BT5: Kuya

20.4K 808 44
                                    

-NICA'S POV-

Isang linggo na ang nakakalipas. Isang linggong sumabak ako sa isang digmaan. Ako laban sa labing-limang lalaki.
Isa sa amin ang magwawagi.

Ngayon ay ang wakas ng digmaan. Ako.... Ako ay ... *singhot*

*singhot ulit*

Huhu

Dahil ako ang...

AKO ANG NAWAGIIIIIII ! Hahahaha !!

Aba syempre naman ako pa ba? Sa ganda kong to? Hahahaha !!

Anyway ....

As usual ay naglalakad ako papunta sa room ng may ngiti sa labi. Nanggaling kasi ako sa office ni Boss Rei. Oh ha, close kami eh bakit ba haha !

*usap dito*

*usap doon*

Nasanay na rin ata ako sa mga estudyanteng naguusap-usap tungkol sa akin. May mga pumupuri at syempre mawawala ba diyan ang mga bitter? Na kesyo anglakas daw ng loob kong kalabanin ang mga princes daw nila and so on ! Psh ! Mga estudyante talaga oh. Noong ako nga noong highschool hindi ako ganyan eh. Behave kaya ako HAHAHAHA !


Nandito na ako sa tapat ng room at rinig na rinig ko na ang kaingayan nila. Nang makita ako ni Dex ay agad siyang sumigaw.

" Guys ! Andiyan na si Sensei... Wahhhhh KAWAIII !!!" Sigaw niya. Aware naman ako na crush ako ng binatang to. Sa ganda ko naman kasi ay mabibighani talaga sila.

*whoooosh*

Oh bat biglang humangin?

" good morning." Ako

" ohayou sensei !" Sigaw nilang lahat except kay Glenn na busangot ang mukha. Psh ! Bitter lang yan dahil di matanggap na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako napalayas. Hahahaha

" Director Rei Noriko informed me a while ago that you will be having new classmates tomorrow." Pag-iinform ko sa kanila.

Nagtaas ng kamay si Ivan at nagtanong.

" sensei, babae ba ang mga transferee?" Ivan sabay ayos ng buhok niya. May pogi syndrome to,promise !

" well... UNFORTUNATELY,yes." Ako at talagang inemphasize ko ang salitang UNFORTUNATELY hindi dahil sa ayokong may babae dito kundi dahil naaawa ako sa kanilang dalawa. Kay Ivan pa lang delekado na hahahaha !

" yes ! Sisiguraduhin kong papasok ako everyday hahaha !" Ivan sabay tawa ng malademonyo. Told yah !

" okay that's enough. Let's start our lesson now." Ako

Pero umatungal naman sila. Ano nanaman problema ng mga to?

" sensei naman, diretso ang klase natin simula nung dumating ka eh. Pahinga muna tayo ngayon total friday naman eh. Pleaseeee." George

Actually that's true. Wala talagang mintis. Nagkaklase pa rin ako kahit na patuloy ang pagsasagawa nila ng plano nilang palayasin ako. Pagkatapos ng gun shooting ay Archery and Fencing ang itinuro ko. This time ay sports naman. Nagulat nga ako na hindi naman pala puro combats or whatsoever na pang self-defense ang mga subject na pinili nila. Meron din sa ibang aspects like music, painting, p.e, at cooking. Akalain mo nga naman itong mga pasaway na to may subject na cooking? Hahahaha e ako nga hindi marunong nun eh -____- Binabawi ko na ang sinabi ko noon. HINDI LAHAT AY KAYA KO HUHUHU
Next week pa naman yun eh. Pwede ko pa naman siguro pag-aralan yun di'ba tama.

