EPILOGUE

42 1 0
                                    

Pagkatapos ng ilang taong pagsisikap at paghihirap finally suot ko na rin ang damit na ito. Ang tagal ko 'tong hinintay. Sa wakas dumating rin ang araw na ito. Alam ko proud sa'kin si Mommy. Siya ang mag hahatid sa'kin, siya ang mag ma-martsa sa'kin. Maglalakad kami sa gitna ng mga tao at siyempre nag hihintay na sa akin si Jared sa harap. Ang taong pinaka mamahal ko at nagbigay ulit sa'kin ng buhay. Ang taong gusto kong makasama habang buhay.


Nang makadating na sila sa kanilang paroroonan. "Tita, mano po." Nag bless si Jared sa Mommy ni GK.



"God bless, hijo." Ganting sabi naman nito.


Binalik na ni Jared ang tingin sa pinaka mamahal na si GK. "Mas lalo kang gumanda ngayon."


"Lalo ka din gumwapo ngayon sa suot mo." She smile.


Ilang sandali lang at nagsimula na ang ceremony. Siyempre nando'n rin sina Mart, Miggy, Veronica, Lian at iba pa.


Walang pagsidlan ng galak ang Pamilya nina GK at Jared, dahil sa wakas dumating na rin ang araw na ito para sa kanila na matagal din nilang hinintay. Pagkatapos nito mas matitinding pagsubok pa sa buhay ang pagdadaanan pa nila.



After the ceremony, nagyakapan sina GK at Jared. Sumali na din sina Mart at nag group hug silang lahat.


Bigla na lang hinagis ni Mart ang kanyang sombrero sabay sigaw ng, "Yessss, finally graduate na tayo. Wooohoooo!" Inihagis na rin nina Gk ang kani-kanilang graduation cap at nag hiyawan.


Nilapitan ni GK ang kanyang Pamilya. "Congratulations." Sabay na sabi ni Mrs. Diorama at ni Carlisle tsaka na sila nag yakapan na tatlo.


After that nag pa picture pa sina GK at Jared, then sumali na din sa picturan sina Mart. Iba't ibang pose. May seryoso, may wacky at kung ano-ano pa.


Niyakap na lang bigla ni Gk si Jared nang mahigpit. "Salamat. Dahil sa'yo baka hindi ako naka graduate. Kung hindi dahil sa'yo baka hanggang ngayon palipat-lipat ako ng University at rebelde pa rin na magulo ang buhay. Buti pala dito ako dinala ni Mommy, Oh! Let me just rephrase it, my heart brought me here, my heart brought me to you."


"Tinulungan mo din naman ang sarili mo para marating mo kung anong narating mo ngayon. Naging instrumento lang ako para ma realized mo ang mga kamalian mo at siyempre sa bandang huli nagbago ka para sa sarili mo at sa mga taong mahal mo."


"Wala na talaga akong mahihiling pa sa buhay ko. Masaya kami ng Pamilya ko plus my bonus pa, IKAW. You're a part of my life and always will be. I love you, love you, love you so much, Cervantes."


"Mas mahal kita, Gothica Diorama." Sabay yakap sa kanyang girlfriend.


My sweet Jesus, salamat at naging maayos na lahat sa buhay ko. Yun lang naman ang hiniling ko pero binigay Mo pa ng sobra-sobra. Dinagdag Mo pa si Jared and I'am so much thankful for that. Bukod sa pamilya ko, si Jared ngayon ang buhay ko at nagbibigay ng lakas sa akin. Please, sana siya na lang habang buhay ang makakasama ko. Alam ko naman hindi Niyo po ako bibiguin kasi alam ko nakikita Niyong masayang masaya ako sa kanya. Ayoko na pong maging misreble ulit. Ayoko na. Siya ang nag iisang kaligayahan ko. Hinawakan niya ang kamay ni Jared.


Lord, salamat po at pinakilala Niyo po sa akin ang babaeng babago sa buhay ko. Ang babaeng hindi ko inaakalang mamahalin ko ng sobra. Ang babaeng nagturo sa'kin kung pa'no masaktan at kung pa'no mag tiwala ulit. Siya, at siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Bukod sa pamilya ko siya po ngayon ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko, kung bakit abot hanggang tainga ang ngiti ko at kung bakit nabubuhay pa'ko hanggang ngayon. Siya lang ang nag iisang babaeng mamahalin ko habang buhay. Siya lang at wala ng iba.


Dinampi ni Jared ang kanyang mga labi sa labi ni GK at nagyakapan ulit sila. Yakap na hinding hindi na nila bibitawan ang isa't-isa kahit ano pa man ang mangyari.


-----

Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon