Chapter 36: Truth

13.4K 242 60
                                    

Sorry late ang update.

And pasensya na rin po kasi mejo maikli ang update :D 

__________

 J: "Ha? Bakit sila nandyan?"

"Di ko nga alam eh."

Humiga sya.

J: "Oh well, magrerelax na lang ako dito. Ikaw na lang makipagkita sa kanila."

 "Akala ko ga concern ka?"

J: "Sabi mo okay ka na naman. Kaya wala akong dapat ipag-aalala"

Hinampas ko sya ng unan.

"Napaka mo talaga!"

Tumawa lang sya.

Bumaba na ako.

At pumunta sa may pinto.

Pagbukas ko si Michael ang bumungad sakin na hila-hila ang kamay ni Kaye.

Biglang binitiwan ni Michael si Kaye nung nakita ako.

Kaya muntik na matumba si Kaye dahil na-out of balance.

K: "Walangya tong lalakeng to."

M: "What?"

K: "Binitiwan mo ko! Muntik na ko matumba, baliw!"

Kung mag-usap yung dalawa parang ang tagal na magkakilala ah.

Di rin naman ganyan si Michael nung una ko nakilala.

Napaka-formal nya pagdating sa trabaho pero kapag pala wala sya sa opisina o sa trabaho eh parang normal na tao lang.. I mean, parang di mayaman kung umakto. Parang sina Paul, pero kahit pa di ganoon umarte si Michael, na parang mayaman, halata pa rin sa kanya ang karangyaan ng buhay dahil sa suot nya na parang perpekto kada kilos, basta! Kumpara kina John na t-sirt at pantalon okay na. Ganon ang barkada nina John eversince nakilala ko sila, ma-porma pero hindi pormang alam mo na mga tagapagmana.

M: "Sorry then, oh andito na si Jam"

Tiningnan ko si Kaye at nakataas pa ang kilay sakin.

Aba >.<

Natahimik bigla.

M: "Hey! What? Talk?"

K: "Di pwedeng pumasok muna?"

J: "Ah... Pasok muna kayo."

Pagkapasok nila.

Iritang irita ako sa lintek na bestfriend kong to.

Maka-asta parang utang na loob ko pa ang andito sya ah.

Umupo sila sa sofa.

Tapos siniko ni Michael si Kaye.

K: "Ano?!"

M: "Anong ano? Yung pinag-usapan natin?"

Tumingin silang dalawa sakin.

M: "Jam may sasabihin daw si Kaye."

"Oh bakit ikaw ang nagsasabi at hindi sya?"

Siniko muli ni Michael si Kaye.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon