Chapter 22: Time

13.4K 199 34
                                    

Guys.

Di ko po masyadong hahabaan tong Book 2.

Para magawa ko yung 3rd book ko yung My Star-Studded Heart :)

Kaya medyo isho-shortcut ko ng konti ha? :)

_________

M: "O sya sige, salamat sa pagpapatuloy sakin."

"Eh kusa ka naman kayang tumuloy. Tulog nga ako kanina diga?"

Usapan namin pagkatapos kumain ng agahan.

Ang dami ko na namang kinain -__-

M: "At least ako yung pumasok, hindi iba."

"Oo na sige na nga."

M: "Teka may nakalimutan ako."

"Ano?"

May kinuha syang isang paper bag sa tabi ng sofa.

M: "Oh"

"Ano to?" sabay tanggap ng binigay nya.

M: "Buksan mo."

Binuksan ko ito.

Pag-bukas ko. Weighing Scale?!?!?!

"Anong......."

M: "Teka, teka, bago ka magalit. Papaliwanag ako. Hindi yan para insultuhin ka, pero para tulungan ka pa."

"Ano?! Nakakain ga yan? Pano ko tutulungan nyan?"

M: "See! Pagkain na naman nasa isip mo. Pati ga naman timbangan di mo pa papalampasin."

"Mang-asar pa!"

M: "Makakatulong yan, para ma-monitor mo yung weight mo."

"Ganon na ga talaga ako kalusog?"

M: "Not that much. Chubby ka lang naman."

"Matagal na kong chubby."

M: "Chubby na naging chubby pa :D"

"Ah ganon?!"

M: "I better go now. May appointment pa pala ako mamaya kay Ate."

"Dentist?"

M: "Yep. Oh sya, see you around & super thank you for being one of our client."

"Thank you din."

M: "Goodluck sa opening ng restaurant nyo soon."

"Salamat."

M: "Teka, invited ako ha!"

"Oo na sige na!"

M: "Text me! Yung number ko naman nasayo diga?"

"Oo na nga!!"

M: "Okay okay!!! Bye. Thanks for being a friend as well" he winked.

-___-

Ilang linggo na lang.

Fully furnished na yung resto namin.

Konting check lang tsaka, intayin lang lumuwag ang sched ni John para ma-bless na yon at ma-open na ng bongga.

Excited na ako mag-luto ulit sa kitchen :D

Speaking of!!

Kailangan ko ng mag-luto ng cupcakes para sa ipagbebenta ko mamaya.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon