Chapter 28: Here comes the baby

583 30 0
                                    

Chapter 28: Here comes the baby

Jimmy's POV

Hooooooo! Buti na lang at half day lang yung exam. Two days kasi ang exam namin. Ngayon at bukas.

Kakatapos lang naming mananghalian. Bumili muna kami ng prutas para sa babae. Pagkatapos ay sumakay na agad kami sa taxi at pumunta sa hospital.

Pagdating namin, nagtanong kami sa nurse kung saan ang babaeng nanganak kanina lang. Sinabi niya ang room tapos ay pumunta kami doon.

Kumatok muna kami bago pumasok.

"Umm....hello po." Pambungad ko sa kanila.

"Oh, nandito na pala kayo." Ani nung lalaki.

Napatingin ako doon sa babaeng nakahiga. At katabi niya ay isang malusog at na sanggol na natutulog katabi nito.

At dahil doon, automatic na ngumiti ang bibig ko.

"Y-yan na ba ang anak mo?"-ako

"Oo. Ito nga."-babae

Nagkatinginan kami. At kita sa mukha namin ang saya. Mukhang nakaligtas kami ng buhay. Hay. What a relief and joy.

Pumunta kami doon sa higaan. Tinignan lang namin yung sanggol na natutulog. Ang cute niya!!!!!

"Ang cute naman niya. Ano nga pala ang pangalan niya?"-ako

"Nick."-ate

"Ang ganda naman ng pangalan."

"Gusto mong hawakan?"-ate

Napatingin ako sa ate.

"S-sige po."-ako

Kinuha ko yung bata at kinarga. Ang CUUUUUUTTEEE!!

Tinignan naman iyon ng tatlo, tapos kinarga rin nila ito.

"Ang cute cute cute mo naman baby boy."-Harley

At nagtawanan naman kami.

"Salamat nga pala sa pagtulong niyo sakin mga bata."-ate

"Naku walang ano man yun."-Jimmy

"Ang bait talaga ninyo. Sana maging katulad ninyo si Nick. Matulungin."

At ngumiti naman yung ama ng bata pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Thank you mga kuya at ate. Dahil sa inyo, nanganak si mama ng maayos."

Sani nung bata.

Pinuntahan ko siya at umupo para mapantayan siya. Tapos ay ginulo ko ang buhok niya.

"Walang anuman. Basta, promise mo samin, na aalagaan mo ang bunso mo. Wag mo siyang pababayaan. Maging mabuting kang ate sa kanya ha."-ako

"Opo kuya."-bata

Napatayo naman ako at tinignan ang mag-asawa.

"At sana po, maging maayos din ang pag-alaga niyo kay Nick. Dahil alam kong magiging mabuti 'tong anak niyo."

Ngumiti naman sila sakin.

May naalala naman ako.

"Ay teka, hindi pa pala kami nagpakilala. Ako nga pala si Jimmy Kudo. Sila naman ang mga kaibigan ko."-ako, tapos tinuro ko sina Harley.

"Ako naman si Harley Hartwell."

"Kaito Kuroba."

"At ako naman si Rachel Moore. Masaya ako para sa inyo."

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon