Chapter 6 (Rivera Clan)

4.9K 31 1
                                    

A/N: bago tayo tumuloy, I have some clarifications lang po

        Edrick and Ella are not cousins in blood, dahil hindi po anak ni Steve si Edrick sa tita ni Ella. Paki basa po ang TLako chapter 4-6 andon po yun

            Francis po ang name ng baklang best friend ni Ella, originally Jason ang pinangaln ko sakanya sa TLako, but I forgot na may name na pala siya, kaya ginawa ko siyang Francis

            About sa age nila, sorry nagulo ko din e, Ian, Aki, and Kirby ay nasa 20 na

            Si Crissy ay 19 yrs old na, I don’t really promote teen-age sex in my stories aside from my one shots kaya binago ko age nila. Sa FPF naman 18 naman si Maybeleen diba so hindi na siya minor de edad. Basta sa one shots ko lang gagamitin ang mga minor de edad :))

            So sa mga fresh reader dyan ng TLako, kung may napansin man po kayong inconsistency sa gawa ko, please notify me po.

 . . . . . . . . . . . .

Kirby’s POV

“saan ka pupunta Dhale?” napaharap ako, si mama pala, sobrang payat niya na ngayon, at kokonti nalang din ang buhok niya

“ma, dyan lang may aatendan akong debut” pagdadahilan ko, syempre ayokong sabihing pupunta ko sa Hotel ng mga Rivera nu

“sige mag-iingat ka, kasama mo ba sina Aki?” tanong niya sakin, nagtataka siguro kayo kung bakit mabait na sakin si mama. Naging ganyan siya sakin mula ng malaman naming may sakit siya

“hindi po ma, hindi po nila kakilala yung may kaarawan” sagot ko sakanya, kumiss na ko sa pisngi niya at nagsimula ng maglakad

“mag-iingat ka Dhale, I know what you are doing” napaharap ako sakanya, ngumiti lang siya saakin ng pilit at bumalik na sa panonood ng TV

“don’t make your mom more stressed Dhale” paalala ni tatay Kevin sakin ng buksan ko ang pinto ng kotse, tumango lang ako sakanya at pumasok na sa loob ng kotse ko

Kahit ano pang sabihihn nila mama at tatay Kevin sakin ay walang makapagbabago ng isip ko. I’ll make their life a living hell. Hindi pa sapat ang ipararanas ko sakanila sa naranasang hirap ni mama.

Makalipas ang halos isang oras na byahe ko y nakrating na din ako sa hotel na pagmamay-ari ng mga magulang ni mama. Ang “Rivera Hotel” na alam kong nakapangalan kay mama.

Ang pinagtataka ko talaga ay kung bakit walang ideya ang lolo’t lola ko sa nangyari kay mama. Kaya nga kinakailangan kong mapalapit sa mag-amang Steve at Edrick. Sila lang ang susi para matuklasan ko ang lahat.

“good evening sir, may invitation ka po ba?” tanong sakin nung nagassist, nilabas ko naman ang invitation ko na hindi ko alam kung pano nakuha ni Aki

Pinapasok naman agad ako ng staff doon sa party area. Madameng tao sa loob, halata mong mayayaman ang mga to.

Nagmasid masid muna ko don, inalala ko ang lahat ng photos and infos na binigay sakin ni Aki. Andon sa binigay niya sakin ang lahat ng kamag-anak ni mama na dapat kong kilatisin.

“excuse me” napatingin naman ako sa babaeng kumalbit sakin

“Clara nga pala from Lee clan, and you are?” pagpapakilala niya sakin

“Kirby dela Cruz, representative ng Kazama clan” inabot ko naman ang kamay niya at nakipag shake hands

Ang bilin sakin ni Aki ay magpakilala ako bilang representative ng Kazama clan which happened to be his clan. Atisa pang bilin niya ay makipagkilala at makipagkaibigan daw ako sa mga tao ditto ng makakuha ako ng maraming inpormasyon.

Hot Revenge (On Hold)Where stories live. Discover now