Jungkook Imagine

216 9 0
                                    

Dedicated to: 

Jungkook Imagine

"Friend"

"Friend"

"Friend, tulong naman o."

"Y/N!" nagulat ka sa kaibigan mo na si Abby. "Kachat mo nanaman si Mr. Gwapo no?" sabi niya habang nilalapag ang mga kahon.

Tinutulungan ka kasi niya na mag-alis ng mga kalat sa kwarto mo. "Hindi a. Iba 'to!" pag-deny mo at tinago ang screen ng phone mo. "So, wala na kayo ni Mr. Gwapo?"

"Hindi. Di naman kami. Friend ko lang yun."

"Friend na kung friend. Pero di mo na siya kachat?"

"Ka-chat pero-" Inagaw niya ang phone sayo bago ka pa matapos magsalita. "MR. GWAPO!" Sigaw niya at tinakpan mo ang bibig niya dahil baka may makarinig.

Secret niyo lang ang tungkol sa chat. Si Mr. Gwapo ang matagal mo nang kachat sa "Secret Chat" Nicknames lang ag nakalagay doon at walag prfile pic.

Sa lahat ng nakkachat mo, wala ka pang naikita sa personal. At si Mr. Gwapo lang ang pinaka matagal. ISa rule ang bawal doon. Sabihin ang totoong pangalan.

* * *

Dumating na ang mga kaibigan mo na sina Jimin, Jungkook, Hoseok at Hyja sa bahay mo. Napag-usapan niyo kasing tumambay tambay muna.

Inilabas mo na yung mga pagkain at drinks at nilabas naman ni Abby ang mga board games since nagkakasundo kayo dito. Pumunta ka naman sa kwarto mo para kunin an Uno cards. Pag dating mo ay nilapag mo muna ang phone mo sa kama at kinuha ang Uno cards sa taas ng cabinet. Pagkatapos noon ay tumakbo ka na palabas.

"Woo! Si Jungkook may kachat nanaman!" sabi ni Hoseok habang hinihintay na tumira si Hyja sa Chess.

"Oo nga! Secret Chat pa!" sigaw naman ni Jimin habang kumukuha ng nachos.

Si Jungkook kasi, nakatigin lang sa phone niya. Kung ahas lang yung phone niya, malamang kanina pa tinuklaw yun.

"Oo nga. Gaya-gaya yan e." Pang-aasar mo dahil parehas kayo ng app na ginagamit.

"Bakit kasi parang problemado ka" Tanong ni Jimin. "Di kasi nagrereply e." Malumanay na sabi ni Jungkook.

"E kasi, tigilan mo mun yang phone mo. Tara maglaro tayong apat nitong Uno." pag-aaya mo sa kaniya. Nachat muna siya sa phone niya bago sumama sa inyo.

Habang naglalaro kayo, tahimik lang si Jungkook. "Hayyy" buntong hininga niya at sumandal sayo. He placed his head sa shoulders mo. Hindi ka makahinga ng maayos. Di naman sa naiilang ka, hindi ka na naginarte pa at hinayaan nalang si Jungkook dahil kaibigan mo naman siya. "Y/N, sana ikaw nalang si Ms. Pr-" "Y/N 2+ KA!" sabi ni Abby at tumawa.

"Ms Ano?" tanong mo sa kaniya pagkababa mo ng card. "Wala. Haha." sambit niya habang pumipili ng ibababa niyang card.

Nang tapos na kayong maglaro, tumaas kayo ni Abby para ibaba naman ang Monopoly. Kinuha mo na ang phone mo sa kama. At mabilis na bumaba.

Habang inaayos ng mga pera, tinignan mo muna ang phone mo.

Meron kang 14 messages galing ka Mr. Gwapo.

"Hi"

"My Ms. Pretty"

"MS. Pretty"

"Hello Y/N"

"Hi. Miss nakita"

"Sumagot ka naman"

"Busy ka ba?"

"Lowbat?"

"Y/N"

"Y/N..."

"Chat mo ako pag ol ka na a."

"Love you"

"Miss you"

"Laro muna ako. Ingat."

"WAAAAAAAAA!" tili ni Abby na nakita pala ang convo niyo. "Friends lang pala a."

"Ano yan? Sila na?" tanong ni Jimin. Hindi mo na ito pinansin at nagreply nalang:

'Ay sorry naglaro din ako kasama yung mga kaibigan ko. Nagalala ka ba? Haha Miss you too.'

"O Jungkook!, ikaw naman napangiti diyan." sabat ni Hoseok na kalaro parin si Hyja. "Sumagot na e." Sabi niya ng nakangiti. "Miss niya daw ako." Sa ni Jungkook nang kinikilig. "Patingin daw ako!" Binasa ni Jimin ang reply kay Jungkook. Ikaw naman na busy sa pagtatype ng irereply kay Mr. Gwapo.

'Ay sorry naglaro din ako kasama yung mga kaibigan ko. Nagalala ka ba? Haha Miss you too.'

Nagkatinginan kayo ni Abby. Kinabahan ka na sa sandaling marinig mo yon. Nagchat ka ulit. 'o bakit sineen mo lang ako?'

"O! Sineen mo daw siya! Sagutin mo! sabihin mo kinilig ka kasi." sabi ni Jimin na paramg siya yung kilig na kilig.

Nakatanggap ka ngayon ng reply. "Ay sorry. Kinilig kasi ako e."

"MR. GWAPO?" malakas na sabi mo. "O pano mo nalaman ang pangalan o? Inisstalk mo ba ako?" sabi ni Jungkook.

Pinakita mo sa kaniya ang screen ng phone mo. "ANO? IKAW SI MS. PRETTY?" sabi niya pabalik sayo.

Napapikit ka nalang nang ikiss ka niya sa lips. "Matagal ko nag gustong gawin sayo yan Ms. Pretty." namula ka sa sinabi niya. "All this time, lagi tayong magkasama pero tayo din pala yung magkachat araw-araw." Kinuha niya ang phone mo at inuninstall ang Secret Chat. "BAkit mo binura!?" paghimutok mo. "E bakit kailangan pa natin niyang kung di naman na secret yung identity natin? Love you." sabi niya sayo habang nakatitig sa mga mata mo.

"I love you too Mr. Gwapo."

"I love you more Ms. Pretty"

"Ops, Tama na yan. Nilalanggam na ako dito." Sabi ni Abby. "Tara Abby, Magsecret chat din tayo. Mr. Pogi nickname ko. Add mo ako a." pabirong sabi ni Jimin.

"I'm so happy kasi mahal ko na pala dati pa si Ms. Pretty."

"Ha?" naguluhan ka sa sinabi niya.

"Akala ko igigive up ko na si Ms. Pretty, kasi nainlove na ako sayo. Kaya masaya ako kasi iisa lang si Ms. Pretty at yung taong mahal ko. I love you Y/N"

_ _ _

Finding Ms. Pretty. Sino diyan si Ms. Pretty?

Bangtan Dictionary (COMPLETE)Where stories live. Discover now