TAEHYUNG IMAGINE

2.5K 108 42
                                    

Feel free to request SCENARIOS and IMAGINES.

Taehyung Imagine

Nasa labas ka na naghihintay kay Kim Taehyung, ang boyfriend mo. Sabi nya kasi pupunta daw sya sa bahay nyo at maglalaro kayong dalawa.

Childish si Taehyung. Pero iyun ang nagustuhan mo sa kanya.

Habang nagmumunimuni ka sa labas at nagpaplano ng gagawin nyo mamaya ni Taehyung, biglang tumunog yung phone mo.

From Dakilang Alien

Babe, papunta na ako. Bilang ka ng tatlo.

Kinilig na nanaman sa text ni Taehyung. Wala ka nang nagawa at nagbilang ka na.

1...2...3

Bigla naman lumitaw ang boyfriend mo na si Kim Taehyung sa harap mo at niyakap ka.

"Good Girl." Sabi nya sayo.

Hinila mo na sya sa loob ng bahay nyo. Wala ang kuya mo na si Namjoon kaya kayong dalawa lang ngayon.

"Anong naisip mo at bigla mong gustong pumunta dito? Magkasama lang tayo kahapon ah." Tanong mo sa kanya at umupo sa sofa.

"Ayaw mo ba akong makita?" Sabi nya at nilapit ang mukha nya sayo.

"Nako nga Taehyung." Sabi mo

Alam mong nagbublush ka nanaman kaya tumayo ka at nagpunta sa kusina.

Naramdaman mong sumusunod naman si Taehyung sayo.

Binuksan mo yung ref at nilabas yung cake na binigay ng bestfriend mong si Jin.

Nang nilapag mo na ito sa lamesa, nagulat ka ng binack-hug ka ni Taehyung.

Masyado syang sweet ngayon sayo. Dati kapag pumupunta sya sa bahay nyo, wala syang ginawa kundi asarin ka, wisikan ka ng tubig, o pahidan ng icing at icecream sa mukha.

Hinawakan mo yung kamay nya na nasa tyan mo. Nilagay nya naman ang baba nya sa balikat mo.

"Y/N" tawag nya sa pangalan mo.

"Saranghae" dagdag nya pa.

Tinanggal mo yung pagkakayakap nya sayo at humarap ka sa kanya.

"Nado saranghae" sabi mo at pinat yung ulo nya.

Di mo naiwasang kiligin sa inaasal nya ngayon.

Umupo na kayong dalawa para kumain ng cake. He took a slice at binigay sayo yun.

Sumubo ka ng cake at tumingin ka kay Taehyung. Nakatitig lang sya sayo.

"Di ka kakain?" Sabi mo at sumubo pa ulit.

"Masarap ba?" Tanong nya sayo.

Tumango ka nalang. Pupunasan mo sana yung icing sa bibig mo nang hawakan ni Taehyung yung kamay mo.

"Bakit?" Tanong mo sa kanya. Ngayon, kinakabahan ka na talaga sa kanya.

Nagulat ka bigla nang halikan ka ni Taehyung. At iyun ang First kiss mo. Sinisave mo yung kiss na yun para sa kasal nyo. Kung ikakasal man kayo.

Bigla kang tumakbo sa kwarto mo at iniwan si Taehyung sa kusina.

Di mo alam kung anong nangyayari sayo.

Umupo ka sa kama mo. Hindi jo alam kung kikiligin ka ba o magagalit.

'Hindi naman bad kisser si Tae.'

Bulong mo.

'Pero, hindi tama yun. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan, pero, UGH!"
Naguguluhan ka na talaga sa nangyayari sayo.

Bigla namang bumukas yung pinto mo. Tumingin ka at si Taehyung yun.

"Look, y/n, sorry." Sabi nya sayo. Bigla naman tumulo ang luha mo.

Ngayon mo lang kasi nakita si Taehyung ng ganito. Ngayon lang sya nagsorry sayo. Dahil ngayon lang din sya gumawa ng ganung bagay.

Lumapit sya sayo at niyakap ka.

"Sorry kung natakot kita." Sabi nya sayo.

Niyakap mo din sya at mas humigpit ang yakap nya sayo.

Hinalikan nya yung noo mo.

"Don't worry hindi ko na uulitin yun." Sabi nya sayo.

Speechless ka nalang ngayon.

"I'll be your last first." Sabi nya at ngumiti sayo.

Pinunasan nya yung luha mo.

"Wag nang umiyak. Baka pagalitan ako ng kuya mo." Napangiti ka sa kanya.

Hinila ka na nya sa baba at doon mo narealize na mahalaga pala si Taehyung sayo. Mas higit pa sa inaakala mo.

___

Okay! THIS IS A GIFT FOR YOU GUYS! COS WE REACHED 10K!!

감사합니다!!

사랑해!!

Bangtan Dictionary (COMPLETE)Where stories live. Discover now