Chapter 3 (best buds)

5.6K 41 0
                                    

Crissy’s POV

Alam kong ginagamit lang ako ni Kirby para sa revenge niya, but I’m willing to be his tool para makamit ng mother niya ang justice. His mom deserve that justice, kung ako man ang nasa kalagayan ngayon ng mama niya, siguro matagal na kong patay. 

Anyways andito na ko ngayon sa classroom ko, prof ko ngayon yung baklang si Francis. I don’t know kung pano ko siya magiging kaibigan dahil ayoko sa aura niya.

“hi Crissy” malanding bati sakin ng seat mate kong si Edgar, patay na patay sakin to to the point na nagpalipat siya ng klase para sakin.

“hello” walang ganang sabi ko sakanya

Lumipas ang oras na lumulutang ang isip ko, pinag-iisipan ko ng maigi kung pano ko ba kakaibiganin ang baklang propesor ko.

“okay class dismiss” sabi ng baklang nasa harapan ko ngayon

“shit!!” sigaw ko pagkalabas ng lahat ng tao sa room, hindi ko man lang siya nakausap, patay kang bata ka.

Agad naman akong tumayo at dali-daling lumbas ng room. Tatakbo na sana ko para habulin si bakla

“kyaaahh!!!”

“so gwapo!!!”

“shit diba siya yung commercial model?”

Panay tiliin ang narinig ko pagkalabas ng room, at dahil nakarinig ako ng gwapo sinilip ko naman yun, pinuntahan ko kung saan nanggagaling ang tiliang narinig ko.

“anong meron dito?” tanong ko sa babaeng katabi ko, pero shit lang snob much??

“tsk!!” hinawi ko ang mga tao sa dinadaanan ko, pilit kong pinupuntahan ang gwapong pinagkakaguluhan nila.

And shit lang, sana pala hindi na ko pumunta dito.

“panget!!!” sigaw nung gwapo este nung halimaw na pinagkakaguluhan nila, lahat naman ng tao ay napatingin sakin

“ginagawa mo ditong panget ka?” inis na sabi ko

“well masama bang mamiss ko ang sister ko” sabay akbay sakin ng napaka panget kong kuya. Yeah right!! Si kuya Christian ang pinagkakaguluhan nila. Urgh!!!

Pumunta kami ni kuya sa may garden

“bakit ka nandito?” inis na tanong ko

“well, may task din ako kagaya mo” sabi niya sabay abot ng envelope na hawak niya sakin

Sinilip ko naman yon, and boom!! Isang magandang babae ang tumambad sakin

“sino to?” tanong ko habang isa-isang tinitignan ang pictures na hawak ko

“Tania Grace Reyes” sagot niya

“nababasa ko, anong meron dito?” inis na sabi ko, binasa ko yung bio nung Tania girl, anong task niya?

“I need to make her fall in love with me, anak yan nung isa sa rapist ng mama ni Kirby” sagot niya naman sakin, tumango lang ako at pinagmasdan ang litratong hawak ko.

Talagang disidido si Kirby sa paghihiganti niya, kami bilang kaibigan niya. Ako si kuya at si Aki ay handang tulungan siya. Wala man tong kapalit okay lang. Pero syempre hindi ako papayag nu, I want him again kahit one week lang okay lang.

“pano naman?” tanong ko pagka-upo ko sa tabi niya

“di ko pa alam, tanging sabi niya mag-aral daw din ako dito tas kunin ko subjects niyang Tania na yan” sabay kagat niya ng burger niya

“anong kapalit?” sabay kuha ko ng burgar niya at kumagat doon

“her body of course” inagaw niya ulit ang burger sakin at kumagat ng malaki don

Hot Revenge (On Hold)Where stories live. Discover now