Chapter 42: Forbidden Feelings

489 31 13
                                    

◘Chapter 42: Forbidden feelings

Jimmy's POV

Pagkatapos ng masayang scene kanina, nilinis namin ang malagkit naming mukha dahil sa coke. Hahahaha.

Naramdaman ko namang dumidilim na ang paligid. Kaya napatingin ako sa relo ko. 6:30 na pala. Siguro ito na ang oras para umamin kay Rachel

Niyaya ko naman siyang sumakay sa ferris wheel. At dahil gabi na, lumiwanag ang ferris wheel kasi may nakapalibot na makukulay na ilaw dito. At magandang sumakay sa ferris wheel ngayon kasi magandang view mula sa ibabaw ang tropical land dahil sa magagandang ilaw na nakapalibot dito.

Nung nasa loob na kami sa isang ferris wheel, di maiwasan ni Rachel ang pagkamamgha sa paligid dahil sa mga ilaw. Ilang ulit nana akong nakasakay dito kaya sanay na ako sa tanawin ngayon. Pero ang makitang nakangiti si Rachel, magandang tanawin na yun para sakin.

Mas lumiwanag naman ang mukha niya nang nasa pinakatuktok na kami. Buti na lang mahina lang ang pag-ikot nito kaya matagal niyang matignan ang paligid.

Hoooo... Siguro ito na yung tamang oras para sabihin kay Rachel ang totoo.

Ang totoong feelings ko sa kanya.

"Ahhhhh.... R-rachel."-ako

Napatingin naman siya sakin.

"Bakit Jimmy?"-Rachel

"Ahh.. May sasabihin kasi sana ako sayo eh."-ako

"Ano yun?"-Rachel

Mukhang handa naman siyang makinig. Umupo kasi siya at tumingin sakin ng deretso.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Ahh.. Ang totoo niyan Rachel, simula nung una kitang makita, biglang nag-iba ang nadarama ko. Yung tipong ang gaan ng pakiramdam ko pag nakakasama kita. At ang bilis ng tibok ng puso ko pagkasama kita."-ako

Nagtaka naman siya sa sinabi ko.

"Ang totoo niyan Rachel..................

Mahal na mahal na mahal kita.... Noon pa. Natotorpe lang kasi ako. Pero ginawa ko naman ang lahat para mapansn mo itong feelings ko para sayo. At umaasa ako na sana pareho tayo ng nararamdaman."-ako

Ito ang mukha niya ==> (O____O)

Ito akin ==> ( >/////>)

Okay... Ummmm..... Nakakahiya yata yung ginawa ko. Pero dapat lang niyang malaman 'to.

"Rachel, alam kong mahal mo pa si Niño, pero hindi ko maiwasang isipin na sana mahal mo rin ako. At sana tanggap mo 'tong pagmamahl ko para sayo."-ako

Napayuko naman ako sa sinabi ko. Alam ko namang impossibleng mangyari yun. Haaaaay.

Naramdaman ko naman na tumayo siya at pumunta siya sa pwesto ko. Tapos inangat naman niya ang mukha ko dahilan para magka eye contact kami.

Tapos, nakita ko siyang........... Ngumiti.

"Jimmy, ang totoo niyan. Hindi ko alam kung mahal ko pa si Niño. Kasi nung dumating ako dito, biglang nagbago ang pakiramdam ko. Yung parang biglang nawala ang nararamdaman ko sa kanya. Kasi.......

Napunta na yun sayo. Mahal din kita Jimmy."

O_______O

Teka, nagcotton bonds naman ako kanina ah. Pero bakit parang nabingi yata ako sa sinabi niya.

M-mahal din niya ako?

"Hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung mahal ko pa si Niño. Simula kasi nun napadpad ako dito, biglang umiba ang pakiramdam ko sa kanya lalo na nung nakilala kita. Ewan ko, pero nang dahil sayo, nakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Niño."-Rachel

Bigla naman siyang yumuko.

"Okay lang ba yun Jimmy? Kasi pakiramdam ko, nagtaksil ako sa kanya. Kasi diba dapat pakasalan ko pa siya. Pero parang di ko na kayang ituloy kasi unti unit nang naglalaho ang pagmamahal ko sa kanya."-Rachel

Hinawakan ko naman ang mga kamay niya.

