Chapter 30 ( Let out the Beast )

1.6K 32 5
                                    

Chapter 30

Aki's POv

Nagawan naming pribado ang burol ni tita Ella, sa sobrang pribado nito ay walang Rivera ang dumalo ni mga ktrabaho ni Kirby ay hindi nagsidaluhan. Mangilan ngilang tao lang ang nakadalo sa burol ni tita, at ngayon ay ang araw ng kanyang libing.

Kagaya ng sa burol, mangilan lang ang kasama namin sa libing. Mga taong nakilala ni tita matapos niyang manganak, mangilang ktrabho ni tito at mga dati kaklase at kaskwela.

Mula nung burol hanggang ngayong libing ay walang sino man ang nakakita na lumuha man lang si Kirby, ni magsalita ay di niya din ginawa. Bagay na kinatatakot naming tatlo nila Ian.

Dumalo din ang magkakapatid na Reyes, literal na magkakapatid dahil kasama din nila Bryan at Tania si Nathallie. Laking pasasalamat na nga lang namin na hindi na sumama pa si Travess ni sa burol o libing, dahil kung nagkataon ay bulilyaso ang lahat ng plano ni Kirby.

Nagsialisan na ang mga taong nakiramay sa libing ni tita, tanging kaming magkakaibigan at si tito nalang ang natitira dito.

Imbes na si Crissy ang magpatahan kay Kirby ay siya pang pinatatahan nito. Pasalamat talaga kami na kahit papano ay kinikibo kami ni Kirby, dahil nakakatakot talaga kung hindi.

Isang oras ang nakalipas mula ng ilibing si tita ay nakatanaw parin si Kirby sa puntod nito, walang nakakaalam kung anong susunod niyang gagawin, walang nakakaalam kung anong nasa isip ngayon ng isang Kirby Dhale dela Cruz. Wala sino man.

"pre una na kami" paalam

ni Bryan sakin

"sige pre ingat kayo, salamt sa pagpunta" tumango naman ito bilang sagot, sabay sabay ng umalis ang tatlong Rivera habang ako at ang magkapatid na Sy ay di maiwan si Kirby na wala paring kahit anong sinasabi

"ijo mauna na ko, marame pa kong aasikasuhin" paalam ni tito kay Kirby, tumango naman ito kay tito

Ilang minuto nang makaalis si tito ay humarap samin si Kirby

" Lets start with Francis" derecho at madiin na sabi ni Kirby samin, napatango nalang kami bilang sagot.

Kita mo sa mga mata nito ang galit, galit sa mga taong dahilan ng pagkamatay ng pinaka mamahal niyang ina, galit sa mga taong walang habas na ginahasa ang kanyang ina. Walang sino sino, walang kadugo kadugo, walang anu-ano, lahat ng kumanti kay tita Ella ay tiyak na magdurusa sa kamay ni Kirby

3rd Person's POV

"madame hindi po ba kayo bababa?" tanong ng isang middle age man driver sakanyang amo, umiling naman ito bilang tugon sakanya

Kahit kaya pa nilang makapasok sa burol ay di nila ginawa, kahit na pupwese silang dumalo sa libing ay di nila ginawa. Mula sa malayo ay tinanaw ng mag-asawang Rivera ang lahat ng kaganapan mula sa burol hanggang sa libing ng anak. Tila ba wala silang karapatan upang tignan man lang ang anak na hindi man lang nila nagawang hanapin. Puno ng hinagpis ang puso ng mag-asawang Rivera, buong akala nila ay matagal ng patay ang anak, ngunit hindi pala. Kamamatay lamang nito sa sakit na nakuha niya sa walang habas na panggagahasa sakanya. Hindi nila alam ang detalye, tanging ang kompurmasyong anak nila ang nilibing ang tanging impormasyong alam nila.

Mula ng makita ng ginang si Kirby sa party noon ay malakas na ang kutob nitonf buhay ang nag-iisang anak. Ngunit huli na ang lahat, wala na ang anak nilang matagal na nilang imaasam na makasama. Sa ngayon tanging pagsubaybay nalang sa apong si Kirby ang kanilang magagawa, pagsubaybay sa kung ano ang gagawin nito matapos ang lahat.

Walang kaalam alam ang mag-asawa hinggil sa pagiging isng rape victim ng kanilang unica ija, ang alam lang nila ay namatay ito sa sakit. Gustuhin mang kunin ang apo at makasama ito ay di nila magawa, dahil para sakanila wala silang karapatan

"uwi na tayo" at tuluyan na nga nilang nilisan ang lugar ng pinaglibingan sa anak

Kirby's POV

Magpakasaya na kayong mga walanghiya kayo, oras na gumalaw ako dugo ang iluluha niyo

Wala kong oras para ipakita sa mga tao kung gano ko nasasaktan sa pagkamatay ng aking ina, wala kong oras para makipag-usap sa kahit sino, wala kobg oras para mag-isip ng kung anu-ano. Tanging paghihiganti para saking ina ang tanging nasa utak ko ngayon. Wala ng iba pa.

Simula ng ipinanganak ako sa mundong ibabaw, paghihiganti na ang aking misyon. Paghihiganti para saking ina, paghihiganti sa mga hayop na bumaboy sakanya. Ngayong wala na si mama, wala ng dahilan para hindi ko isagawa ang lahat ng plano ko.

Iisa-isahin ko kayo, pagbabayaran niyo ng triple ang kahayupang ginawa niyo, kaya ngayon palang, tawagin niyo na ang lahat ng santong kilala niyo, dahil ako si Kirby Dhale Rivera dela Cruz ay sisimulan na ang aking Hot Revenge

AN: sorry po sa sobrang late UD, mahaba haba pa pong biyahe tong HR, sana maantay niyo pa :)))

Hot Revenge (On Hold)Where stories live. Discover now