BT 23 : Green

11.6K 401 25
                                    


NICA'S POV

Palakpakan...

Mga mukha nilang nakangiti.

May mga gulat din. Marahil siguro sa biglaang pagtanggap ko ng posisyon

Sari-saring emosyon ang makikita.


Nakita kong napatayo sila Glenn ngunit pinaupo din sila agad nila Jk at Dino. Nag-aalinlangan man ay umupo sila ulit.


" Maraming salamat sa pagdalo at pagtanggap sa akin bilang New Boss ng White Fangs Organization. Alam kong may mga nabigla sa inyo dahil sa biglaang pagtanggap ko ng posisyong ito. Sa totoo lang ay noon pa ako inaalok at kinukulit ni lolo tungkol dito dahil sa matanda na siya ." Narinig kong may mga natawa dahil dun at busangot naman si Tanda pero ngumiti din kalaunan. Paano tinawag ko kasing lolo HAHA

" siguro ay nagtataka kayo kung bakit tinanggap ko ito ngayon.
Tinanggap ko ito dahil sawa na akong magtago. Sawa na akong tumakbo at takasan ang mga Dark Wings. At gusto ko rin pagbayaran nila ang mga maling ginawa nila,hindi lang sa akin kundi sa mga taong idinamay at walang kamuwang muwang sa mga nangyayari." Seryoso lang silang nakikinig sa akin

" They want the Microchip." Rinig ko ang pagsinghap ng iba at ang pagbagsak ng mga baso sa lamesa.

" alam niyo kung ano ang kayang gawin ng bagay na yun kapag naisakamay nila ito." Dagdag ko pa

" gusto kong tuluyan ng mawala ang organisasyon nila at matigil ang pang-aabuso. Drug transaction, transaction of illegal firearms, human trafficing. Ilan lang yan sa mga maling ginagawa nila at alam kong salungat tayo dun. Ginawa ang organisasyong White Fangs para tulungan ang mga tao, ang bayan ng hindi alam ng gobyerno o ng mga police."



Yumuko ako at muling nagsalita

" nakikiusap ako. Tulungan niyo ako sa aking hangarin." Ako

Katahimikan








" ngayong ikaw na ang new boss. Masisigurado mo bang iiwanan mo ang kasalukuyang propesyon mo? " pambabasag ng isang babae sa katahimikan. Napaayos ako ng tindig at tumingin sa kanya diretso sa mata.

" Oo..." Sagot ko,napansin kong nabigla sila Misaki sa sagot ko.
Para sa Mafia,iiwanan ko ang pagiging Teacher.


" ako nga ang New Boss ng White Fangs... Pero hindi nangangahulugang iiwanan ko ang pagiging teacher. Kahit anong mangyari hinding hindi ko isusuko ang unang propesyong minahal ko. Ito ang pinili ko kaya alam ko kung anong responsibilidad ang gagampanan ko." Ako

*clap*clap*

Nakarinig ako ng isa...

Dalawa... Tatlo...hanggang sa lahat na sila ay pumapalakpak.
Itinaas nila Jk at Dino ang mga glass wine nila at sumigaw

" Aba syempre tutulungan ka namin !"

" ako din"


" count on us !"



" we will fight !"


Napangiti ako at tumingin kanila Nico at Tanda na kapwa nakangiti sa akin. Tumakbo ako sa kanila at niyakap ng mahigpit.

" nga pala apo... Nakalimutan kong sabihin narito ang Kanang kamay ko." Tanda at parang isang babaeng excited makita ang mga bias nila.

" You mean... Yung sinasabi mong gusto mong ipakasal sa akin?" Gulat na tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

Simula nung bata pa lang ako ay may ipinapakilala na siyang lalaki sa akin na anak ng kanang kamay niya at ng mamatay ang ama nito ay siya na pumalit sa pwesto,bilang kanang kamay ni Tanda ngayon. Sa pagkakatanda ko ay Shin ang pangalan nun eh. Hindi naman ako nababahala na baka nga ipakasal talaga ako ni Tanda sa kaniya. Ang sabi naman kasi ni Tanda sa akin ay kung gusto ko lang naman.
Kaya safe pa rin ako hihihi




Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now