Chapter 9 -- The Jealous Guy

17 0 0
                                    

Since the day na officially on na ang dalawa ay para na silang linta na hindi mapag hiwalay. Kumalat na din sa buong MaryXavier na sila na nga. Walang mapagsidlan ng kaligayahan ang dalawa na sa wakas ay pareho din pala sila ng nararamdaman.


Ayaw nang isipin ni GK ang mga sinabi sa kanya ni Veronica dahil sigurado siya gumawa lang talaga ito ng kwento para tuluyang siraan sa kanya si Jared. Simula ngayon hindi na'ko maniniwala sa babaeng yon, at sa'yo na lang ako maniniwala, Jared. Ayaw na ring isipin pa ni Gk ang ibang problema niya especially ang problema niya sa kanyang Ina, basta ang mahalaga ngayon ay masaya siya sa piling ni Jared.


Saturday
Infinity hotel
1:00 pm

Nanonood lang ng tv si Gk sa kwarto niya. Wala naman kasi silang usapan ni Jared na magkikita sila ngayon. Hindi pa din naman ito tumawag sa kanya. Nang may nag doorbell, dali dali siyang nagtungo sa pintuan at binuksan ito.


"Na miss kita."


"Jared?" Pinapasok niya ito sa loob. "Ang O.A mo ah. Nagkita pa lang tayo kahapon eh. Tsaka ano bang ginagawa mo dito?"


"Na miss kasi agad kita eh. Ayaw mo bang nandito ako?"


"Hindi naman sa ayaw. Ah basta. Anyway what do you want? Coffee? Juice?" Alok ni Gk sa boyfriend.


"Ikaw ang gusto ko." Mabilis naman na sagot nitong si Jared. Tsaka niya niyakap ang girlfriend at pinag hahalikan sa pisngi.


"Jared, stop it. Mag aamoy laway ako sa ginagawa mo eh." Suway niya dito.


"Ayos lang. Para wala ng ibang lalake ang magtangkang humalik sa'yo." Hinalikan naman niya ito sa noo.


"Baliw ka talaga."


Buong araw do'n lang sila sa loob ng tinutuluyan ni Gk. Nag movie marathon. Pinarinig din ni Gk ang mga favorite songs niya at pinapanood yung mga Music video ng mga favorite bands niya. Kahit na hindi maka relate itong si Jared ayos lang, basta masaya lang itong si Gk mag e-enjoy na din siya. Halos mabasag ata ang eardrums ni Jared pagkatpos panoorin at pakinggan ang mga Music Video na yun. Halos lahat kasi scream. At the end nag enjoy din naman silang dalawa.


Buong weekends na magkasama ang dalawa. Namasyal, nag food trip, kung ano-ano pang trip ang ginawa nila. Kapag kasama ni GK si Jared, nawawala ang problema niya. Sa totoo lang, okay na siya sa ganito; tila wala na din siyang balak na umuwi pa sa kanila. Kahit na kinukulit pa siya ng kanyang kapatid, ayaw pa rin niya.


Hanggang pagdating nag weekdays sila pa ring dalawa ang magkasama. As usual. Hindi na nga talaga sila mapag hiwalay. Nakaupo sila sa favorite spot nila, sa ilalim ng puno.


Nakatitig lang itong si GK kay Jared. "Hindi ka na man pala masyadong gwapo eh." Asar niya kay Jared.


"Ano'ng sabi mo? Hindi ako ganon ka gwapo? Malabo na ba ang mga mata mo?" Natatawa lang itong si Gk. "Halos lahat yata ng mga babae dito sa MaryXavier ay may gusto sa'kin."


"Ah malamang sila ang malabo ang mata."


"Ayaw mo pang aminin pero ang totoo na ga-gwapuhan ka rin sakin eh."



"Ang kapal ng mukha mo. Hindi no."


"Ayos lang kahit hindi ako ka gwapo sa'yo, at least ako naman ang mahal mo." He smiles. Sabay akbay kay Gk.


"Lahat talaga ng negative nagagawa mong positive no? I guess that's one of the qualities I liked about you. Positive thinker."


"Positivity attracts good vibes, attracts good karma. Kaya ayan, ikaw ang good karma ko."


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon