Chapter 39: Batangas

13K 230 42
                                    

MC: "Ano?!"

"Shhh madam, baka po marinig tayo ni John."

Hiyang hiya ako dahil sinabi ko na ahmm.

MC: "OMG! Ninang na ako! Yes!!"

-___-

MC: "HAHAHA! Loko lang, bakit ang lungkot mo?"

"Eh madam, alam mo namana ng sitwasyon namin."

MC: "Grabe no, ako pa pala ang magiging dahilan para magkatuluyan kayo."

Tuwang tuwa si Madam.

"Madam, di naman porket hmmn eh ano magiging kami na ulit."

MC: "Bakit naman hindi?"

"Ayoko naman po na kaya lang nya ako babalikan eh dahil may nangyare samin."

MC: "Eh paano kung magbunga?"

"Hindi naman po nagbubunga yung 1st time. At isa pa po, di po ako fertile kagabi -__-"

MC: "Bakit parang may halong panghihinayang ka dyan?" pang-asar ni Madam.

Tumawa sya.

MC: "Loko lang."

"Madam kasi eh, bakit kasi nasa kwarto ko sya kagabi?"

MC: "Eh nagising sya, pinalipat ko sya sa taas. Sabi ko yung katabing room mo. Pero di ko naman alam na sa kwarto mo dumaretso. Eh antok na antok sya non."

"Nasan na po sya ngayon? Ang alam ko kailangan nya pumunta ng opisina ngayon."

MC: "He left. Kaya nga okay lang sakin kahit maingay tayo mag-usap. Ikaw lang naman ang gustong tahimik"

Napa-buntong hininga ako.

"Ano na po gagawin ko?"

MC: "Bakit parang apektadong apektado ka?"

"Madam kasi, di naman po kasi basta lang yung ginawa namin kagabi."

MC: "Diba sabi mo naman, di ka fertile, tapos tinanggihan mo naman ang offer nya na pakikipagbalikan sayo dahil sa nangyare, anong dapat gawin? Eh di kalimutan ang lahat at wag ng pagusapan. Ikaw kasi eh, pakipot ka pa iha!"

"Kakalimutan ko naman po talaga yun, kasi mali talaga yon. Sana lang madali ko pong malimutan, para hindi ako mailang sa kanya. Ilang buwan na lang naman eh, maghihiwalay na rin kami ng bahay. Konting tiis lang ito."

MC: "Sure ka na ba dyan sa desisyon mo?"

"Bakit po?"

MC: "Alam naman nating lahat na sa babaeng nagmamahal, ang lahat ng 1st time, mahalaga. Kapag nagkahiwalay na kayo. Wala na, yung higad na yung mananalo nyan."

"Di rin naman po ako nakikipagkumpitensya. Kaya pabayaan ko na lang po sila, kagaya nga po ng sinabi nyo, Destiny. Kung di kami destiny para sa isa't isa. EH di hindi na lang po."

MC: "Sus. Tong mga to oh. Pinakukumplikado ang buhay. Ayaw babaan ang ego para maging masaya."

"Kung ganon nga lang po kadali ang lahat bakit hindi."

MC: "Oh sya kung ganon lang din naman. Paghusayan mo ang pag-papayat, para yung singsing maibalik mo, para wala na talaga kayong attachment."

"Oo nga po, hanggat nasa akin etong singsing na to, hindi ko sya tuluyang makakalimutan."

----

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now