BT9 : San ka pa?

19.3K 791 36
                                    


Thank you sa cover Arha Soriano :) love you beng





-NICA'S POV-

*yawn*

Aish ! Sarap matulog ! Hmpppp

Tinignan ko ang wall clock sa kwarto ko at nakitang alas-singko pa lang pala ng umaga.

Dumiretsu ako sa banyo at agad akong naligo. Sabado ngayon kaya kailangang mag-exercise .
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nagtungo sa kabilang kwarto para gisingin ang mga eatudyante ko.

Hmmm si Glenn,Misaki at Lexter lang pala ang natulog dito sa kwarto at mahiya kayo ! Ang-ayos nilang matulog ha. Nasa kama sila Glenn at Misaki at nakatalikod sa isa't isa. Si Lexter naman ay mas piniling humiga sa sahig gamit ang comforter.

Akmang gigisingin ko na sila ng may maisip akong isang bagay. Hehe maganda to,total ngayon lang sila nakapasok dito.
Sunod kong tinignan ang tatlong natutulog sa sala.
Kung gaano kaayos ang pagtulog nila Glenn ay siyang kabaliktaran nila Ivan,George at Dex.
Si Dex na mukhang starfish, dahil sa nakabukakang mga paa at mga brasong animoy may inaabot. Si Ivan naman na feel na feel amuyin ang paa ni George na ngayon ay yakap yakap ang binti niya. Napailing na lang ako at bumalik ulit sa kwarto ko. Inilabas ko sa cabinet ang laptop at in-on ito. Inactivate ko ang cctv sa buong parte ng condo ko at sinimulan ang planong naisip. Sakto at madilim pa

Gamit ang laptop ay inactivate ko ang mga rubbergun na nasa sala. Pero bago ko ito paputukin ay kumuha muna ako ng ketchup at konting tubig. Mashado kasing malapot kung ketchup lang. Kumuha din ako kutsilyo para butasin sa may bandang tiyan ang damit ko. Nilagay ko ang artificial blood na ginawa ko sa may tiyan. Pagkatapos ay lumapit ulit ako sa laptop at pinindot an enter para matrigger ang mga rubbergun at pumutok.

*bang*bang*

" shit !"

Kitang-kita kong napabalikwas sila Dex, Si Ivan na tinampal ang paa ni George na ngayon ay nakadapa na.
Ganun din sila Glenn at ilang sandali lang ay itinigil ko na ang pagputok ng mga rubbergun at automatic itong lumusot sa dingding para bumalik sa dating pwesto nito na kung saan hindi nila makikita.
Dali-daling lumabas sila Glenn,Misaki at Lexter sa kwarto at dumiretsu sa sala para tingnan ang kalagayan nila Dex

" Are you guys hurt?" Lexter

" hindi naman. Agad kaming dumapa ng marinig namin ang pagputok." George

" saan galing yun?" Misaki

Nagkibit balikat lang sila dahil sa hindi naman talaga nila alam kung saan galing yun.

" Shit ' si Sensei !" Sigaw ni Glenn

Pagkarinig ko nun ay agad kong kinuha ang baso na may lamang ketsup at konting tubig at inistuck sa bunganga ko. Dali-dali din akong lumabas at lumuhod habang sapo-sapo ko ang tiyan na kunwari ay natamaan talaga ako. Ganun ang pwesto ko ng makita nila ako. Agad nila akong dinaluhan.

" Sensei ! " sigaw ni Glenn at binuhat ako papuntang sala. Inihiga nila ako sa sofa

" sensei may tama ka !" Sigaw ni Ivan

*boink*

" ouch !"

" ikaw ang tatamaan samin sa katangahan mo eh. Kita mo na ngang may tama isisigaw mo pa." George

" Sensei ayos ka lang ba ?" Naiiyak na sabi ni Dex


*boink*

" aray naman !"

" isa ka ring tanga eh ! Kita mo ng nahihirapan yung tao." Asar na sabi ulit ni George

" tumigil na nga kayo. Kunin niyo ang first aid kit !" Utos ni Glenn

Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now