Chapter 18: "I love you"

791 28 1
                                    

Chapter 18: "I Love You"

Harley's POV

Katatapos lang naming apat magtanghalian sa canteen. Nauna na silang pumunta sa room kasi nag CR pa ako.

Pumasok na ako sa mens restroom at jumingle. Pagkatapos ay lumabas na ako nang biglang nagring ang cellphone ko.

Caller: Kirsten

Eh? Ba't naman siya tatawag. Eh nandito lang naman siya sa school.

Pinress ko na ang green button at inilagay ang cp sa tainga.

"Hel—"

(HARLEY!!!! NASAAN KA!!!??)

Grabe naman 'tong bunganga ni Kirsten, nakakabasag ng tenga. Dinaig pa ang tigre kung sumigaw.

"Ano ba, wag ka ngang sumigaw! Ba't mo naman tinatanong yan?"

(Ehh...magpapatulong sana ako sayong gumawa ng assignment ko sa Math. Nakalimutan ko kasing gumawa. Patay ako nito lalo na't pagkatapos ng lunch eh Math subject na natin.)

"Haayy. Yan kasi, nagfefacebook at twitter pa rin kahit gabi. Kaya nakakalimutan ang assignment."

(Hala. Hindi kaya. Hmmm....3 hours lang naman. Pero sana intindihin mo naman ako.)

Yan ang isang hobby na ayaw ko kay Kirsten. Ang pagfefacebook at pagtitwitter. Wala kasing makakapigil sa kanya kapag nagawa na niya ang gusto niya. Kainis talaga.

"Hay naku. Ewan ko sayo."

(Ehhh, Harley! Pleaseeeeeeee! Nasaan ka ba kasi. Hahanapin kita.)

Hala. Ayoko. Napapagod na akong mabulyawan lagi kasi raw mali ang answer para sa assignment niya kahit tama naman. -_-

"Ahh... ano.. N-nandito ako sa canteen. Tama, nasa canteen ako, nakaupong mag-isa."

LIAR. Hehe, sorry naman.

(Wag ka ngang magsinungaling! Nandito kaya ako ngayon sa canteen.)

"Umm....ano kasi. K-kakaalis ko lang doon."

(Ganun. Eh saan ka pumunta?)

"Sa....ummmm. Sa computer lab. Tama, nandito na ako ngayon sa computer lab. Wag ka ng pumunta dito kasi malayo ito sa canteen."

(Grabe ka talaga magsinungaling no. Kakaalis lang sa canteen, nakarating na agad sa computer room. Eh halos 15 minutes nga ang lalakarin mo mula dito hanggang doon eh.)

"Ehhh.... a-ano. Ummm....pupunta pa lang ako doon. Hehe."

(Umamin ka nga Harley kung ayaw mong tulungan akong maganswer ng assignment ko! Magsisinungaling ka na nga, halata pa.)

"A-ano! H-hindi ah. Ano ba ang pinagsasabi mo. Nalungkot nga ako kasi h-hindi kita kayang tulungan."

(Lokohin mo lelang mo. Ba't naman ako maniniwala sayo?!)

"Kasi.....gwapo ako?"

(Argh!! Ewan ko sayo. Kitang kita na nga kita, magsisinungaling ka pa!)

"H-h-ha?"

(Nandito kaya ako sa likod mo!)

*gulp*. Naku po, capital D-E-A-D. PATAY!!!!!

Napatalikod naman ako at nakita ko si Kirsten na nakapameywang habang ang isang kamay ay may hawak na cellphone na nakadikit sa tainga niya. Nasesense ko........ang NAKAKATAKOT niyang aura. Naku naman po!!!!

Napangiti na lang ako ng pilit sa kanya at tumawa.

"H-h-hello Kirsten. N-nandyan ka pala."-ako

"Papuntang computer lab pala ha!!"-Kirsten

The three Idiots and the PrincessWhere stories live. Discover now