Chapter 27: The help from the three idiots and the princess

599 33 4
                                    

Chapter 27: The help from the three idiots and the princess

Jimmy's POV

"Pupunta na kami sa exam! Excited na ako!"-Rachel

Tsss, ang ingay talaga niya. Kanina pa yan pag gising namin. Wala bang exam sa kaharian nila? Ang boring naman, walang challenge.

"Excited na talaga akong sagutan yung Math. Paborito ko kasi yung mga numero at mga guhit guhit na bilog at tatsulok."-Rachel

Haaay, naadik na yata sa Geometry. Well, madali rin naman yun eh. Pati na rin yung physics.

(A/N: TBH guys, hindi ko paborito ang mga subject na yan. Nilagay ko lang for the sake of our character. LOL)

"Quadrilaterals is a polygon with four side or edges and four.......ummm.....four..........ano nga ba yun?"-Rachel

"Vertices or corner."-ako

"Ah, oo. Vertices and corner. Grabe, ang galing ko na nga sa math, magaling pa ako sa english. Oh ha."-Rachel

Haaay, bahala na nga siya diyan.

Nagsusuot na kami ngayon ng school shoes namin. Meron nga pala akong good news. Hindi na kami laging late. At dahil yun sa bago naming alarm clock. Well, nasabi ko naman sa inyo yun noon eh. Hahaha, share langs.

Kaya nga ang aga pa namin ngayon eh. Akalain mo, 6:15 palang. Eh 7:30 magsisimula ang exam namin. Haaaay. Mabuti na rin ito. Atleast may time pa kaming mag-study.

Pagkatapos naming magsuot ng sapatos, lumabas na kaming apat para maghintay ng taxi.

"Exam! Exam! Exam! Exam! Exam!"-Rachel

"Ano ba. Tumahimik ka nga. Para kang baliw."-ako

"Baliw na yan, noon pa." Bulong ni Kaito sakin kaya napatawa kami.

After 5 minutes, may dumaan na taxi, kaya pinara na namin iyon. Papasok na sana kami kaya lang may bigla kaming narinig sa kabilang bahay.

"Tulong! Si mama, manganganak na!"

Napatingin kami sa isang batang babae na sumusigaw.

Pero teka, manganganak? Pinuntahan ko yung bata.

"Bata, nasaan na yung mama mo?"-ako

"Nasa loob po kuya. Tulungan niyo po siya. Nahihirapan po siyang maglakad."-bata

Tinawag ko naman silang tatlo.

"Harley, Kaito. Pumunta kayo rito. Tulungan niyo akong buhatin ang mama nung bata. Rachel, papuntahin mo dito yung taxi. Sabihin mo hintayin kami sa labas."-ako

Um-oo naman sila. Pumunta na ang dalawa rito habang si Rachel naman ay kinausap ang driver ng taxi.

"Bata, ituro mo samin kung nasaan ang mama mo."-ako

Pumunta naman siya sa loob. At nakita namin ang isang babaeng buntis na bumababa sa hagdan. May kunting dugo sa paanan niya. At mukhang nahihirapan siya sa sitwasyon niya.

"Mama!"-bata

Dali dali naman kaming pumunta sa hagdan. Binuhat namin siya palabas. Yung pagbuhat namin sa kanya ay yung parang pagbuhat ng sako ng dalawang tao. Si Harley ang bumuhat ng paa niya habang ako naman ang sa ulo at kamay niya. Si Kaito naman ay dinala ang gamit ng buntis papuntang taxi.

"Kaito, pumara ka ng isa pang taxi. Doon kayo sasakay ni Harley at Rachel. Doon naman ako sasakay sa taxi kanina kasama nung buntis at nung anak niya. Tapos pumunta kayo sa Doctor's hospital. Doon ko dadalhin ang buntis."-ako

The three Idiots and the PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora