Chapter 40: Am I inlove with him?

542 28 8
                                    


◘Chapter 40: Am I inlove with him?

Rachel's POV


Bakit ganun... Parang gusto ko ng manatili sa mundong ito.

Hindi lamg dahil maganda dito, at hindi lang dahil sa nandito ang kaibigan ko. Kundi dahil sa kakaibang nararamdaman ko sa isang tao.

At yun ay dahil kay Jimmy.

Hindi ko alam kung bakit o paano?

Pero kasi tuwing nag-uusap kami, parang tumitigil ang oras. Yung parang kayong dalawa nalang ang nasa paligid. Tapos yung mga salita, pakiramdam ko parang musika sa tenga ko.

Tapos kapag hinahawakan niya ang mga kamay ko, may parang kuryenteng dumadaloy dito.

Ano ba ang ibig sabihin nun?

"Oy Rachel, nakikinig ka ba?"

Natauhan naman ako nang kausapin ako ni Kirsten.

Nandito kamo ngayon sa canteen, nagrerecess. Humiwalay kasi samin sina Jimmy, Harley at Kaito dahil may gagawin lang daw kaya kami na lang ni Kirsten ang nagrecess.

"Ay hala. Pasensya na Kirsten. Ano nga ulit sabi mo?"

Pero imbis na sagutin niya ako, binigyan niya lang ako ng malalim na tingin.

"Rachel, sabihin mo nga. Ba't ka natulala kanina?"-Kirsten

Sasabihin ko ba? Eh diba bawal magsinungaling? Haaaayss..

"Ahh... H-hindi ah. A-ano ba yang pinagsasabi mo Kirsten. Ha-ha-ha.

Pero mas lalo lang niya akong tinignan ng malalim.

Haaaaaysss.

Yumuko muna ako bago magsalita.

"S-si..... J-jimmy kasi...."


At naramdaman kong namula ako >/////////>

Bigla namang naging ganito ang itsura niya:


(⊙o⊙)/

O(≧∇≦)O




"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~"



Napatakip naman ako sa tenga ko dahil sa sigaw niya. Tapos yung mga taong nasa canteen, napatingin samin.

Napatakip naman si Kirsten ng bibig niya at nagpeace sign. 😁✌

Tumingin siya sakin at nginitian ako ng nakakaloko.

"Oy ikaw Rachel ha. Sabi ko na ngaba eh, gusto mo talaga siya."-Kirsten

At nag-init naman ang mukha ko.

Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Alam mo, wag kang mahiya. Tsaka feeling ko nga parehas kayo ng nararamdaman."-Kirsten

Nabigla naman ako kaya napatingin ako sa kanya.

"T-totoo?"-ako

"Hmmm...siguro. Pero may possibility. Yung kilos kasi niya eh. Hahahaha. Si Jimmy talaga, kung makapayo sa mga tropa niya, daig pa si Papa Jack. Pero yung mismong sarili niya di niya kayang payuhan at malaman kung ano yung totoo niyang feelings."-Kirsten

The three Idiots and the PrincessWhere stories live. Discover now