
Pero kasi baka pagtripan ako ng mga to kung nalaman nila ang iniisip ko.

" oh ano? Tititigan niyo na lang ba kami?" George

" problema siguro sa babae noh?" Ivan

Tumango ako sa kanya bilang sagot at laking gulat ko na ganun din ang ginawa nila Misaki at Lexter.

Sino naman kaya iniisip ng dalawang to?

" Babae ang rason kung bat kayo ganyan? I'm very proud of you guys ! Mga binata na kayo huhuhu." Kunwaring iyak ni George kaya sinamaan namin siya ng tingin na nakapagpatigil sa kanya.

" kilala ba namin?" Ivan

Tumango ako ulit at ganun din ang dalawa. Teka ! Kilala namin ang iniisip nila?

" Maganda ba ?" Ivan, tumango ulit kami.

Maganda naman talaga si Sensei eh. Maputi at makinis.

" marunong ba siya sa gun shooting? Sa archery? Sa fencing?" Tuloy-tuloy ni Ivan na ikinatango namin ulit.
Hindi lang maganda si Sensei,marami rin siyang alam sa mga bagay-bagay pwera lang ang.....

" hindi marunong magluto?" Ivan

Oo tama siya. Naalala ko nga nung una naming punta sa condo niya at siya ang nagluto. Simula nun ay itinatak ko sa isip ko na huwag na siyang paglutuin s susunod. Kung alam niyo lang kung gaano kasaklap ang lasa ng adobong niluto niya. Ay este sinigang pala. @_@

" naku malala nga yan." George at tumango-tango pa si Ivan. Malala na nga ito at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko

" Teka sino ba iniisip niyo?" Tanong ko sa dalwa. Nakakahalata na ako sa dalawang to eh, puro tango din ang ginawang sagot sa mga tanong ni Ivan.

" si Sensei." Sabay na sagot nila Misaki at Lexter. Unti-unting lumaki ang mga mata ko sa narinig.

Shit ! Si Sensei rin ang iniisip nila? Bakit?

Unti-unti silang napalingon sa akin at bakas ang gulat sa mukha nilang dalawa ng marealize nila na iisa lang pala ang babaeng iniisip namin. Aish !

Tinapik nila George at Ivan ang mga balikat namin at lumabas ng HO. Pero bago yun ay nagsalita pa ang dalawang bugok.

" goodluck na lang sa inyo mga dude. HAHAHA !" Sabay na tawa ng dalawa at naghigh five pa. Tsk ! Hindi kayo nakatulong !

Tinignan ko ang dalawa at ganun din ang ginawa nila.

Katahimikan...

Now what?

-------------------------

-NICA'S POV-

Nandito ako ngayon sa garden ng school at nakaupo sa ilalim ng isang puno.
Ipinikit ko ang mga mata ko.

Nico nandito ka na ulit. Binalikan mo ko.

Napamulat ako ng mata ko ng maramdaman ko ang pagdating niya. Hinintay ko siyang makalapit sa akin. Umupo siya upang pantayan ako at ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko kasabay ng pagpatak ng luha sa pisnge ko.

" Nico" sabi ko na halos pabulong na,ngumiti naman siya at sumagot.

" Hindi ka pa rin nagbabago. Iyakin ka pa rin hanggang ngayon." Nico

Ngumiti ako sa kanya kahit na lumuluha pa rin.

" Bakit ang tagal mong bumalik?" Ako

" alam mo namang may inaasikaso ako di'ba? Ang mahalaga ay bumalik na ako." sabi niya habang pinupunasan ang luha ko, tumango naman ako at lalong napahagulgol. Niyakap niya ako ng mahigpit

" I miss you Nica." Nico

" I miss you too Nico." Sagot ko, humiwalay siya sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo.
Hindi rin siya nagbago. Sweet pa rin hanggang ngayon.
Pagkatapos niya akong halikan sa noo ay ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.

" Nico naman eh !" Angal ko at inayos ang buhok kong gulo na ngayon.
Napahalakhak naman siya dahil dun pero bigla din sumeryoso. Bipolar?

Bigla niya akong pinitik sa noo na dahilan ng pag-aray ko.

" ouch ! What is that for?" Ako

" tsk ! Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng malaman ko kay Tita Juvs ang nangyari sayo." Nakakunot-noong sabi niya s akin

" hindi naman ako napuruhan at isa pa dumating din agad ang mga tauhan ni Tita. At saka magaling na ako ngayon." Sagot ko naman

Biglang lumambot ang expression ng mukha niya

" I'm sorry." Sabi niya

" para saan naman?" Takang tanong ko sa kanya. Bigla bigla na lang kasing nagsosorry

" I'm sorry dahil wala ako dun para protektahan at tulungan ka. I'm sorry Nica" Sabi niya at may luhang pumatak sa pisnge niya

Niyakap ko siya at sinabing

" Nah, It's okay. Wala kang kasalanan. At huwag mo ngang sabihing hindi mo ko naprotektahan at natulungan. Alam ko namang buong buhay mo ay puro pagtulong at pagprotekta sa akin ang iniisip mo. Kaya tahan ka na. Ang pangit mo ehh." Pagtahan ko sa kanya kaya nakakuha ako ng isang malutong na batok kahit na nakayakap pa rin siya sa akin.

" Aray angsakit nun ah !" Sigaw ko sa tenga nya kaya napakalas siya sa pagyakap sa akin

" aish ! You Brat ! Kapag nabasag eardrums ko, pagbabayaran mo to !" Asar na sabi niya kaya tumayo ako at bumelat.

" hahaha ! Buti nga sayo bleeeh !" Sabi ko sabay takbo

" kapag ikaw nahuli ko humanda ka sa akin !" Sigaw niya at tumayo na rin para habulin ako

Tumakbo lang kami ng tumakbo ng may ngiti sa mukha hanggang sa mapagod kami.
Nakakamiss ang ganito.

Pareho kaming nakahilata sa damuhan ngayon at tinitigan ang kalangitang malapit ng lamunin ng dilim.

" I love you Nica." Nico, lumingon ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Ngumiti muna ako bago sumagot.




" I love you too Nico. I really do Kambal."

-----------------------

SCREAMMMM ! ✌
Let me know your thoughts about this chapter guys :)

Vote vote vote

Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now