Chapter 5 -- Let Go And Let Live

22 0 0
                                    

Nag su-surf lang sa laptop niya si Carlisle. Nasa sala lang siya nang makita niyang bumaba si GK na bihis na bihis.


“It’s weekend ah. May lakad ka?”


Obvious ba? Duh! “Hang out with a friend.”


“Friend? So, isa lang? Mount Valley friend?”



“No, the other school.”


“Ah, sa MaryXavier. Is it the guys with you yesterday?” Tumango si GK. “Which one?”




“Jared.”


“Ah, the cute one.” Tsaka niya inalala ang mukha ni Jared. Napapangiti tuloy siya. Humarap na siya muli sa laptop niya.


“And why the hell are you smiling?”


“Masaya lang ako, kasi kahit papano marunong ka ng mag enjoy after 3 years. I guess your changing a bit.” Ini-snob lang siya ni Gk. “Enjoy.” Pahabol na sabi niya dito bago tuluyang umalis ang kanyang Ate.


Nagpunta ng mall sina Jared at GK. Actually si Jared ang nagyaya umoo naman itong si Gk, ibig sabihin gusto niya rin. I don’t know if it’s a date. Basta ang alam ng dalawa masaya sila.


Kumain sila, naglaro sa quantum at kung ano-ano pa. They are really enjoying each other’s company.


After nilang mag mall, pumunta naman sila sa Park. Pinanood nilang maglaro ang mga bata sa play ground. Marami ding couples ang nag de-date do'n. Sa may fountain ng park sila nakaupo habang kumakain ng ice cream.


“Favorite mo ba ang ice cream?” Tanong ni Jared.


“Sino ba naman ang hindi diba?" Huminto siya sa pagkain ng ice cream nang mapansing nakatitig sa kanya si Jared. “And why the hell are you staring at me?” Please stop! I'm melting like this ice cream.


“Masaya lang ako, kasi masaya ka. Nabanggit mo sa'kin dati na kahit kailan hindi kana magiging masaya.”


Napayuko ng bahagya si Gk. “Yun ang paniniwala ko noon na hindi nako magiging masaya after of what happened. But everything changed---- when I met you.” She looked straight to Jared’s eyes. “You really make me happy.”


“Hindi. Ikaw ang nagpapasaya sa’kin.” He smile. “Kahit ngayon lang halos tayo naging close, pakiramdam ko matagal na kitang kilala.”


Oh no! another cheesy scene. I hate this. Please change the topic urgent. “Uhm … ah.. Why don’t you tell me something about you? Lagi na lang ako ang iniinterview mo eh.” Pagkatapos niyang kumain ng ice cream, pinag laruan naman niya ang tubig sa fountain.



“Nakilala mo na ang pamilya ko, si Nanay, si Jaimie at si Jake.”


“Ang Daddy mo?”


Napayuko si Jared sa tanong ni Gk. “Matagal na niya kaming iniwan. Ayun sumama sa ibang babae.”


“Sorry. Mabuti pa lang hindi na lang ako nag tanong.”



“Ayos lang, sanay na din naman kami na wala siya at masaya kami.”



Nakaramdam na naman ng inggit si GK sa tinuran ni Jared. Gusto niya ding maging masaya sila ng kanyang pamilya. Pero hindi eh. “Naiinggit nga ako sa inyo eh, even if in the short time I stayed at your house, I really witnessed kung ga'no kayo kasaya. And that was something na wala kami.”


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon