Chapter 17: Jealous

14.7K 200 22
                                    

On our way home.

Ang tahimik sa sasakyan.

Ihahatid na ako pauwi ni Michael.

Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko kasi -__-

"Ahm Michael?"

M: "Bakit?"

Naka-focus lang sya daan.

Andun ako sa likod ng driver's seat.

"Sorry kanina."

M: "Sorry? Sanay na ako sa mga ganyang salita."

"Eh pero sorry talaga!"

M: "I heard that many times already. Immune na kung baga."

"Sorry talagaaa!"

He smiled.

M: "May lagnat ka ga Ms. Jam? Bakit parang ang bait mo sakin?"

"Eh mali ako"

M: "Okay nga lang."

"Nakokonsensya pa rin ako."

M: "Wow Ms Jam. May konsensya ka pala." sabay ngiti ulit.

Naningkit yung mata ko.

"Nakikipagusap na nga ng matino.. Sya naman ang parang sira ulo kausap" bulong ko, habang pinaling ko ang atensyon ko sa mga nakikita sa labas ng bintana.

Sumandal na ako sa upuan sa likod.

Baka ma-badtrip lang ulit ako kapag nakipagusap ako sa lalaking to.

Pero di bale na, next time control ko na lang temper ko.

Para di naman mukhang nagmamakaawa ako sa kanya.

Pagdating sa may condo.

"Salamat."

M: "Wag ka ng praning jan. Di naman ako galit."

"Excuse me, hindi ako praning no!"

M: "Pumunta ka sa rest room, look in the mirror and check it for yourself. Obvious na obvious na parang namomroblema ka" sabay tawa.

"Eh kasi ako naman mabait ako!! Kaya nakaka-guilty kapag may masama akong nagagawa"

M: "Don't worry Ms Jam, hindi naman halata sa mukha mo ang nagi-guilty ka. Hindi counted yung ngayon kasi nga..."

Di ko na tinapos ang sinasabi nya.

Baka uminit na naman ang ulo ko.

"Umalis ka na nga! Salamat!"

M: "Ngayon lang ako nakakita ng nagpapasalamat na galit pa."

"Alis na! Aba!"

M: "Sungit!" sabay wink.

At harurot ng sasakyan.

Napa-iling na lang ako.

Bwiset talaga yon.

Tumalikod ako at naglakad na.

Habang naglalakad.

Nakita ko na si John ay nakasandal sa sasakyan nya at tipong inaantay ako.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now