BT3: Bull's Eye

21.9K 836 29
                                    

-NICA'S POV-

" okay so let's start !" Magiliw na sabi ko pero bigla nanamang nagsalita ang playboy ng klase at lumapit sa akin. As in sobrang lapit !! Tsk di uso personal space sa kanya.

Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ng bahagya para mas makita niya ang magandang mukha ko. Hinayaan ko lang siya

" ei sensei, kailangan ay magpakilala muna kami sayo. Ayaw mo bang malaman ang pangalan ko.?" Malanding sabi niya sa akin at dinilaan pa niya ang upper lip niya. Lalo din niyang inilapit ang mukha sa akin. Sa tantya ko ay nasa 4 inches apart ang mukha naming dalawa.

Ngumisi muna ako bago sumagot at hinila siya papalapit sa akin gamit ang neck-tie niya. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga at bumulong

" No need Mr. Ivan Lee. The son of Mr. John Mike Lee the owner of 45 Airlines not just here in the Philippines but also in abroad. I told you, Kaya kong makipaglaro sa inyo" Bulong ko sa kanya at sinadya ko talagang idampi ang labi ko sa tenga niya kaya napalunok siya pagkatapos.

Binitawan ko na ang neck-tie niya at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Nag-tsk lang siya at busangot na bumalik sa upuan niya.

" no more introduction guys. The important thing is you know my name and I know you. ALL OF YOU " Pagbibigay diin ko sa huling salita

Nakatitig lang sila sa akin at nakikinig. Mukhang nakuha ko na ang atensyon nila.

" paano mo nasabing kilala mo nga kami?" Maangas na tanong nung pula ang buhok at ngumis

" I have my ways Mr. Glenn Salvador." Ako

May naisip naman akong isang bagay na tungkol sa kanya kaya unakto akong nag-iisip at inilagay ko pa ang kamay ko sa ilalim ng baba ko.

" hmmm. Naisip ko lang Mr. Salvador. Kamusta na nga pala yung lagi mong katabi tuwing gabi? Ahh yung teddy bear ba yun?" Ako

Nakita kong nawala ang ngisi sa mukha niya at napalitan ito ng inis . Namula din siya dahil siguro sa sinabi ko.
Nagsitinginan naman sa kanya lahat ng kaklase niya.

" Dude ! Seriously? A teddy bear??" Gulat na sabi nung blonde hair si Lester Alvarez

" t-that's not t-true guys ! " tanggi niya

Pero tinawanan pa rin siya ng buong klase kaya tumayo siya at kinwelyuhan ako. Hindi ako pumalag at hinayaan lang siya

" yOu !" Gigil na sabi niya at iniangat ang kamao niyang nanginginig

Hindi ako pumikit. Nanatili akong kalmado dahil alam kong hindi niya ito itutuloy. Hinintay ko lang ang susunod niyang gagawin.

" urgh !! Bullshit !" Inis niyang binitawan ang kwelyo ng uniporme ko at padabog na umalis ng classroom.

Teka ? San pupunta yun.?

" BUMALIK KA KAAGAD HA, MAY KLASE PA TAYO GLENN !" Sigaw ko bago humarap sa kanilang lahat pero ang mga mabubuti kong estudyante ay nagsi-alisan at sinundan na lang ang kaklaseng nag-walk out. Tsk !

" sige pagbibigyan ko kayo ngayon dahil first day pa lang naman. See you tomorrow " sigaw ko na may ngiti sa mukha

HAHAHAHA ! Magkikita pa talaga tayo bukas guys.

-----------------

-GLENN'S POV-

Damn her !

Siya pa lang ang nagpahiya sa akin ng ganun. Hindi niya kilala ang binabangga niya.!

