Jungkook Imagine

2.1K 104 44
                                    

Jungkook Imagine

Nasa kwarto ka. Nagmumukmok dahil nakipag-break sayo ang boyfriend mong si Jungkook. Este, Ex-boyfriend mo na pala sya.

Tumingin ka sa paligid mo at ngayon mo lang napansin na napakagulo pa ng kwarto mo dahil masyado kang depressed kahapon kaya binato mo lahat ng kaya mong ibato.

Nagsisi ka sa lahat ng nangyari. Dinampot mo yung teddy bear na regalo ni Jungkook sayo nung first anniversary nyo. Tumulo nanaman yung luha mo.

"Aish." Sabi mo at pinunasan yung luha mo.

Lumabas ka ng kwarto mo at nakita mo sa sala ang mga kapatid mo na nagkakaraoke.

Sakto pa, Love is not over ang kinakanta nila. Mas lalo kang nalungkot at nainis.

Napagpasyahan mo nalang na pumunta sa labas para maiwasan yung kanta na yun.

Naglakad ka nang naglakad para gumaan ng konti ang pakiramdam mo.

Masakit pa. Lalo na yung last words na iniwan ni Jungkook sayo.

"Ewan ko rin. Namamanhid na ata ako. Sa tingin ko wala nang patutunguhan to. Kalimutan mo na ako."

Paulit ulit yun na nasa isip mo. Lalo na yung mukha nya.

Mas lalo kang nainis. Ngayon, narealize mong dala mo pa yung teddy bear. Humigpit yung hawak mo doon.

Wala nang lumalabas na luha sa mata mo. Lahat na ata nalabas mo na.

Sakto naman, biglang umulan. Sa ngayon, wala kang nasisilungan.

Tumakbo ka hanggang sa makarating ka na sa park.

Doon, madaming nakasilong na couples.

Tumingin ka sa langit. "AAAAHHHH!" sigaw mo.

Ngayon, wala ka nang pakialam kahit ano pang isipin ng mga tao sayo.

Sobrang nasasaktan ka na eh.

Si Jungkook na yun eh. Magtwo years na sana kayo next week, kaso hindi iyun natuloy.

Wala ka namang maisip na dahilan kung bakit ka nya hiniwalayan.

"Jungkook!" Sigaw mo. Doon ba binuhos lahat ng galit at sakit na nararamdaman mo. Doon sa nagiisang pangalan na yun.

Bigla namang may yumakap sayo. Nagulat ka kaya tinignan mo kung sino yun.

At himala. Si Jungkook, ang ex mo. Umiiyak ito sa harap mo. Napaluhod ito kaya mas lalo kang napaiyak.

"Sorry y/n." Umiiyak nyang sabi sayo.

Tumayo sya at niyakap ka. "Sorry. May sakit ako." Nagulat ka sa sinabi nya.

"May sakit ako sa puso at last day ko na ngayon." Sabi nya at humagulgol kayong dalawa sa kakaiyak.

"Bakit ngayon mo lang sinabi! Iyun ba yung dahilan kung bakit--" hinalikan ka nya kaya di mo naituloy ang sinasabi mo.

"Mahal kita y/n. I love you. Sarangh--"

At iyun ang last words nya. Iyak ka ng iyak. Mas lalong lumakas ang ulan.

Nakahiga sya sa lap mo. Niyakap mo sya ng mahigpit.

Ni hindi mo nasabi sa kanya na mahal mo sya.

"Y/N!!" nagising ka mula sa isang panag-inip. At doon mo nalaman na panag-inip pala lahat yun.

"Anong nangyare sayo? Kanina mo pa sinasabi yung pangalan ko?" Sabi ni Jungkook, ang fiancè mo.

Niyakap mo sya. "Ang lamig mo babe." Sabi nya.

Mas niyakap ka nya ng mahigpit at shirtless pa sya kaya nawala ng konti yung lamig na nararamdaman mo.

Naiyak ka nalang bigla nang maalala mo lahat ng nangyari sa panag-inip mo.

"Masama nanaman panag-inip mo no?" Sabi nya at tumango ka nalang.

"Don't worry. Nandito lang ako." Sabi nya at hinalikan yung noo mo.

"I love you y/n" sabi nya at hinalikan ka sa lips.

"I love you too. Mahal din kita. Nado Saranghae." Hindi mo na pinalampas na sabihin ang mga salita na yun.

Hinalikan ka nya ulit sa pisngi, sa noo, at sa labi.

At doon, you feel na nasa panaginip ka. Isang magandang panaginip.

_ _ _

Eto na yung Jungkook Imagine Request!!

Hope u like it!! ♡♡

Bangtan Dictionary (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu