Chapter 36: It's time to say sorry

598 32 2
                                    



Chapter 36: It's time to say sorry

Kirsten's POV

*sniff* nakakainis talaga si Harley. Bakit kasi inamin ko pa. Ayan tuloy nasaktan lang ako. Pero, mas mabuti ng sabihin ito, kesa sa itago lang ito. Mas mahirap kayang magmahal ng patago kasi patago ka rin kasing nasasaktan. Tsaka sabi nila, mas mabuti ng sabihin ang tunay mong nararamdaman kesa sa itago ito dahil baka lumalim pa ito't mas lalo pa akong masaktan.

Pero kahit namin inamin ko o hindi, nasaktan pa rin ako :'(

Ito ako ngayon sa kwarto ko, umiiyak. Eh sa nasaktan ako sa ginawa ko eh. Ang tanga tanga tanga tanga tanga ko kasi.

Pero bakit nga ba ako nagdadrama ngayon? Eh wala naman akong karapatan para gawin 'to? Tss...

Habang nagmumukmok, napatingin ako sa litrato na nasa mesa katabi ng kama ko. Kaming dalawa ni Harley. Valentines day namin 'to nung 2nd year kami. Nagselfie kami sa booth namin. Bad mood kasi siya nun kaya naisipan kong magselfie sa kanya para gumaan naman pakiramdam niya. Pero ganun pa rin mukha niya sa selfie. Hahaha, nakakatawa talaga niyang tignan.

(yan po ang pic na tinutukoy ni Kirsten ^_^ )

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(yan po ang pic na tinutukoy ni Kirsten ^_^ )

Hay, I miss this day.

Kinuha ko naman yung litrato sabay niyakap ito.

Bakit kasi nangyari pa yung kanina. Naiinis ako sa sarili ko gayon din kay Harley.

Nakarinig naman ako ng katok kaya napatingin ako sa pintuan.

"Ms Kirsten, may bisita po kayo."

Si yaya Rose pala.

"Sino po yan?" sigaw ko.

"Si sir Harley po."

O___________O

WHAT!???

Bakit siya nandito????

Sisigaw sana ako ulit na wag siyang papasukin nang unahan niya ako.

"Kausap po siya ngayon ni sir Ginshiro sa sala."

Anoooo!!!! Kausap niya ngayon si daddy!!!! Ano bang pinag-iisip ng gonggong na yun!!!

"Ah sige yaya, bababa lang ako."

Hayst! Pinababa pa ako ng Harley na yun. Kainis!

Inilagay ko naman ang litrato sa mesa then I wipe my tears. Tapos inayos ko naman ang sarili ko.

Bago ako umalis, tumingin muna ako sa salamin at kinausap ito.

"Kaya mo yan Kirsten. You're a strong girl. Fight!"

Binuksan ko naman ang pintuan at sumilip sa sala. Yung kwarto ko kasi malapit sa hagdan papuntang sala. Kaya makikita ko ang sala mula dito.

Narinig ko naman ang pinag-uusapan nila.

The three Idiots and the PrincessWhere stories live. Discover now