"Okay lang naman magmahal ang isang tao kahit may pinangakuan na siyang iba. Pero ang masama, yung saktan mo ang pinangakuan mo. Alam kong mali 'tong ginagawa natin. Pero di naman natin kayang pigilan ang sinisigaw amg puso natin."-ako

Tumingin naman siya sakin at binigyan ako ng nakakapagtakang tingin.

"Kung ganun okay lang na magmahalan tayo?"-Rachel

Okay lang ba talaga?

"Ahh.. Siguro. Kasi nagmamahal lang naman tayo. Tsaka handa akong masaktan, maging masaya lang kayong dalawa. Hindi naman kasi ako relationship breaker eh."-ako

"Pero Jimmy, alam ko namang hindi ako yung tunay na mahal ni Niño. Kasi pinakasalan lang naman niya ako kasi akala niya ako yung batang nakita niya. Sa tingin ko, si Maria talaga ang mahal niya. Iba kasi ang kinikilos niya kay pagkasama niya si Maria. Kaya okay lang sigurong ikaw na lang ang mahalin ko diba. At pakawalan na si Niño para sa ikasasaya ng kapatid ko."-Rachel

"Ummm... Okay lang naman siguro. Kasi ang totoo niyan, gusto kong magkaroon ng relationship sayo. Pero natatakot ako kasi ayokong masaktan si Niño."-ako

Niyakap naman niya ako.

"Wag kang mag-alala. Sisimulan nalang natin ang relasyon natin pagnakausap na natin ng maayos si Niño. Pero yun ay kung makabalik pa ako sa palasyo."-ako

Naramdaman ko naman ang kalungkutan sa boses niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Wag kang mag-alala. Gagawin namin ang lahat para makabalik ka."-ako

"Salamat Jimmy. Mahal na mahal kita."-Rachel

"Mahal din kita Rachel."-ako

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos ng aminan namin, lumabas na kami sa ferris wheel at naglakad lakad muna. At ang awkward....

Wala ni isa samin ang nagsalita. Pero binasag ko naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa sa pag offer ko sa kanya na umupo muna sa bench para magpahinga.

Habang nakaupo, napatingin kami sa langit nung biglang nagkaroon ng fireworks display

"Wow!! Ang ganda!!!"-Rachel

Napatingin naman ako sa kanya.

"Maganda diba? Kasing ganda mo."-ako

Napatingin naman siya sakin at nakita kong nagblush siya. At yumuko. Hahaha ang cute.

Nakita ko naman ang kamay niya. My gasssssss. Gusto ko yung hawakan.

Dahan dahan ko namang nilagay ang mga kamay ko sa ibabaw ng kamay niya. Naramdaman ko namang nagulat siya kaya tumingin ako sa kanya. At nakita kong nakatingin rin siya sakin kaya ngumiti ako. At inintertwine ko ang mga daliri namin. Tapos ngumiti siya sakin at tumingin kami ulit sa langit.

I feel butterflies in my stomach. I really like this girl beside me. At natupad yung isang pangarap ko noon. At yun ay ang makasama ko ang mahal ko habang nanunuod ng fireworks. The best day ever. <3

"Jimmy. Rachel. Anong ginagawa niyo rito?"

Agad naman naming binitawan ang kamay naming magkahawak at tumingin sa nagsalita.

"K-kaito? A-aoko? Anong ginagawa niyo rito?"-Ako

######################################################################################

Ano kayang mangyayari sapagkat nagkita ang magkaibigan. Abangan next next week.

Huhuhu, sorry slow akong mag update :(

Busy kasi sa school lalo na't exam na next week... hope u understand :)

Learn to wait guys, pero kung di niyo na kaya, di ko kayo pinipilt na hintayin to kasi may mas deserving pa ng ibang story para sa inyo kesa sa story na to. char, makahugot wagas..

Hahahah...

Keep voting, commenting and be a fan...

Lab u all <3

~Kazuha-chan

The three Idiots and the PrincessWhere stories live. Discover now