" pahinga? Tsk ! Di uso sa amin yan. Pero dahil mabait ako ay sige pagbibigyan ko kayo hahaha !" Ako

" psh ! If I know gusto mo rin naman." Bulong ni Lexter

" may sinasabi ka ba Lexter?" Ako

" ah.. Eh,wala naman. Sige tuloy lang." Sagot niya

Pagkatapos kasi nung subject na gun shooting ay parang umiba ang aura niya pagdating sa akin. Hindi dahil sa may gusto siya sa akin ha? Yun bang parang bumait? Mukha siyang nasapian hahaha

" what if magtanong-tanong kami about sayo sensei? Pangalan mo lang naman kasi ang alam namin eh. Sige na sensei, puhleaseee !" Dex

Si Dex ay ang pinakabata sa kanilang lahat. 17 siya samantalang sila Glenn ay 18 na.
Siya ang cutie patutie ng D-class

Okay lang naman siguro magshare ng konting info sakin. Tama naman kasi sila,pangalan ko lang ang alam nila.

" okay sige. Just ask what you want and I'll answer it. But I don't promise na masasagutan ko lahat ng 'yun. Sino ba unang magtatanong" Ako

" Yes !" Sigaw nila

Aba masaya tong mga to ah.

" ako ! Akong ang unang magtatanong." Dex

" Ilang taon ka na ba sensei?" Dugtong niya

" I'm 23."

" ang-tipid naman sumagot sensei ." Angal niya

" ay kailangan ba pang Ms. Universe ang sagot? Sige ulit." Ako

" Thank you for that wonderful question Mr. Chua. Nica Yashiro,23, PHILIPPINES !" Ako sabay kaway ng kamay sa kanila. Natawa naman sila ng dahil dun.
Tamo tung mga to. Pinagtawanan pa.

" sensei naman eh." Nakapout na sabi ni Dex kaya nginitian ko na lang siya.

" May boyfriend ka na ba Sensei?" Ivan, as expected from a playboy

" Single." Tipid na sagot ko kaya ngumiti siya at patango tango pa.

" anong paborito mong pagkain?" Ay interesado si Misaki oh haha !

" I love sweets and strawberries" sagot ko at feeling ko nga naghugis puso ang mata ko dahil sa nabanggit ko ang sweets at strawberry Wahhh !! Nakakalaway

" eh may kapatid ka ba?" George

Napatigil ako sa kakaimagine ko ng strawberry dahil dun. Nakatingin silang lahat sa akin at naghihintay ng sagot. Pati si Glenn ay mukhang naging interesado

" I....

It's for me to know and for you to find out." Sagot ko kaya umani nanaman ako ng reklamo haha mga to demanding eh

" ang-daya naman sensei !" Lexter

" next question please." Ako

" where's your parents?" Glenn

Napatingin ako sa kanya at nakita kong seryoso siya.

" they are happy now.... Up there." Turo ko sa taas kaya napaiwas siya ng tingin

" I'm.... I'm sorry."

Nagulat naman ako nung humingi siya ng paumanhin. MAY HIMALA !!

" nah it's okay." Ako

Tumahimik sila dahil dun at parang nahiya ng magtanong. Pero ang di ko inaasahan ay ang tinanong ni Dex
















" nasa rooftop sila??" Inosenteng tanong niya

(-_\\) lahat kami ay napatampal sa mga noo namin.

"Hindi ko po siya kilala." Misaki

" hindi po namin siya kaklase." George

" naligaw lang yan dito." Ivan

" palaboy po yan. Pinatuloy lang namin." Lexter

" may sakit siya sa utak,intindihin na lang." Glenn

Nagsitinginan sila sa akin pwera lang kay Dex na nakabusangot na ngayon. They are waiting kung may idadagdag ako sa sinabi nila.

" Dex? KAWAII !" Ako kaya yung lima ay sabay na nagreklamo

" KILL JOY !"

" HAHAHAHA Take that LOSERS !" Dex at sumayaw pa na parang baliw

Nakangiti lang ako habang nang-aasaran sila. Para silang magkakapatid na masayang naglalaro.

Sana ako din. Makalaro kita ...












" Kuya."

Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now