Chapter 26: BV

14.9K 214 64
                                    

PESTE!!!

Michael Tan?!

As in Michael na PLAYBOY? pero hindi naman daw?

Michael na hindi ko kasundo msaydo?!

Michael..... Mr. Furniture?!

WTF >.<

Nag-wawala na ako.

"Anong kalokohan to Kaye?!"

K: "Di to kalokohan, pag-ibig to."

Pinipigilan ko ang sarili ko, para di ko masapak tong babaeng to.

"Tumigil ka nga! Teka, may namamagitan na ba sa inyong dalawa?"

K: "Wala.Kakikilala lang eh, ito naman.Pero may konting na-research na ko sa kanya. May ari sila ng SeJu Furnitures, anak mayaman din, mukhang babaero pero hindi nagkaroon ng maraming girlfriend, di rin sya masyadong close sa tatay nya kagaya ni Paul nung una. 23 years old and single!"

"So konting research pa yan? Eh parang talambuhay na yang sinabi mo eh."

K: "Wala eh, yung pungay ng mata nya kasi. Parang nakita ko ang future na kasama sya."

"Takte yan Kaye! Sa mata lang ng gagong yun, nakita mo na agad ang future nyo? Ano ka si Madam Auring?! Nakikita ang future?"

K: "Bhes ang OA mo."

"Tsaka paano ka naman nakakasiguradong iba yang nararamdaman mo jan kumpara kay Paul? Eh kakikilala mo lang? Baka mamaya lokohin ka lang nyan."

K: "Masarap sya kausap, tapos alam mo yun, parang di ako nagsasawang titigan ang mukha nya?"

"So nag-date na kayo?! Huh?"

K: "Hindi, sinamahan nya lang ako bumili ng USB."

"So nasa mall kayo? Putakteng mall talaga yan oh! Jan nabubuo ang maling pagmamahalan eh. Bwiset."

Kung naalala nyo, sa mall din kami nagsimula ni Paul >.<

K: "Wag ka namang judgemental, malay mo, kami na talaga."

"Ewan ko sayo. Abnormal kang mag-isip."

K: "Tsaka alam mo, kahit di ko sya nakasama ng matagal sa mall non, eh ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kasi ang bait nya, at may sense of humour sya. Pero kung titingnan mo sa una, nasa itsura nya ang babaero at manloloko sa sobrang gwapo at porma nya. At dun ka narealize na totoo ang kasabihan na  DON'T JUDGE THE BOOK BY ITS COVER."

"Paano naman nangyare na nagkasama kayo sa mall non?"

K: "Nakaupo kasi sya, tapos dadaan ako, eh bigla na lang syang tumayo. Kaya nasagi nya ako at natumba ako. Alalang-alala nga sya sakin non eh, inalalayan nya ako patayo. Di ko nga nainda yung sakit ng balakang ko nun eh. Ang lambot lambot ng kamay tapos killer smile. Taposss... Ahhhh Heaven bhes!"

"Wow ah, parang teleserye lang. Oh tapos non, naginsist na sya na samahan ka, kasi akala nya di ka okay?"

K: "Ang galing mo bhes ha. Oo tama!!! Syempre di ko na tatanggihan. Mapagkamalan lang yan na bf ko, masaya na ko no."

"Di ka nakakatuwa Kaye."

K: "Sorry naman, pero nagpalitan na din kami ng number eh. Kaya malakas ang pakiramadam ko na baka maging kami sa future."

"Bilis mong magtiwala porket gwapo eh."

K: "Di naman sa ganon, talagang katiwa-tiwala naman sya eh. At nagulat nga ako, kasi nung pinagtanong o sinearch ko yung pangalan nya. Sikat pala sya. Nasa wikipedia nga sya eh dahil sa tatay nya na CEO ng Furniture business nila na isa sa pinaka-sikat sa bansa."

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now