" ano bro? Dating gawi ba?" Tanong ni George sa akin

" oo nga bro siya na ata ang pinakamatagal na nanatili sa room eh." Lexter

Oo tama yun. Siya na ang pinakamatagal dahil usually pagkapasok pa lang ng adviser namin eh tatakbo na sila palabas. Mga duwag and to think na puro lalaki ang naging adviser namin. Ngayon lang kami nagkaroon ng adviser na babae, kaya siguro hindi pa ganun kalala ang ginawa nila . Pwes tignan natin kung makakabalik ka pa kapag naranasan mo na ang ginawa namin sa iba.

" yeah ' make sure she'll suffer... Make her feel the wrath of D-class." Gigil na sabi ko sa kanila

" oh yeah !!" Sigaw nila at nagfist bump pa sa isa't isa.

Humanda ka....Nica Sensei

-----------------

-NICA'S POV-

This is my second day in SRA. Oh di ba taray ! Wala pa akong naituturo. Hahahaha !!

Habang naglalakad ay naririnig ko ang usapan ng mga estudyanteng nadadaanan ko.

" siya ba yun?"

" naku kawawa naman siya, maganda pa naman."

Yeah I'm beautiful I know thyhahaha

" Yeah. Siya na ang next target ng D-class."

Next what??

" siguradong hindi na yan makakabalik bukas."

Weeh? Pag ako nakabalik dito who you ka sa akin. Hmmph

" serves her right. Hindi niya alam binabangga niya."

Aba, avid fan ka te? Sige hayaan mo ipapain kita sa kanila minsan.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa malapit na ako sa room ng D-class.

Himala, angtahimik nila ahh..

*smirk*

Brats ! Anong akala nila ? Na hindi ko alam na may mga kung anong kaek-ekan silang nilagay sa pinto? Tsk amateurs

Naramdaman kong may kasabay ako sa paglalakad kaya nilingon ko to at nginitian. Misaki Yamashita, kababata at bestfriend ni Glenn Salvador. Anak ng isang sikat na business tycoon sa Japan. Half-cooked... Este half-japanese

" hi Mr. Yamashita ! Mauna ka ng pumasok." Sabi ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis

Nagtataka man ay pinihit na niya ang doorknob then he push it and enter the room.

*SPLASH*

" Bro !?"

" Misaki?!!"

" Where's sensei? She's supposed to be in your place !" Sigaw ni Glenn

Hahaha ano kayo ngayon ha? Take that !

" Tinawag niyo ba ako? Ooopps ! What happen to you mr. Yamashita? " kunwari nagulat ako at may patakip bibig pa akong nalalaman HAHAHAHA omo I'm so galing talaga hihi so conyo na tuloy ako.

" It's your fault !" Glenn

" ako? Why me? Kararating ko lang. Mr. Yamashita go back to your dorm and maligo ka na lang ulit ha ?? " ngiti ko sa kanya

Umalis din kaagad si Misaki kaya tuluyan na akong pumasok habang nakangiti pa rin sa mga estudyante kong masama kung tumingin haha pwera lang kay Dex Chua na nakangiti lang sa akin. Achuchuchu angcuteee !!

" It's a great day to learn something new. Hmmmmmmmm." Sabi ko sa kanila habang nag-uunat.

Naramdaman kong binato nila ako ng itlog kaya iniwasan ko ang mga ito. Aish ! Angluma naman ng style na to. Wala bang bago?

" hmmft ano kayang forst subject natin? Let me see..." Ako habang iniiwasan ang kung ano-anong ipinagbabato nila sa akin. Shocks kamatis ! I hate kamatis '

" oh ! Gun shooting." Sabay sipa ko sa itlog at saktong tumama ito sa noo ni Ivan

" Bull's Eye !" Ako at hinipan ang imaginary smoke ng daliri kong nakaform na parang baril.

Si Ivan? KO na hhahaha !

" okay guys ! Gisingin niyo na si Ivan at hihintayin ko kayo sa shooting area. Ja'ne !!!!" Sigaw ko habang naglalakad papuntang shooting area at iniwan silang nakanganga sa nangyari

*smirk*

Bad-ass TeacherOnde as histórias ganham vida. Descobre agora