BT7 : Sensei

19.9K 851 17
                                    

Expect some errors :)

-GLENN'S POV-

Hindi ko matanggap na hindi namin siya napaalis dito. Tsk ! Siguro nga ay siya talaga ang magpapatino sa amin. I admit, I'm starting to like her. Not in a romantic way but as a teacher. She really has this kind of aura na nakakapagpatahimik sa amin. I know her name,age,favorite food and etcetera but I don't really know her, the real Nica Yashiro.
She always smile but I can see through her eyes the sadness and...longing? But for whom? I don't know.

*ring*

" dude, tumatawag si Bals." Ivan

" Bals?" Tanong ni George

Napakunot-noo kami dahil wala naman kaming kilalang Bals

" Sino pa ba e di si Edgar." Ivan

" Paanong naging Bals ang pangalan niya?" Takang tanong ni Lexter

" Bals, short for Balyena. Duhh !" Sagot ni Ivan, tsk bakla !

" are we suppose to laugh?" Dex

" di ako informed." George

Napahilamos na lang ako dahil sa mga pinagsasabi nila

" sagutin mo na ng malaman natin ang kailangan niya." Misaki

Buti pa si Misaki matino eh. Aba syempre ako matino din eh.

" hello?" Ivan at niloud speaker ang phone niya

" 6 pm, sa abandonadong bodega. Walang gagamit ng armas, fist-to-fist combat lang. Inaasahan ko kayo." Edgar at ibinaba na niya ang tawag

Tumingin sila sa akin kaya tinanguan ko sila. Alam na nila ang ibig kong sabihin dun. Pupunta kami at makikipaglaban sa grupo ni Edgar. Ang Traitor gang. Kung bakit? Aba ewan ko sa trip nila. Kanya-kanyang trip lang yan.

Kami ang Pack of Werewolves. Rank 1 sa underground society at lahat ng nasa D-class ay mga miyembro. Ako ang bumuo ng grupo namin kaya ako ang nagsisilbing leader.

Nagsitayuan na kami at nagkanya-kanyang sakay sa mga motorbike namin papunta sa abandunadong bodega,malapit lang sa SRA.

--------------------

Nandito na kami at nakita naming hinihintay na nila kami.

" umpisahan natin ng matapos na ito." Walang emosyong sabi ni Lexter at humikab pa.

Napailing na lang ako, lakas ng loob nitong mokong na to dahil fist-to-fist ang laban at doon ang experties niya.

"hindi porket kayo ang kinatatakutan sa Shinhwa Rei Academy ay matatalo niyo na kami. Mga totoy pa kayo at marami pang kaning kakainin hahaha !" Malademonyong tawa ni Edgar,tsk ! Makikita mo

" Hindi rin porket malabalyena ang taba at laki mo matatakot kami sa inyo." Asar ko sa kanya

" aba't matapang ka bata ha !? Sugudin niyo !" Sigaw ni Edar sa akin,kitang kita ko kung paano naging visible ang ugat sa noo niya dahil sa asar. Ha ! Tama yan maasar ka nga.

Sila ang unang sumugod kaya nagsihanda kami at nakipagsabayan sa suntok nila. Isa sa tauhan ni Edgar ang kalaban ko ngayon. Tsk ! Duwag ang balyenang iyan kaya pinapauna muna niya mga tauhan niya.

Kaming anim lang ang nandito ngayon, hindi ko na pinaalam sa iba dahil fist-to-fist combat lang naman at walo lang din naman sila Edgar.

Suntok dito

Suntok doon


*smirk*

Madali ko lang naiiwasan ang suntok nitong bata ni Edgar. Nakakaantok siyang kalaban paano ba naman kanina pa siya suntok ng suntok pero ni isa ay walang tumatama sa akin. Let's end this boy

Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now