Chapter 29 (NoNoNo)

1.9K 30 19
                                    

Chapter 29 (NoNoNo)

Kirby’s POV

Naging abala ko nitong mga nakaraang araw, bukod sa trabaho ko naghahanap ako ng mga bagay na magagamit ko laban sa mag-amang Steve at Edrick. Sa sandaling pananatili ko sa kompanyang ito ng mga Rivera, marameng bagay akong natuklasan tungkol sa mag-ama, actually di lang sakanila.

Hindi pa lahat, pero may mga nalaman akong bagay, bagay na talagang nagpakulo ng dugo ko. kahit umiyak ng dugo sa harap ko ang mga tarantadong gumawa ng kahalayan sa nanay ko, hinding hindi ko sila mapapatawad, walang kapatawaran ang ginawa nila.

Hindi lang pagkamatay ni mama ang balitang ginawa nila, pati ang pagiging walang kwentang anak nito. Siniraan nila ng todo si mama sa buong angkan ng Rivera, hindi na nakapapagtaka kung bakit hindi nila nagawang hanapin si mama sa kabila ng hindi maayos na imbestigasyon tungkol sa kunwaring kamatayan niya.

Mga gago sila, mga tarantado sila, may araw din sila sakin, at sisiguraduhin kong sa oras ng paningil ko. Kahit labasan pa ng dugo lahat ng butas sa katawan ko, hinding hindi ko sila mapapatawad. Hinding hindi, kahit maging isa pa sakinlang dalawa ang ama ko.

Sa totoo lang wala na kong pakelam kung sino man sa mga gagong yun ang tunay kong ama, mga wala silang kwenta, wala silang karapatang tawaging ama. At hinding hindi ko kikilalaninng ama ang isa sakanila kahit kailan.

Abala ko sa pagtatype sa computer ko para sa report na dapat kong ipasa sa darating na Biyernes ng tumunog ang cellphone ko. huminga ko ng malalim bago ko sagutin ang tawag ni Crissy, pinagbawalan ko siyang tumawag sakin kapag oras ng trabaho ko. Nakakaistorbo na kasi siya minsan sakin. Pero siguro naman ay importante tong tawag na ito kaya naman sinagot ko

“hello”

(Kirby . . .)

“do you miss me that much? Okay I’ll visit

Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko ng nagsalita siya, dali dali akong lumabas ng opisina at sumakay sa sasakyan ko, minaneho iyon ng sobrang bilis

“no this is not happening, NOO!!!!”

Crissy’s POV

Iyak ako ng iyak, hindi ko na alam kong saan ko nakukuha ang luha sa mga mata ko. hindi ko alam kung gaano na ko katagal na umiiyak. Hindi ko din alam kung paano ko nagawang tawagan ang lahat ng kaibigan namin para ibalita ang isang balitang ni minsan ay di ko inisip na ipakakalat ko.

“where’s she? Where’s mom?”

“Kirby calm down”

“Calm down? Paano? Paano ko kakalma? Ha paano??!!!”

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, hindi ko alam kung ano bang dapat kung sabihin, hindi ko alam kung anong magagawa ko para maibsan ang lungkot na nadarama niya. Pero kahit hindi ko alam ang dapat sa hindi, lumapit ako sakanya at niyakap siya.

“Crissy she’s not dead right? She’s not” iyak siya ng iyak sa balikat ko, kahit ako hindi ako makapaniwala, kahapon lang sabi nila okay na si tita, pero kanina bigla nalang tumigil ang pagtibpok ng puso niya

 . . . . . . .

Matapos maasikaso ang lahat para sa burol ni tita Ella, andito kami ngayon sa isang kapilya. Halos si Aki na ang nagasikaso para sa burol ni tita Ella, di kasi namin makausap ng matino si tito Kevin lalo na si Kirby.

Sa ngayon ay okay naman na si tito, pero si Kirby? Hindi, hindi siya okay, at alam kong matatagalan bago siya maging okay. Sina tito, Aki at kuya ang nagaasikaso ng mga bisita, si Kirby naman nakatayo lang sa tapat ng kabaong ni tita. Hindi siya nagsasalita, ni hindi niya inalis ang tingin sa bangkay ng kanyang ina.

Simula nung umiyak siya kanina sakin sa ospital din a siya ulit umiyak pa, at yun ang kinatatakot ko. natatakot ako sa susunod niyang gagawin, isang Kirby na walang emosyon ngayon ang nakikita ko.

Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang kausapin. Pero takot yun lang ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot akong margining ang unang salitang lalabas sa bibig niya, dahil alam ko sa sarili ko, pinatay niya na sa utak niya ng paulit ulit ang mga taong dahilan ng pangyayaring ito

Aki’s POV

Sino bang magaakala na mawawala si tita Ella ng ganun ganun nalang samin? Kay Kirby? Alam kong higit kanino man si Kirby ang nahihirapan, siya ang pinaka nagluluksa ngayon.

Pero hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi siya umiiyak, hindi siya nagpapakita ng galit, ni anong emosyon walang pinakikita si Kirby ngayon. Nakatingin lang siya kay tita, pero alam ko. any minute from now, isang salita lang niya malaki ang magiging pagbabago ng lahat. Dahil alam ko sa mga oras na to, ilang ulit ng namatay sa utak niya ang mga taong may kagagawan ng lahat ng ito.

AN: hu hu, wag niyo po ko papatayin mga readers, sorry . Kahit ako po naiiyak ako, hu hu Ella :(((

PS: ginawa ko lang NoNoNo yung title para naman pang neutral sa emosyon ng chapter na ito, ang bigat kasi e :(( 

Hot Revenge (On Hold)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang