Chapter 21 (I will be here for you)

3.9K 33 2
                                    

A/N: back to recent time na tayo, eto na yung andito na si Aki, pero Tania Ian moments lang muna to ha

Ian’s POV

“Tania amm . . .may gagawin ka ba sa Sabado?” sabay kaming naglalakad ni Tania papunta sa cafeteria, katatapos lang ng isang subject namin at naipangako niya saking sabay kaming maglalunch ngayon

“hindi naman bakit?” kinuha ko sakanya yung mga books niya, nagThank you naman siya sakin

“yayayain lang sana kita manood ng sine, kung okay lang?” nakita ko namang tumango siya, dahilan para mapa “yes” ako

Nakita ko namang nangingiti siya habang naglalakad, shit!! Eto na to

Saturday morning ang sched naming magkakaibigan sa basketball, pagkatapos nito magpapa-alam ako kay Bryan na liligawan ko ang kapatid niya. Syempre dapat kapanipaniwala ang lahat ng gagawin ko nu. Pari para mas maging okay ang mga susunod na mangyayari. Magandang maging legal sa kuya niya kami kung sakali

“pre” tawag k okay Bryan, nagsisintas siya ngayon ng sapatos niya ng lumapit ako sakanya

“o?” sagot niya naman habang patuloy parin sa pagsisisntas sa sapatos niya

“I like your sister” sabi ko nalang dahilan para mapatingin siya sakin

“so?” may diin ang pagkakasabi niya, kita sa muka niya ang muka ng kuyang nag-aalala para sa nakababatang kapatid na babae. Well alam ko ang nararamdaman niya ngayon, may kapatid akong babae nu

“magpapa-aalam sana ko kung pwede bang maging girlfriend ko siya” sabi ko nakita ko namang ngumisi siya

“not until you win” tas tumayo na siya, alam ko na ang ibig niyang sabihn, one-on-one

Kaya naman nanuod at nagreferee lang samin sina Aki

At aminado akong nahirapan ako sa pagtalo kay Bryan

“so okay na bang maging girfriend ko kapatid mo?” tanong ko sakanya pagkatapos ng laban namin

“good luck” tas nagman hug kaming dalawa

Yes!!! Eto na konti nalang okay na

4pm ng sunduin ko sa bahay nila si Tania, dinala ko siya sa restaurant na pag mamay-ari ng kaibigan ni Aki. Wag na kayong magtaka kung bakit madameng kaibigan si Aki ditto sa Pilipinas kahit na Hapon yan. Walang imposible sa isang Kazama

“wow ang ganda naman dito” sabi niya pagpasok namin sa loob ng restaurant. Actually nagpatulong ako kay Aki para maayos yung buong lugar at para din kaming dalawa lang ang tao ngayon. Buti nalang talaga at kaibigan ni Aki ang may ari nito kaya naman hindi ko na kinakailngan pang gumastos ng malaki sa reservation at sa lahat lahat dahil discounted na nga at sila pa ang kusang nag-ayos ng lahat

Kaming dalawa lang ang tao sa loob ng restaurant, syempre bukod yun sa mga tauhan ditto

Inalalayan ko siya maupo sa pwesto niya “thanks” rinig kong sabi niya at nginitian ko lang siya, pumwesto na ko saharap niya

Pagka-upo ko ay nagsimula ng tumugtog ang favourite song niya na ngayon ay pinatutugtog sa piano

“wow pano mo nalaman na favourite song ko yan?” amaze na amaze na tanong niya sakin habang pinakikiramdaman ang pagtutug ng “someday” ni IU

“sabi ni kuya mo idol mo daw si IU, kpoper ka pala” biro ko sakanya, nakita ko namang medyo nahiya siya at napayuko. Napatawa ako ng mahina ng Makita ang reaksyon niya, ang cute niyang mahiya

“weird ba?” nagulaty ako sa tanong niya, tinignan ko siyang maigi at umiling

“no, ang cute nga e” sabi ko nalang at nakita kong namula siya

Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain namin

Habang kumakain ay patuloy lang ang pagtugtog ng mga Korean song as background song namin. Kahit hindi ako Akakaintindi ng Korean ay hinayaan ko lang na yung ang tumugtog, favourite nga kasi niya yun

Matapos kami kumain ng tumugtog ang “I will be here for you”

“may I have this dance my lady” nagulat ata siya na makitang nasa tabi niya na pala ako, inabot niya naman kamay ko at inalalayan ko siyang tumayo

Nagsayaw lang kaming dalawa doon sa gitna habang patuloy lang yung nagpipiano sa pagtugtug ng kanta

“Tania be my girlfriend” sabi ko sa gitna ng pagsayaw namin, nakita ko namang tumango siya

“is that?”

“yes” nakangiting sabi niya sakin, sa sobrang saya ko ay binuhat ko siya at pina-ikot ikot doon

“thanks” sabi ko pagkatapos ko siyang iikot, nakita ko namang ngumiti siya

Matapos namin kumain ay dinala ko siya sa isang parke

Naupo kami sa duya doon

Habang tinitignan ko ang maamong muka niya parang nakokonsensya ko sa pwede kong gawin sakanya.

I can feel na sa isang buwan mahigit kong panliligwa sakanya at sa tagal din naming magkasama bilang magkaibigan ramdam kong iba na ang turing niya sakin. Alam kong sa pagkakataong ito posibleng gusto niya na ko, ang malala ay baka mahal niya na ko

“Tania I’m sorry kung masasaktan man kita” sabi ko sa sarili ko at nilakasan ang pag-ugoy ng duyang kinauupuan ko

Hot Revenge (On Hold)Where stories live. Discover now