Chapter 12: Coincidence or Destiny

928 33 1
                                    

◘Chapter 12: Coincidence or Destiny

Harley's POV

Nandito kami ngayon sa mall. Well, alam niyo naman siguro kung bakit diba.

Nandito kami sa National Bookstore para bumili ng school supplies para kay Rachel. Grabe, ang dami ng pinamili ni Jimmy para sa kanya.

Habang namimili sila, naghahanap ako ng libro ng "Sherlock Holmes". Paborito ko kasi na novel yun na ginawa ni "Sir Arthur Conan Doyle".

Naghanap na ako ng libro. Para din kasi yun sa gagawin kong project sa journalism.

Habang naghahanap ako may narinig akong ingay. At alam kong sino yung umiingay na yun.

"Ano ba Serena! Sabi ko ang genre mystery! Hindi romance!"

Haaay, kailan pa kaya tatahimik ang bunganga ni Kirsten. Parang araw araw ko na lang naririnig yang sigaw niya. Kahit ang daming tao, wala siyang hiya basta gusto niyang sumigaw. Grabe!!

"Eh, pasensya na. Sadyang gusto ko lang kasi ang mga novels na romance."-Serena

"Ehhhh, gusto ko yung mystery eh. Tsss, ako na nga lang ang hahanap."-Kirsten

Haay, nakakaawa naman ang ginawa ni Kirsten kay Serena. Tsss, baliw talaga 'tong babaeng to.

Teka! Papunta na siya dito! PATAY! Kailangan kong magtago. Sisigawan nanaman niya ako pag nagkita kami.

Dahan dahan akong pumunta sa hagdanan pababa. Dahan dahan. Dahan dahan. Dah—

"Oy kuya. Nandito ka rin pala." Nagulat ako sa nakita ko sa harapan ko. Eh?

A-akako?! A-anong ginagawa niya rito? H-hindi kaya.........

"Akako, sinong kausap mo diyan. Teka, Harley, ikaw ba yan?"

Patay! Kinausap ako ni Kirsten. Malamang isasama niya ako sa lakad nila. Huhuhu....help me.

"Ah......K-k-k-kirsten. He..heheh..hehe...h-hello?" naku po, nauutal yata ako sa sobrang kaba. Hoo, calm down Harley.

"Anong ginagawa mo dito?"-Kirsten

"Ah, ano. Ummm...hehehe. Kasi—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi dumating sina Jimmy. Hooo! Life savior talaga kayo guys.

"Harley, magbabayad na kami sa counter. May ipapad—"

"Oy Jimmy. Nandito ka rin pala. Anong ginagawa niyo dito?"

Hindi naituloy ni Jimmy ang sasabihin niya nung pinutol siya ni Kirsten. Nagulat naman siya ng makita niya ito.

"K-kirsten? Anong ginagawa mo dito? I mean kayo."-Jimmy

"Naghahanap ng appliances 😑. Syempre naghahanap ng libro! Bookstore nga diba! BOOK STORE! Mga libro Jimmy! Wag kang tanga!"

Napatahimik at nagulat naman siya sa inasta ni Kirsten.

"O-o-oo nga. Hehe."-Jimmy

"Jimmy, ano ba. Mahaba na yung pila do—"

"Kaito nandito ka rin pala at.....ummm...."

Hindi maituloy ni Kirsten ang sasabihin niya nang makita niya si Rachel.

Wait.......HALA!!! Baka magtanong si Kirsten about kay Rachel. Anong isasagot namin.

"Magandang hapon sa inyo. Ako po pala si Rachel na gal..ASDFGHJKL"

Hindi maituloy ni Rachel ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Jimmy ang bibig niya. Hooo, buti hindi niya naituloy. Kung hind buking na kami.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon