Chapter 31: Hakub meets Akako

572 29 2
                                    

(Si Akako po pala ang nasa pic, hehehe)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Si Akako po pala ang nasa pic, hehehe)

Chapter 31: Hakub meets Akako

Hakub's POV

Hello sa inyo. Ako pala si Hakub Houndo. Hindi ko na sasabihin ang tungkol sa katauhan ko, nasabi ko naman yun sa pag interview nila sakin noon eh.

Ngayon ay recess namin. Kasama ko sina Jimmy, Rachel, Harley at Kaito papuntang canteen.

Nang malapit na kami sa canteen, may narinig kaming sumigaw galing sa loob.

"Harley! Dito ka!"

Mukhang alam ko na yata kung sino yun ah. Alam ko na kasi ang history nila ;P

Napatingin kami doon sa sumigaw. At nakita namin sina Kirsten at Serena na nakaupo sa 8 seat na table.

Pumunta naman kami doon at umupo na sila doon.

"Kayo lang ba?"-Jimmy

"Ah hindi. Kasama namin si Akako, pero bumili pa siya ng pagkain namin."-Kirsten

"Aba aba Kirsten! Ba't kapatid ko pa inutusan mo? Ang tamad mo talaga kahit kailan."-Harley

"Hoy lalaki! For your info, siya ang nagvolunteer! Kaya wag kang magbintang diyan!" Sabi ni Kirsten saboy batok kay Harley. Hahaha. Nakakatawa naman sila.

Pero teka....

"May kapatid ka pala Harley?"-ako

"Ah oo. Si Akako. Grade 9 siya ngayon."-Harley

Tumango na lang ako sa sinabi niya.

Tinanong ko naman ang gusto nilang oorderen, tapos binigyan nila ako ng pera.

Pumunta na ako sa lumilinya. Bibili kasi ako ng pagkain.

Habang lumilinya, may narinig akong naglalaglagang mga barya kaya napatingin ako sa gilid ko.

Isang babaeng nakayuko at may dalang tray. Tapos may mga barya na nasa paanan niya.

Kinuha ko naman yung mga barya at inilagay sa tray niya.

"Salamat." Sabi nung babae sa bay tingin sakin.

WOW! Ang ganda niya!! *o*

Umalis naman siya at sinundan siya ng mga mata ko.

Grabe, ang ganda talaga niya. Para siyang anghel.

"Next!"

Napatingin naman ako sa unahan kasi nagulat ako nung may sumigaw. Naku, ako napala, hindi ko man lang napansin.

Umorder na ako ng pagkain. Buti na lang at nakayanan kong bitbitin ang lahat.

Nang makarating na ako sa lamesa namin, inilapag ko na doon ang tray na may lamang pagkain.

"Salamat."-Jimmy

"Ay oo nga pala Hakub. Siya pala yung kapatid ko, si Akako."-Harley

Napatingin naman ako sa babaeng nakaupo katabi sa upuan ko.

Hala, hindi ko man lang siya napansin. Eh katabi lang naman niya ang upuan ko. Nakatayo pa kasi ako ngayon. Ano bay an.

Tumingin naman siya sakin.

O_O

Teka, siya yung babae kaninang tinulungan ko. So siya pala si Akako.

Grabe, ang ganda talaga niya.

"Teka, diba ikaw yung kanina."-Akako

"Ah...o-oo. Hakub Houndo pala. Nice to meet you." Sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.

Nakipagshake hands naman siya sakin.

"Ako naman si Akako Hartwell. Nice to meet you rin."-Akako

Tapos binigyan niya ako ng ngiting nakakatunaw.

Umupo naman ako katabi niya.

"Salamat nga pala kanina."-Akako

"Ah..walang a-anuman."-ako

At ngumiti ako sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain. At hindi pa rin nawawala ang pagbabayangan nina Harley at Kirsten. Ang isip bata talaga nila.

Pero hindi sila ang center of attraction ko. Kundi si Akako. Habang kumakain, sinisilayan ko siya.

Ang ganda talaga niyang tignan. Feeling ko nag iislow mo ang paligid. Tapos yung puso ko, nagiging abnormal. Tumitibok ito ng napakabilis.

Siguro nga.................

I feel inlove with her for the first sight.

Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam na sina Akako, Kirsten at Serena samin kasi may pupuntahan pa sila.

Habang naglalakad kaming lima, hindi pa rin mawawala sa isip ko si Akako. Sa dinami daming babaeng nakilala ko, sa kanya lang ako tinamaan ng ganito. (Naks, nagrhyme)

Bigla naman akong nakaramdam ng isng kamay sa balikat ko kaya napatingin ako sa katabi ko.

Si Harley pala yun, inakbayan ako. Tapos tinignan niya ako gamit ang mga matatalim niyang mata.

Hala.....nakakatakot.

"Bawal pa si Akako mag boyfriend. Kasi alam mo ba, pag nagkaboyfriend siya, ako muna ang lalapitan ng lalaki. Tapos patitikman ko siya ng isang napakalakas na kami kami wave!!!!!!!"

Tapos umakto naman siya na parang kumakami kami wave kagay ni Goku.

Baliw. LOL. Pero nakakatakot siya. Ang hirap palang pumurma kay Akako.

Tapos tumingin siya sakin.

"Syempre joke lang yung sa kamikami wave. Hindi kaya ako super syan.Whahahaha!"-Harley

Tumawa na lang ako ng peke.

"Basta, ito lang ang sasabihin ko sayo Hakub. Kung gusto mo talaga siya, hintayin mo. True love waits ika nga. Atsaka, approve naman ako sayo eh. Bagay nga kayo eh."-Harley

Namula naman ako sa sinabi niya. Pero nagulat din.

"T-teka. Paano mo nalaman?"-ako

"Halata kaya sa galaw mo. Ang dali mong basahin."-Harley

"Ah.....g-ganun ba."-Hakub

"Basta Hakub, ayoko kong masaktan yang kapatid ko. Kasi pag nasaktan yan.......... makikita mo na lang ang katawan mo sa ilog pasig."-Harley

Tapos binigyan niya ako ng death glare ulit.

Nakakatakot talaga siya.

"Pero syempre, joke lang ulit yan. Hindi ako mamamatay tao no. Siguro makakatikim ka lang ng suntok."-Harley

*gulp*, maghahanda na talaga ako. Pero teka....

"Eh, Harley, hindi pa naman kami eh."-ako

Ginulo naman niya ang buhok ko.

"Hahantong din kayo diyan. Hehehe."-Harley

Namula naman ako bigla. Sana nga.....

Ang saya ko at approve si Harley sakin para sa kapatid niya. Ang swerte ko. Sana, maamin ko na ang nararamdaman ko sa kanya.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon