Chapter 44: Official

12.9K 247 110
                                    

Salamat guys & Enjoy reading!

Kapag ganito parati, baka bago mag-pasukan sa January, tapos na to!

HAHAHA Joke!

_______

LIFE GOES ON.

Gumising ako na naninibago sa paligid.

Pero namiss ko din ang kwartong ito.

Tumayo ako na may ngiti sa aking mukha.

Parang balik ang dati sa lahat.

Okay na rin siguro to.

Ang pinagkaiba lang naman kasi hindi ako sa condo nakatira.

Yun lang, dahil sanay na rin naman ako na hindi kami ni John.

Nakakatuwa noon nung nagpapaalam pa kami.

Humirit pa kami na bakit 6 months lang yung binigay ng Mame.

Pero totoo pala na, Mother knows best.

Sobra pa nga yung 6 months eh.

Bago namin parehas marealise na hindi magwo-work ang relationship namin.

Tama din pala yung set up namin na yon, kasi kung nagsama kami after na ng kasal, baka saka pa lang namin malalaman ang tunay na ugali ng isa't isa. At dun pa kami maghiwalay, ibang usapan na kapag kasal na.

Anyways...

Mahirap na pilit kayong pinaghihiwalay kahit mahal nyo pa ang isa't isa.

Pero naniniwala ako na ito ang tama.

Ngayon sa pamilya ko ako huhugot ng inspirasyon.

At rason para ngumiti ulit.

Ayokong gumaya sa iba na nagmumukmok.

Natuto na akong lumaban at gagamitin ko yon.

Kahit deep inside, nahihirapan pa rin ako.

Pero makakaya ko to.

Tiwala lang.

Bumaba ako.

At ang sarap ng pakiramdam na wala kang inaalalang Alyna na baka makasalubong mo.

Walang John na andyan para kulitin ka o pagsabihan ka.

Maluwag din sa dibdib.

M: "Goodmorning anak! Kain ka na!"

ANg daming pagkain!

At lahat sila aligaga na asikasuhin ako.

Kumpleto ang pamilya.

Maliban kay Ate Karina at Kuya Ched syempre nakabalik na sila matagal na sa kani-kanilang trabaho.

Si Trish, Mame, Dade, Lola at Tita Luz ang andito.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now