J-hope Imagine

1.9K 85 28
                                    


J-hope Imagine

"Y/N, anong gusto mong kanta?" Tanong sayo ni Hoseok. Ang long time bestfriend mo.

Yes! Bestfriend mo lang sya. May nararamdaman ka sa kanya pero hindi mo yun sinasabi. Baka kasi masira ang friendship nyo.

"I Need U." Sabi mo sa kanya at tinali ang buhok mo. Dahil alam mong aayain ka nyang sumayaw hanggang gabi.

Pinlay nya na yung I Need U at nakita mong sumayaw na sya.

"Y/N! Tara na dito!" Inaya ka na nya sa gitna ng practice room.

Sumayaw ka na din. Masaya naman dahil sya yung kasama mo.

"Asan nga ba yung iba?" Tanong mo sa kanya.

"Hayaan mo na sila. Andito naman ako." Sabi nya sayo.

Natapos na yung kanta. At napaupo ka nalang sa pagod.

Inabotan ka nya ng tubig at uminom ka na.

Pagkatapos mo uminom, kinuha nya yung tubig mo at uminom din doon.

"Oh?" Sabi mo. Nanibago ka kasi ngayon lang uminom si J-hope sa ininuman mo.

Pag-uminom ka sa tubig nya, ibibigay nya yun sayo kasi daw may dirty water mo na daw yun.

"Masama bang uminom?" sabi nya sayo. Napatitig ka nalang sa kanaya habang inuubos yung tubig.

Minsan mo lang syang titigan ng ganito.

"Matunaw ako nyan." Sabi nya at tumawa.

"Tara isa pa." Sabi nya at pinipilit ka naman nyang tumayo.

Pero humiga ka sa sahig para di ka nya mahila.

Pinikit mo yung mata mo. Pero nagulat ka nang hinahin ni Hoseok yung paa mo at hinila-hila ka sa loob ng practice room.

"Ya!! Hoseok! Ah!" Sigaw mo sa kanya pero di sya nakikinig sayo.

"Ano? Sasayaw tayo o ayaw mo?" Umiling ka at tumayo.

"Pagod na nga ako." Sabi mo sa kanya at bigla ka naman nyang binuhat.

Nakasabit ka ngayon sa balikat nya. Hinahampas hampas mo yung likod nya pero parang balewala lang yun sa kanya.

Tumigil ka dahil pagod na pagod kana. Pinikit mo yung mata mo dahil mukhang wala kang kawala kay Hoseok.

"Y/n. Y/n" tawag nya sa pangalan mo pero di ka kumikibo.

Hiniga ka nya sa sahig. "Hoy. Y/N" sabi nya sayo. Halata sa boses nya na nag-aalala sya sayo.

At naisip mo na this is the perfect time na iprank sya.

Hindi ka kumikibo tuwing tinatawag nya yung pangalan mo.

Bigla ka nya namang kiniliti sa tagiliran mo kaya di mo maiwasang matawa.

Pero nagulat ka nang bigla ka nyang halikan sa labi.

Nanlaki ang mata mo sa ginawa nya.

He scratched his neck at smirked.

Hiniga ka nya sa sahig. At ngayon naka patong sya sayo.

Alam mong namumula ka na kaya tinakpan mo yung mukha mo.

Ngayon ka lang nakakita ng Hoseok ka ganito.

"HAHAHAHA!" He laughed out loud.

"Tangina mo Hoseok" Sabi mo sa kanya at tumayo.

"May respeto ako sa bespren ko. Wag kang ganyan. Bakit? Gusto mo no!!" Humalakhak pa sya.

Bigla ka tuloy nahiya sa kanya. "Aish" sabi mo.

Lalabas ka na sana ng practice room pero pinigilan ka ni Hoseok.

"Y/N, sorry na. Eto naman, binibiro lang kita eh." Sabi nya sayo at niyakap ka patalikod.

"Palagi ka namang nagbibiro Hoseok eh." Sabi mo sa kanya at tinatry mong tanggalin ang pagkakayakap nya sayo.

"Hindi ah. Seryoso ako sayo." Nagulat ka naman sa sinabi nya.

"Y/N. Mahal kita." Tinanggal nya ang pagkakayakap nya sayo.

"Hahaha!! Ayus yung joke mo ah! Benta sa akin yun!!" Sabi mo at tumawa.

"Seryoso ako. Mahal kita." Inulit nya ulit. This time, talagang seryoso na talaga ang mukha nya.

"Di nga." Ayaw mo parin maniwala.

Hinalikan ka nya.

O.o

"Ayan. Naniwala ka na?" Tumango ka nalang pero gulat ka parin.

"Sa totoo nyan Hoseok, ma-" tinakpan sya yung bibig mo.

"Di mo na kailangan sabihin. Matagal ko nang alam." Sabi nya sayo at ngumiti.

"Sino nagsabi sayo?" Tanong mo.

"Si Jungkook." Bigla namang naginit ang dugo mo kay Jungkook.

Ang daldal talaga nun. Aish.

Sabi mo sa isip mo.

"Tara na." Sabi nya at hinila ka.

"San tayo pupunta?" Tanong mo.

"Ipapakilala kita sa kanila." Sabi nya sayo at hinalikan ka sa pisngi.

"Kilala na nila ako diba?" Kunot noo mong sabi,

"Si y/n, kilala nila. Yung girlfriend ko, hindi pa." Naguluhan ka naman kay Hoseok.

"Osige. Tara na nga. Para magantihan ko din si Jungkook." >:)

"Love you." Bulong nya sayo.

"Love u too." Kinikilig mong sinabi sa kanya.

_ _ _

Eto na yung J-hope Imagine Request.

Bangtan Dictionary (COMPLETE)Where stories live. Discover now