Chapter 53: Resto

12.2K 279 96
                                    

Sorry late update!

Busy lang po talga sobra!

And I'm not feeling well kaya medyo maikli yung chapter.

_______

T: "Para sayo yata to eh?"

"Ha? Ano yan?"

T: "Nakita ko sa may gate pagpasok ko."

"Binuksan mo na?"

T: "Pangalan mo lang nakita ko, tapos di ko na binasa pa o tiningnan."

Nakuha ko yung sobre.

Pagbukas ko.

May susi, may sulat, may titulo.

"Huh? Sakin talaga to?"

T: "Eh sa pagkakaalam ko ikaw lang naman ang Jam sa bahay na ito."

Binuklat ko ang titulo.

"This is to certify that Jammy Del Rosario is part owner of The Sweet Condiment Cafe & Restaurant"

OMG O__O

T: “Binigay ni John sayo?”

“Teka di ko maintindihan, bakit?”

T: “Oo nga bakit, hindi ga matagal na kayong walang communication? Bakit bigla naman? At kung ibibigay nya, bakit ngayon lang?”

I remember his confession.

Dahil don? O__O

T: “Teka, may letter diga? Basahin mo kaya ano?”

Kinuha ko ang letter.

At binasa ko ang nakalagay.

Jam,

I don’t want to take away your only dream from you. Inayos ko lang ito at sayo pinangalan ang lahat, para kapag binigay ko sayo, hindi mo iisiping sakin ito galing, though sakin nga talaga hehe! Nasa loob nito ang susi ng restaurant and nasabi ko na sa buong staff na ikaw ang bagong owner, they are just waiting for you. Go there anytime and hopefully wag mo tanggihan ang pwesto, dahil wala ng ibang pwedeng magpalakad nito kung hindi ikaw. I know I sound weird at basta ko na lang binigay to, pero kung alam mo lang, matagal ko na itong plano kahit hindi tayo nag-uusap o ano. Wag mong isipin na magkakautang na loob ka sakin dahil dito, dahil pinaghirapan mo din ito noon pa man, at karapatdapat na sayo to mapunta. I need to go somewhere para patakbuhin ang business namin, I don’t know kung magkikita tayong muli, pero sana wag na lang, para tuluyan ka ng makalimot. I deserve this pain & sacrifice, dahil ako naman talaga ang dahilan kung bakit nahihirapan ka ngayon. Kung nasasaktan ka, mas doble sakin. Ayoko sana umamin sayo pero hindi ko mapigilan. Pero wala nay un, I’ll give you this opportunity para tuluyan na akong kalimutan. But kung magkita man tayo someday. I’ll ensure na hindi ka na makakaramdam ng sakit, dahil sa haba ng panahon. Di natin alam ang magiging takbo ng kapalaran, pero hanggat maari, ako na ang lalayo.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now