Chapter 39: Only God Knows

455 27 1
                                    

Sorry po talaga mga kaibigan

Kung ang UD ko ay natagalan

Busy po kasi si Kazuha-chan

Sana siya'y pagpasensyahan


#######################################################################################


◘Chapter 39: Only God knows

Jimmy's POV


"Waaaah! Talaga? Kayo na? OMG!!!!!!!?"-Serena

"Shhh. Ano ba Serena. Wag ka ngang sumigaw."-Kirsten

"Ehh naman kasi eh. Kinilig lang ako. Sabi ko na nga ba magiging kayo rin sa huli. Sana kami rin ni Makoto."-Serena

Hayyyyysss. Mga babae talaga.

Si Harley, ayun namumula sa pinag-uusapan nila. Tahimik nga lang nakatungo eh. Hahahaha.

Nandito pala kami ngayon sa canteen, kumakain (malamang -_-)

Kasama ko ngayon sina Rachel, Harley, Kirsten, Serena at Hakub. Wala dito si Kaito kasi... alam niyo na, may ginawang business.

Itinuloy ko na lang ang pagkain ng spaghetti ko. Sayang naman ng binili ko kung di ko ito kakainin at magfufucos na lang sa kinekwento ni Kirsten. Eh nalaman na naman namin ni Rachel at Kaito eh.

Paano? Kinwento niya.


◘FLASHBACK◘


*yawn*

Kakagising ko lang kaya pumunta agad ako sa banyo para maghilamos. Tapos ay bumalik na ako sa kwarto para ligpitin ang higaan ko at nakita ko si Kaito na nagliligpit rin. Tapos pumunta rin siyang banyo.

Pagkatapos ay pareho kaming bumaba. At nung nasa baba na kami, di na kami nagulat sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa. Malamang si Rachel ang naghanda nun. Sabi ko nga sa kanya kami nalang lagi magluluto mg agahan pero antigas talaga ng head niya.

Pero nabigla ako na mas lalo yatang dumami ang pagkain ngayon, hindi na katulad ng kay Rachel.

At ang kinagulat pa namin ni Kaito, si Harley naka apron habang may dalang pagkain na kakaluto lang yata niya.

"Hey bros!! Kain na."


⊙________⊙ ==> kami

^__________^ ==> sya


Teka? Anyare?

"H-harley? Ikaw nagluto lahat ng yan?" Tanong ko sabay turo sa mga pagkain.

"Yep." Sagot ni Harley sabay lagay ng pagkaing dala niya sa lamesa.


?????

Himala yata 'to. Sa pagkakaalam ko kasi, nagluluto lang si Harley paginutusan. Minsan nga napipilitan lang eh.

"Oy walang lason yan. Kain na kayo."-Harley

Umupo naman kaming dalawa ni Kaito.

"Teka, anyare sayo't nagluto ka yata ngayon ng agahan?"-Kaito

"Nagtaka nga rin ako eh."

Nakita namin si Rachel na nakaupo lang sa sala.

"Paggising ko kasi nandiyan na sya nagluluto. Sabi ko nga tulungan ko siya pero sabi niya di na lang daw."-Rachel

The three Idiots and the PrincessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu