Chapter 30: Alone

12.3K 231 114
                                    

Pasensya po maikli ang update today kasi kahapon lang ako nag-update eh wala pa ko maisip msyado hehe. Sorry po!! =))

__________

Di ko alam kung ano ang gagawin.

Kung mag-iimpake na ga ako o ano.

"Fine! Let's just break up!"


Sumasagi pa rin sa isip ko ang mga narinig ko kanina.

Unti-unting tumulo na naman ang luha sa mata ko.

Ayoko ipaalam sa bahay, pero ano ang gagawin ko?

Bahala na :|

Nag-impake na ako.

San ako pupunta nito.

Habang nagpapake,

Nakita ko yung mga drawings na binigay nya sakin nung college pa lang.

Pati na rin ang iba pang gamit na binigay nya.

Yung pinaka-bago, yung baboy nung birthday ko.

Dadalhin ko kaya tong mga bigay nya?

O dito na lang? :|

Di ko talaga alam ang gagawin ko.

Nang pumasok sya.

Pinunasan ko ang luha ko.

Di ako tumingin sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagiimpake.

J: "So aalis ka? San ka uuwi, kina Michael o kina Paul?"

Tuloy pa rin ako at di sya pinapansin.

Umikot ako sa harapan nya at kinuha yung iba pang gamit na nasa lamesa.

Di ko alam kung bakit sya pa yung galit, pero isa lang ang nasa isip ko, Ayokong makipag-talo sa kanya, dahil alam kong mas lalong lumala ang sitwasyon.

J: "Did you enjoy your 2 weeks here with Michael or Paul?"

Di ko alam kung ano ang pinupunto nya.

Bakit ako pa yung masama?

Dumaan ako muli sa harapan nya at hinawakan nya ang braso ko.

J: "Iba ka na Jam. Iba ka na."

"Bitiwan mo ko, dumaldal ka ng dumaldal jan hanggat gusto mo. Wag mo na lang akong pakelaman."

Tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa braso ko.

At dumaretsong nag-ayos ng gamit.

J: "Ganon na lang yon? Aalis ka, tapos malalaman ng iba ang ginawa mo, ako ang magmumukhang masama?"

"Nakipag-hiwalay ka na. Anong gusto mong gawin ko, ipagpilitan ang sarili ko na tumira dito?"

J: "Gustong gusto mo talagang umalis ano?"

"Okay na rin to, para wala ng aabala sa inyo ni Alyna."

J: "Alam mo, mabuti pa sya. Kahit susyalera yon, hindi kami nag-aaway, hindi kami nagtatalo, lagi syang nagpapakumbaba. Ang saya nya pa kasama. Eh ikaw Jam? Pakiramdam ko, nung nalaman mo na ganito ako magpakumbaba, parang msyado mo namang minaliit ang pagkalalaki ko. Inaaway mo ako na parang ako lang lagi yung mali. Minsan nakakapag-sisi na ikaw yung pinili kong pakasalan."

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now