#2 방단샐얘

969 42 22
                                    

#2 방단샐얘 Bangtan Serye

Nakaraan: Nagising ka sa bahay kasama ang pitong lalaking di mo alam kung may katinuan pang natitira sa kaisipan. Nagtaka ka kung paano ka napadpad sa bahay na iyon.

#2 방단샐얘


Flashback...

May pito kang lalaking nakitang naglalakad sa daan habang ikaw ay bumibili ng buko.

Lumapit ang mga ito sayo. Napatitig ka nalang dahil ang gugwapo nila.

Akala mo ay ikaw ang kakausapin nila pero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Akala mo ay ikaw ang kakausapin nila pero..

Jin: Magkano pa ang buko, gusto ko sa pink na cup.

Tindera: limang piso. Wala kaming pink na baso.

Jin: Hay. Wag tayo dito, pangit dito.

Umalis na sila. Pero dahil napaka-attractive ng mga lalaking iyon, sinundan mo sila.

Tindera: Hoy! Teka! Yung bayad mo!!

Narinig mong sigaw nung tindera kaya dumukot ka agad ng limang piso sa bulsa mo. Sa kasamaang palad, wala ka na palang pera dahil bumili ka ng isaw sa kabilang kanto.

Binalik mo yung buko at tumakbo dahil baka habulin ka nung babae.

Kakatakbo mo, may nabangga ka. Sa lakas ng impact tumaob ka at nawalan ng malay.

. . .

Nagising ka nang masakit ang ulo mo. Medyo blurred ang paningin mo kaya kinusot mo ang mata mo.

Noong umayos na ang paningin mo umupo sa sa higaan at nakita mo ang mga lalaking sinundan mo na nakaupo sa sofa na nasa harap mo.

Noong umayos na ang paningin mo umupo sa sa higaan at nakita mo ang mga lalaking sinundan mo na nakaupo sa sofa na nasa harap mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

V: Okay na kaya siya?

Bulong ng isang gwapong lalaki sa katabi niyang mukhang kabayo pero gwapo na nakakasilaw ang ngiti.

Hoseok: Sa tingin ko okay lang siya. Kung makatitig sakin akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo eh.

Tumayo ang mga ito at lumapit sayo. Iba ang feeling mo sa kanila. Parang matagal mo na silang kakilala pero ngayon mo lang sila nakita.

Namjoon: Okay ka lang miss?

Di ka makapagsalita.

Namjoon: Saan ka ba natatira?

Ayun lang. Wala ka nang maalala. Ang alam mo lang ay nasa hospital ka ngayon at di mo alam kung saan ka nakatira at kung sino ka.

You: H-hindi ko po alam.

Natawa sila lahat sayo.

V: Sabi na nga ba hyung eh, wala siyang maalala.

Namjoon: Bakit naman?

V: Eh ikaw ba naman ang mabangga sa malapad na balikat ni Jin, di ka mawawalan ng malay?

Jin: Hindi yun dahil sa balikat ko. Ang gwapo ko kasi masyado. Sa sobrng gwapo ko, nawala siya sa katinuan.

Pinanuod mo lang sila magtalo talo hanggang sa napansin mo ang isang lalaki na malaki ang ilong.

Jungkook: Jin hyung! Nakatingin siya sakin!

Nagulantang ka sa sigaw nito habang nakaturo siya sayo.

Jin: Teka? Asan si Jimin?

V: Baka nagmukmok nanaman dahil hindi siya pinapansin ni Kookie.

Jimin: Tulungan niyo naman ako dito!

Napalingon kayong lahat dahil pinagkakaguluhan ng mga nurse ang isang lalaki na singkit ang mata, maliit pero macho na tinatawag nilang Jimin.

Namjoon: Hayaan niyo nalang siya.

Humarap sayo itong gwapong lalaki na may dimples

Namjoon: Mabuti pa sa amin ka nalang muna. Haanggang malaman mo na kung saan ka nakatira.

Jin: Irereport nalang namin din sa pulis. Pero samin ka muna pansamantala.

END OF FLASHBACK

Hanggang ngayon ay hindi parin nalalaman kung saan ka nakatira. Ayaw mo nang malaman yun. Dahil masaya ka na sa pitong lalaking kasama mo ngayon na parang pamilya mo na rin. Yung pulis na pinagreportan nila ay hindi naman inasikaso ang kaso.

Hayaan mo na yun. At least alam na natin kung paano mo sila nakilala diba?

_ _ _

Ang tagal nang hindi naupdate itong BangtanSerye.

May nakamiss ba? Syempre wala. Hahahaha.

Bangtan Dictionary (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon