Chapter 24 (getting there)

3.3K 30 5
                                    

Chapter 24 (getting there)

Nathallie’s POV

“here, you may stay here Nath” tumango naman ako bilang sagot, sa totoo lang naiirita kong nakikita tong pagmumuka nitong Tania na to, masyado siyang pa good girl. Pagkaalis ni Tania ay humiga na ko sa kama.

Grabe kanina, gusto kong humalakhak ng malakas, napaka epic ng pagmumuka nung Travess na yun, para siyang nakakita ng multo. Alam kong sa ngayon may ideya na siya kung sino ko, at yung Bryan na yun? Tsk! Siya talaga ang problema ko, I don’t know if I can hndle him. He’s way too different from Tania na uto uto.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang wallpaper ng phone ko. Its Aki’s picture, stolen shot pa nga e. Muka na siguro kong stalker kung makikita niyo ang phone ko. I had Aki’s stolen photo’s here. At first Kirby was my target but I don’t know what’s gotten to me and I fell for Kazama. I was that determine to just used them to get info about Travess, pero being with them within those months, napalapit na talaga sakin si Aki.

Hindi ko alam that what I’m feeling towards him is love na at hindi nalang want to flirt. I just realize it after ng muntik na may mangyari samin.

Speaking of the devil, he texted me pala

[from Kazama]

“Bryan texted me, dyan ka pala muna titira? Mag-iingat ka, just call me if you need my help”

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko ng mabasa ko ang text niya, pero syempre hindi naman mawawal na hindi kami pwedeng magsama sa ngayon. Focus muna kami sa paghihiganti namin.

Pero nagulat ako ng tumawag siya

“he-llo”

[Nath] ihh ang gwapo ng boses niya, tsk!! Nathallie tumino ka, ang landi mo

“napatawag ka?”

[just wanna hear your voice]

“sus”

[Nath, pagkatapos nito let’s run away]

“sira ka”

[seryoso ko]

“Aki”

[matulog ka na, good night]

“good night”

Binaba ko na yung phone at humiga ulit sa kama. Bakas sa boses niya ang pagiging malungkot, ano kayang nangyari?

Aki’s POV

Seryoso si Kirby kanina ng pagalitan niya kami ni Ian, oo pinagalitan niya kami. Something went wrong with our plan. It’s Brenda, I don’t know kung ano ang buong storya, pero she’s been sticking with Ian for like every hour and everyday.

Kaya naman muntik muntik na kaming mabisto, kaya ngayon nabago na naman ang plano namin.

Sa sobrang stress ko ay tinawagan ko si Nathallie. Wala lang feeling ko nawala ang stress ko ng marinig ko ang boses niya.

Alam ko bukas mas mabigat at mas matinding pagsubok pa ang haharapin ng grupo namin. Pero alam kong kakayanin namin to.

Kirby’s POV

Hindi ko sinasadyang masigawan kanina ang mga kaibigan ko, alam kong tinutulungan lang nila ko. Pero sobrang nafrustrate lang talaga ko sa Brenda na yun. Muntik muntik niya na kasing marinig ang plano namin. Malay ko bang doon pala natulog yun sa unit nila Crissy. At dahil sa frustration ko ay nasigawan ko silang dalawa.

Humingi din naman ako ng paumanhin sakanila matapos yun. Sadyang ayoko lang na may makakaalam g mga plano ko. Walang sino man ang makakahadlang sakin. Walang sino man ang makakahadlang sa binabalak kong paghihiganti.

Lahat ay gagawin ko para kay mama. Wala akong pake kong may masakatan ako o may mamatay pa sa proseso ng paghihiganti ko. Ang mahalaga ay ang maipaghiganti ko ang aking ina. Yun lang wala ng iba.

Umaga ng sumunod na araw ay ang simula ng aking trabaho sa kompanya ng aking lolo. Alam kong nalalapit na ang pagbibigay ng kompanyang ito sa anak ni Edrick. Pero sa ngayon habang wala pa sa tamang gulang ang anak niya, ay sa mama ko parin ito nakapangalan. Nagpapasalamat ako’t natanggap ako ditto at nalaman ko ang mga bagay bagay nay un nung interview ko.

Pano ko nalaman ang mga iyon? Wag niyo ng alamin pa, ang mahalaga ay marameng tao ditto sa kompanyang ito ang magagamit ko hindi lang sa impormasyon kundi ang galit nila sa tiyuhin ko na din.

Nung araw ng interview, marameng chismis akong narinig. Ang mag-amang Edrick at Steve ay napapabalitang nagnanakaw ng pera sa kompanya. Alam kong may malaking posibilidad na ginagawa nga nila yun. Muka silang pera, lahat sila sa grupo nila ay malakas sa sugal. Lahat sila ay gahaman.

Hindi na ko nagtataka kung ganun nga ang gagawin nila sa pera ng kompanya. Pero ngayong narito na ko, hindi ko na hahaayaan pang pagnakawan nila ang kompanyang para saking ina. Kukunin ko sakanila ang akin.

Ian’s POV

Kasama ko ngayon si Tania, sa wakas kami na. Mapapabilis nalang ang gagawin naming paghihiganti. Pero wala pa kong laam na paraan kung pano ko sisirain ang puso ng babaeng ito. Sobrang amo ng muka niya, sobrang bait, ibang iba sa babaeng nakilala ko.

Sa totoo lang I think I’m falling for her. The process I’ve been trough just to make her fall for me, parang totoo na lahat ng yun e. Hindi nalang bastang niligawan ko siya para sa revenge. Niligawan ko siya dahil gusto kong mapasakin siya.

Ahh!! Hindi hindi hindi!! Hindi ako in love sakanya. Parang lang yun. Hindi talaga ko in love sakanya. Hindi ako pwedeng ma in love sa babaeng nasa harapan ko ngayon

“are you okay Ian?” muli akong nagbalik sa wisyo at humarap ng ayos sakanya. Nagulat ako ng unti unti niyang nilapit ang muka niya sa muka ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Hindi ako makakilos, hindi ako makaiwas. Feeling ko may lagnat ako sa sobrang init ng pakiramdam ko

“ang dumi mo kumain” I blink twice and I see her smiling at me, at feeling ko tumigil ang pagtibok ng puso ko

“Ian are you really okay? You look like you’re having a fever” may pag-aalalang sabi niya, umiling naman ako bilang sagot at muling bumalik sa pagkain ko.

Buong oras ng pagkain nakmin ay daldal lang siya ng daldal tungkol sa pagtira nni Nathallie sakanila. Kinkwento niya sakin kung ganu kalaki ang problema ni Nathallie at kung gano siya kaawang awa ditto. Sa loob loob ko naman “naniwala ka naman don”. Napaka galing umarte ng Natahallie na yun. Kahit alam ko na kung bakit ganyan siya, hindi ko parin maiwasang hindi mainis sa babaeng yun. Iba siya. Ang galing niya umarte. Hindi na ko nagtataka kung pano nahulog sa patibong niya si Aki.

Matalino, maganda, sexy at magaling umarte. Sinong tao ba naman ang hindi mapapaniwala ng Nathallie na yun?

“Ian naman e, hindi ka naman nakikinig sakin e” nakita kong sumimangot siya at inayos na ang pinagkainna niya at tumayo. Agad ko namang ijnayos ang pinagkainan ko at sinundan siya

“hey I’m sorry” hinabol ko siya nguniot hindi niya ko pinansin. Ilang ulit kong tinawag ang pangalan niya pero hindi siya humaharap sakin.

Hays! LQ? Tae naman ohh 

Hot Revenge (On Hold)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum