Chapter 2: Asar

24.3K 382 48
                                    

T: "Hoy, Hoy Hoy! Andaya mo ha! Bakit maauna pa kayo sakin?"

"Gaggy! Hindi naman kaya. Engaged lang kami pero it doesn't mean kasal agad no!"

Si Ate Trish este Trish lang.

Ayaw naman nga nya na tawagin ko syang Ate eh.

Magkasama kami sa kwarto.

Habang inaayos nya yung gamit nya.

Susko, si sister.

Nag-date pala sila ni Chris.

Nako naman :P

T: "Si Chris di man lang mag-propose andaya!"

"Yaan mo darating din naman yan sayo eh. Ikaw napaka-excited mo"

T: "Basta wag kayo mauuna sakin ha."

"Bahala na!" sabay tawa.

T: "Ate mo ko, kaya dapat mauna ako."

"Oo na lang"

T: "Nga pala, kelan yung alis nila Paul at Kaye?"

"Ay sa Linggo na. Di ko pa ulit nakikita si Kaye after nung graduation last week. Kasi nga kailangan nya mamili ng gamit."

T: "Ang bilis no?"

"Kaya nga! Hay nako, mamimiss ko talaga yung bestfriend kong yun."

T: "Syempre mas matagal pa nga kayong magkasama kesa sakin eh"

"Kaya naman nating bawiin yung oras eh. Marami pa namang taon dyan, 17 years lang kaya tayo pinaghiwalay! Nung 18 na naman ako eh nagkakilala na tayo ah."

T: "Sabagay! Tanda ko nuon eh. Nag-away pa tayo dahil kay John. Di ko akalain na ang ex ko eh magiging bayaw ko pala."

"Ako nga din. Kung alam mo lang talaga kung gaano kita hinanap nun. Jusko ikaw kasi bakit kalayas mo naman nung bata."

T: "Ah ganyanan ha, sisihan ito? Kamalayan ko ga nun. Ni wala nga ako maalala hello!"

"Hindi sadyang layas ka lang din!"

Hinagip nya yung unan tapos hinampas sa mukha ko.

T: "Yan ka na naman ha! Eto sayo!"

Kumuha rin ako ng unan tapos hinampas sa kanya.

Eto yung sinasabi kong matagal na.

Yung di naman nagkakalayong age na kapatid mo,

Tapos bonding, parehas pa kami ng hilig.

Nang biglang dumating ang Dade.

D: "Ops Ops! Kaya pala ang ingay nyo eh, kung ano ano na naman ang pinaggawa nyo dyan. Tigil nyo na yan ha."

"Subukan namin Dade."

D: "Aba.."

T: "Biro lang naman po! Opo titigil na"

Nagtinginan kami ni Trish, tapos behave na.

KJ naman nareng Dade xD

Lumabas na sya pagkatapos.

Kinuha ko na lang yung cellphone ko tapos nag-headset.

Dun lang ako sa may bintana.

Peor kinakausap ako ni Trish na nagla-laptop.

T: "Jam, kamusta nga pala yung pinapatayo nyong resto?"

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now