Chapter 10 -- Instinct

5.8K 86 2
                                    


Lagi nang kinukutuban itong si Carlyn sa kanyang asawa, magsimula nang may mabasa siyang note sa bulsa ng pantalon nito.



Kapag na le-late siya ng uwi galing trabaho mag tatanong na siya kung saan ito galing, kung sino kasama at kung ano-ano pa.



Isang araw sinundan ni Carlyn ang asawa sa isang restaurant. Pagkatapos kasi nitong makipag usap sa telepono ay dali-dali itong umalis, kaya sinundan na niya ito. Papasok na sana siya sa loob ng restaurant nang mamataan siya ni Martee sa may di kalayuan.




"Ate Carlyn." Tawag ni Martee sa Ate. Tsaka niya ito nilapitan. "Anong ginagawa mo dito? "Takang tanong niya sa kanyang Ate.




"Gusto ko lang malaman kung sinong kasama ni Ervic dito." Sagot ni Carlyn sa kapatid.




"Bakit? Hindi ba siya nagpaalam sa'yo?"



"Hindi."




"Teka, pinag dududahan mo ba si Kuya Ervic?"




"Hindi naman sa gano'n, kaya lang kasi---- Ah basta, samahan mo na lang ako sa loob." Yaya ni Carlyn. Sumama naman si Martee sa kanyang Ate dahil gusto niya ding malaman kung sino ang kasama ng kanyang bayaw.




Habang papalapit si Carlyn sa table ng asawa, palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Pinagdarasal niya na sana mali ang duda niya.




"Ate, baka naman mali lang 'yang iniisip mo?"



"Sana nga Martee nagkakamali lang ako. Dahil hindi ko siya mapapatawad kapag nagka taon." Bantang sabi ni Carlyn. Nang sa wakas ay nakadating na sila sa kinaroroonan ni Ervic.




Nagtaka si Ervic nang makita sina Carlyn at Martee kaya napatayo siya sa kanyang kinauupuan. "Carlyn, Martee, anong ginagawa niyo dito?" Siya lang mag isa sa table.



"Ikaw ano'ng ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" May halong pagdududa sa tono ng pananalita niya.



Nang dumating si Natalie, galing kasi siya sa ladies room. Nabigla din siya nang makita sina Carlyn at Martee. Nagtinginan pa silang apat.




"Natalie? Ikaw ang kasama ng asawa ko?" Tanong ni Carlyn.



Napalunok naman si Natalie, hindi malaman ang isasagot.Nabigla kasi siya sa mga pangyayari.



Nakahinga ng maluwag itong si Carlyn at napangiti. "Akala ko kung sino ng kasama ni Ervic eh, buti na lang ikaw lang pala."




Pilit na ngumiti si Natalie at tinignan si Ervic.




"Kayo lang bang dalawa ni Kuya Ervic?" Tanong ni Martee kay Natalie.



"Uhm.. ah .." Hindi niya masagot-sagot ang tanong ni Martee. Nang nakita niyang pumasok sina Nikki sa loob ng restaurant. Malapit lang kasi ito sa shop niya. "No. Actually, kasama ko ang mga empleyado ko." Sinenyasan niya sina Nikki na lapitan sila. "Nauna lang si Ervic dito." Pag dadahilan niya.




Napatingin naman si Martee sa table at nakita niyang may dalawang upuan lang at may mga pagkain na pandalawahan lang.



"Ang mabuti pa samahan niyo na din kami." Yaya na lang ni Natalie kina Carlyn at Martee.




Pati tuloy itong si Martee nagdududa na rin sa mga ikinikilos ng dalawa.



Pagkatapos nilang kumain, agad na bumalik sa kumpanya si Martee, bumalik na rin sa trabaho sa shop itong si Ervic. Nasa labas pa ng shop sina Natalie at Carlyn.




The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon