Chapter 9 -- The Great Escape

5.5K 82 0
                                    

Yayayain sanang mag date ni Martee si Natalie pero hindi niya ito nadatnan sa shop. Umalis daw ito sabi ng mga empleyado niya.



Nasa park naman si Ervic, hinihintay si Natalie. Nang dumating na ito. "Late ka." Sabi niya dito.



"Sorry, may kinausap pa kasi akong kliyente." Paliwanag ni Natalie.



"Sa'n ba tayo pupunta." Tanong ni Ervic.



"Ikaw, kung sa'n mo gusto. Sasama ako kahit saan."



Napaisip si Ervic kung sa'n nga ba sila pupunta ngayon ni Natalie.



Walang ideya si Natalie kung sa'n nga ba siya dadalhin nitong si Ervic. Basta ang alam lang niya ay magkahawak ang kamay nilang naglalakad sa daan.



Ayaw ipagamit ni Ervic ang kotse niya. May iba daw silang gagamitin. Nagataka tuloy siya kung ano ito. Nang bigla na lang pumara ng isang jeep si Ervic at nagulat siya ng isakay siya nito dito. It's her 1st time, really. Kinakabahan siya, pero okay lang dahil kasama naman niya si Ervic, at alam niyang hindi siya nito papabayaan.



Kahit papano ay nag enjoy pa rin si Natalie sa pagsakay sa PUJ lalo pa't kasama niya si Ervic. Dinala rin siya nito sa isang turo-turo at do'n sila kumain pati mga street food. Nung una ayaw ni Natalie pero sinubuan siya ni Ervic kaya kumain na din siya at nang matikman niyang masarap, tuloy-tuloy na siya sa pagkain.



Nag rent din sila ng isang bisikleta sa park, angkas siya ni Ervic sa harap at nilibot ang buong park. Feeling ni Natalie bata siya, dahil ngayon lang siya inangkas sa isang bisikleta. Ito ang mga hindi niya naranasan sa tanang buhay niya at ngayon pinapadanas sa kanya ni Ervic and she's enjoying it. Never na ginawa ito sa kanya ni Martee.



Marami pa silang ginawa na dalawa at super nag enjoy talaga sila. Akala ni Ervic mag iinarte si Natalie pero kabaligtaran lahat ng inakala niya. Kaya din naman palang mabuhay ni Natalie nang simple lang ang buhay at yun ang gustong ipa experience sa kanya ni Ervic.



Dahil si Natalie ang may kotse, nag prisinta na siyang ihatid si Ervic kahit na tumanggi pa ito nung una. Nasa tapat pa sila ng bahay ng mga ito at ayaw pang bumaba n kotse.



"I really had fun. Thanks for showing me around." Hinalikan niya sa pisngi si Ervic. "So, what are your plans now?"



"Plano saan?" Takang tanong ni Ervic.




"Sa atin. Ervic, hindi habang buhay ganito tayo. Ayoko ng ganitong set-up. Ayokong nagtatago tayo sa lahat para lang sumaya."



"Si Martee, mahal ka niya. At si Carlyn, mahal niya 'ko."



Nainis tuloy si Natalie sa sinabi ni Ervic. "So, ano 'tong ginagawa natin? Pampalipas oras?"



"Hindi naman sa gano'n, kaya lang kasi, Natalie------" Natigilan siya, hindi alam ang isasagot. "Mahal mo ba si Martee?" Hindi makasagot si Natalie. "Kaya mo ba siyang hiwalayan?"




"Ikaw, kaya mo bang iwan ang pamilya mo?" Mabilis na tanong ni Natalie.



Napa buntong hininga tuloy si Ervic. "Hindi gano'n kadali 'yon. May anak kami."



Somehow he's right. Hindi ganon kadali iwan ang pamilya ni Ervic, lalo pa't may anak sila. At sa katotohanang 'yon naiinis si Natalie. Hindi na siya nagsalita pa at tumingin na lang sa labas ng kanyang bintana.



Ilang sandali silang natahimik. Nang magsalita itong si Natalie. "It's getting late, baka hinihintay kana ng pamilya mo." Inis na sabi niya kay Ervic.



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon