Chapter 32 ( death and changes )

1.3K 20 5
                                    

Chapter 32 ( death and changes )

Aki's POV

Pumatay ng tao? Hindi na bago samin yan ni Ayase dahil eto ang kinalakhan namin, ang pumatay. Pero hindi kami basta pumapatay ng tao, hindi mabilisang kamatayan ang hinahandog namin sa mga pinapaslang namin. At hindi kami pumapatay ng dahil lang sa gusto namin.

Pumapatay kami dahil sa kailangan naming pumatay. Illegal oo, pero ang tanging kinabubuhay ng buong angkan na pinagkakabilangan namin.

Ipinangako ko noon saking sarili na hindi na muling papaslang pa matapos ang kauna-unahang trabaho ko. Hindi kaya ng sikmura ko ang ganitong pamumuhay, kaya naman tumakas ako noon. Hindi ko pinakasalan si Ayase dahil buong akala ko'y makakatakas na ko sa ganitong uri ng pamumuhay.

Pero mali ako, dahil mula ng makilala ko si Kirby. Pagpatay at paghihiganti ang tanging nasa sistema naming magkakaibigan ngayon.

"Aki sigurado ka ba dito?" napatingin ako sa rare mirror ng aking sasakyan. Kasalukuyang tinitignan nila Ayase at Hiro ang larawan ni Francis. Ang unang tao sa listahan ni Kirby.

"oo"

"oh sige kami ng bahala dito"

"si Crissy andyan pa ata, wag niyong hayaang madamay siya dito" tumango naman silang dalawa bilang sagot at tuluyan ng lumabas ng sasakyan.

Napabuntong hininga nalang ako ng malakas ng makalabas silang dalawa. Si Kirby hindi ko alam kung anong plano niya, hindi ko alam kung anong nasa utak niya sa ngayon. Wala akong ideya kung anong ipapagawa niya samin sa mga susunod na araw. Pero isa lang ang alam ko, hinding hindi niya hahayaang magpakalat kalat ang mga walang hiyang lalaking iyon.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng makita kong papalakad papunta si Crissy sa dereksyon ko. Hudyat na sinasagawa na nila Ayase ang utos ko.

"gago kayo!! bakit naman di niyo ko ininform!!" sigaw ni Crissy pagkapasok siya ng sasakyan ko

"easy missy, akala ko naman nakuha mo na yun ng makita mo si Ayase" nginisihan ko lang siya bago sumandal

"hindi pa ba tayo aalis?" inis na sabi niya sakin

"easy, wait ka lang" at nanahimik na siya

Maya-maya pa'y bumalik na sina Ayase sa sasakyan

"all set" sabi ni Hiro bago nila hubarin ang kanilang mga costume

"hoy kayo anong ginawa niyo? Pinatay niyo na ba?"

"malalaman mo din" tanging sagot ko

lang bago tuluyang paandarin ang sasakyan

Patayin ang baklang yun? Oo nasa plano yun, but not now. Hindi niya pa nararansan ang hirap ng buhay. Hindi isang madaling kamatayan ang ibibigay ko sakanya. Dahil nagsisimula palang kami, lasapin nila ang lahat ng hirap ni tita bago sila tuluyang mabura sa mundong ito.

Someome's POV

Wala na siya, patay na siya. Wala na si Ella, hindi ko ginusto ang mga pangyayari. Gusto ko lang mamuhay ng normal, ng simple, ng walang problema. Akala ko magiging maayos na ang lahat oras na malaman ng pamilya niyang wala na siya.

Pero ngayong kumikilos na ang anak niya para maghiganti, hindi ko na alam pa kung hanggang kailan ko kayang itago ang sarili ko. Hindi ko na alam

pa kung kaya ko pa bang harapin ang susunod na mga araw kung alam kong nakalubog na sa libingan ang isang paa ko.

Dahil oras na malaman ni Kirby ang lahat, marameng magbabago, marameng madadamay, at higit sa lahat, may mamatay.

AN: sorr po sa mga typos and everything, naka mobile lang po kasi ko

Hot Revenge (On Hold)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن