Chapter 27 (bangungot ng nakaraan)

2.6K 31 6
                                    

Chapter 27 (bangungot ng nakaraan)

3rd Person’s POV

Marame sa mga napapanood nating revenge thingy na palabas, hindi nila hinahayaang mapatay kagad yung pinaghihigantihan nila. Sabi nga nila kapag pinatay mo na, wala ng thrill. Kaya naman etong si Nathallie, she used psychological revenge imbes na physical.

Halos mabaliw naman si Travess sat wing may gagawing kalokahan ang anak.

Ilang araw ng nagigising si Travess na pagmulat ng mata ay litrato ni Natasya ang unang makikita sa umaga. Kahit ilang ulit niya ng tanggalin at sunugin ang mga litratong nagkalat sa kanyang silid sat wing umaga ay hindi maubos ubos ang mga litratong ito. Magigising nalang siya na puno ng pagmumuka ni Natasya ang nasabing kwarto, minsan ay napapanaginipan niya na ang babae. Hindi lang lirato ng babae ang bumubungad sakanya sa tiwng gigising, andyan din ang mga kulay kahel na rosas na nakapalibot sakanyang higaan. Ang kulay ng rosas na binibigay niya noon kay Natasya. Hindi pa doon natatapos ang mga iyon, minsan sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog ay naririnig niya ang boses ng babae na nakanta. Ito ang nagmimistulang alarm clock ni Travess, ang mala anghel na tinig ng babae na inaawitan siyia ng “tanging yaman” na talaga namang nagpapatayo ng kanyang balahibo.

Kaya naman talagang hindi siya mapakali sa twina, tila ba siya’y minumulto ng babaeng inirog.

Ilang beses na din siya muntik hindi kumain, sat wing si Nathallie kasi ang nagluluto ng kanilang ulam ay mga paboritong putahe ni Natasya ang niluluto nito. Nagprisinta si Nathallie na maging taga luto nila kapalit ng pagtira sakanilang pamamahay. Hindi naman siya makatanggi dahil ayaw niyang malaman ng kanyang mga anak ang tungkol sa babaeng noo’y inibig ng lubos. Ang mas nagpapawala ng gana niya sa pagkain ay ang lasa nito. Kalasang kalasa ng luto ni Natasya ang luto ni Nathallie, hindi niya na tuloy alam kung anong gagawin sa twing si Nathallie ang magluto. Kahit ano kasing lutuin ng dalaga ay naaalala at nalalasahan niya ang luto ni Natasya.

Hindi lang si Travess ang pinaghihigantihan ni Nathallie. Inalam niya ang lahat ng sekreto ng pamilya sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa kapatid na si Tania. Nalaman niya ditto na malapit ng masira ang pamilyang kanyang nais paghigantiahan. Nalaman na kasi ng asawa ni Travess na siya’y nambabae noon at ito’y may anak sa labas. Nag-init ang ulo ni Nathallie ng marinig iyon. Hindi bastang babae lamang ni Travess si Natasya, muntik silang magpakasal noon. Kundi lang dumating si Brenda ay malamang si Natasya ang asawa ni Travess ngayon at hindi sii Brenda. At malamang din sa hindi ay buhay pa sana ang ina ngayon kung kinasal sila ni Travess.

Sinasadya niya namang inisin ang kapatid na si Bryan. Minsan ay sa pamamagitan din ng pagluluto. Niluluto niya ang mga pagkaing ayaw lkainin ng kapatid, minsan ay kung saan may allergy ito. Nangyari pa ngang nadala si Bryan sa ospital dahil hindi niya alam na ilagyan pala ni Nathalli ng marameng hipon ang pansit na niluto nito. Na dahilan para hindi makahinga ng maayos si Bryan at dinala ito sa ospital.

Tuwang tuwa si Nathalli sat wing nakikita niya ang ama at kapatid na naghihirap. Walang makakapigil sa kanyang paghihiganti. Walang sino man ang may kakayahan upang pigilan siya.

Samantalangsi Kirby naman ay inuunti unti na ang paghihiganti sa tiyuhing kumuha ng yaman ng ina. Pinagiigi niya ang pagtatrabaho kasabay ng pagkuha ng marameng impormasyon labansa tiyuhin niya. Inutusan niya din ang kaibigang si Aki upang unti-unting bumili ng shares sa kompanya, sa tulong ni Ayase ay unti-unti silang bumibiki ng mga shares sa kompanya ng kanyang lolo.

Nagsisimula pa lamang sila sa kanilang paghihiganti, marame pang dapat abangan sa kung anong gagawin nilang dalawa para maipaghiganti ang kani kanilang mga ina.

AN// masyado bang malalim yung pagtatagalog ko? sorry, hehe :))) HAPPY NEW YEAR sa inyong lahat!! sana suportahan niyo pa po ang stories ko though mabagal ang UD's ko, salamat sa lahat ng nakilala't naging kaibigan ko nitong nakaraang aon. LOVE YOU ALL!!! :******

Hot Revenge (On Hold)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant