Chapter 11 -- Hurt Me With A Lie

5.8K 73 1
                                    


Martee, Ate Carlyn, patawarin niyo'ko. But I have to follow my heart. Binalingan niya si Ervic tsaka dali-dali itong niyakap ng mahigpit. Sa sobrang galak napaluha na naman siya. Abot tainga ngayon ang mga ngiti niya at walang mapagsidlan ng kasiyahan.



Hindi na siya masaya kay Martee at tanging si Ervic na lang ngayon ang nagpapasaya sa kanya. Ipagkakait niya pa ba 'yun sa kanyang sarili? Kaso sa kasiyahan niyang 'yun, may mga taong masasaktan.



Wala ng pakialam si Ervic kung ano ang magiging kapalit ng desisyon niya basta ang mahalaga ngayon nasabi na niya kay Natalie ang mga nararamdaman niya at masaya sila. Nag aalala lang siya sa anak na si Nicko.



Habang magkasama silang dalawa, naghihintay naman si Carlyn sa muling pagbabalik ng kanyang asawa. Nakaupo siya sa may dining nila, hawak-hawak ang cellphone baka sakaling tawagan siya ni Ervic. Habang nakatingin sa mga pagkaing inihanda niya, hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya.



Ilang oras nang naghihintay sa restaurant si Martee. Kanina pa siya inip na inip. Naiinis na din siya at nagagalit. Nagmumukha na siyang tanga sa harapan ng maga maraming tao dun. May dala pa man din siyang isang bouquet ng bulaklak.



Hindi sinasagot ni Natalie ang mga tawag niya. Nang hindi na siya makatiis at tumayo na siya para umalis.



"Sir, nakalimutan niyo po 'tong bouquet." Pahabol na sabi ng waiter.



Galit na hinarap ni Martee ang waiter. "Shut up!" Inis niyang kinuha yung bouquet at pabalibag na hinampas sa dibdib ng waiter tsaka na siya umalis.



Sa mansion na lang ng mga Ortega nag date sina Natalie at Ervic. May nakahanda silang dinner sa may pool side. Nasa business trip kasi ang Dad ni Natalie kaya okay lang na manatili muna sila do'n. Habang nasa gitna sila ng pool.



"Kailan natin sasabihin sa kanila ang totoo?" Tanong ni Natalie.



"Kapag sinabi natin sa kanila dapat sabihin na din sa Pamilya mo, sa Daddy mo."



"Pano si Nicko?" Alalang tanong nito, kahit papano may malasakit pa rin siya sa bata.



"Alam ko namang hindi siya ibibigay sa'tin ni Carlyn, pero susubukan ko pa rin. Hindi ko siya pwedeng pabayaan."



"Alam ko. Huwag kang mag alala, magiging mabuting Mommy ako kay Nicko."



Hinawakan ni Ervic ang mukha ni Natalie. "Ikaw ang kasalanang ayokong itama."


"I love you so much, Ervic." Nag simulang mag lapit ang kanilang mga mukha at unti-unti na nga silang nag halikan na dalawa.



Hanggang umabot sila sa kwarto ni Natalie ay nag hahalikan pari sila. Sinabi ni Natalie sa sarili na tanging kay Ervic lang siya magpapa uubaya at wala ng iba pa.


Sinandal ni Ervic si Natalie sa dingding ng kwarto habang wala silang tigil na nag hahalikan. Kasabay no'n ang pag hubad ng kanilang mga damit.



Hinahalikan ni Ervic ang bawat parte bg katawan ni Natalie habang ihinihiga niya ito sa kama.



Ilang sandali pa at kapwa na nagsanib ang katawan nila sa isa't-isa. Ilang beses pang nangyari 'yon bago mag pasyang umuwi na si Ervic at t'yak siyang kanina pa siya hinihintay ng asawa.




Pagpasok niya sa kwarto nilang mag-asawa. Nakaupo lang sa gilid ng kama si Carlyn.



"Bakit ba lagi kana lang nawawala? Sabihin mo sakin, san ka ba talaga nagpupupunta?"



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon