Chapter 43: Over

12.1K 230 71
                                    

Ang bilis po maabot ng kota :">

_____

M: "Kaye! Did you see that?"

Si Michael lang ang maingay samin.

Habang kami ay tahimik lahat.

Tawa ng tawa si Michael sa pinapanood nya.

K: "Michael, tara na muna umalis."

M: "What? Eh ang ganda ng pinapanood natin eh."

K: "Sige na! Tara na!"

M: "Ayoko."

Kumuha ako ng unan at ibinato sa kanya.

"Umalis nga muna sabi eh."

M: "Cool down mate. Bakit ga kasi?"

Hinila na lang sya ni Kaye.

K: "Ang slow mo talaga kahit kelan!"

Pagkalabas nila.

Nagkatinginan kami ni John at pawis na pawis.

M: "Jam! Anong nangyayare ha?!"

"Ah eh Ma!"

M: "At ikaw John? Ano yung nakita namin?! Tama ga yung sinasabi ng magulang mo ha?!"

Galit na galit ang Mame.

"Me, kalma ka lang."

M: "At bakit ako kakalma ha?! Oh ano John?!"

Nagsalita si Tita Leanor.

T.L: "Son! What do you think you're doing?! Kadadating lang namin tapos lolokohin mo agad kami?!"

T.A: "I'm so disappointed in you son! Akala namin yung Alyna na yon ang babaeng tinutukoy mo na papakasalan mo! And look! Ngayon napatunayan ko na totoo na iba yung pinakilala mo samin when we arived here kasi suot nya ang singsing ng Mama mo!"

-____-

T.L: "Bakit kailangan mo kami lokohin anak? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan! At kung may problema man hindi mo man lang kami sinabihan! Pinakilala pa ni Ms. Sy na yang fiance mo ay isang maid!"

Lalo nag-init ang ulo ng Mame.

M: "Ang anak ko?! Katulong?! Nasan yang Alyna na yan ah! Wag nya sabihing mayaman sila at talagang tatangkaban ko sya!"

D: "Sari, kalma lang."

M: "Manuel! Wag mo ngang kinukunsinti yang anak mo! Hindi mo nakikita? Sya na nga ang naapi, sya pa tong nagtatago!"

T.L: "Oh bakit hindi kayo makapag-salita jan?"

J: "Ma, how did you know?"

T.L: "Nagkasabay-sabay kami papunta dito kanina. With Mr. Sy, and parehas pala kami ng unit na pupuntahan at nagkakwentuhan na kami. Nagulat kami kasi dalawang babae ang pupuntahan nila, isang anak ni Mr. Sy which is si Alyna and si Jam daw. Naguluhan kami, dahil ang sabi samin ni Alyna, Alyna Jam daw ang pangalan nya at akala namin iisang tao lang, hindi pala. Lahat kami ay naguluhan, nagpakitaan na ng picture kanina at confirmed na magkaibang tao nga, at nakakainis pa nyan, sa iisang bahay kayo nakatira! Kaya pala andito si Mr. Sy eh kasi nabalitaan nya na pagkatapos nyang itakwil ang anak nya eh sayo sya tumuloy! Andito sya para sunduin ito at hindi nya alam na magkakasama kayo dito!"

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant